CHAPTER 7

217 22 1
                                    


CHAPTER 7

APOLLO

Unang araw na wala si Arte sa Themis IV, oras pa lang nga ang lumilipas para na 'kong magkakasakit.

Ano na kaya ang ginagawa niya? Hindi siya nagre-reply sa sobrang busy niya.

May mga tumititig kaya sa kanya? May nagpapapansin o may kumukuha na ng number niya para magkaroon ng communication sa kanya? May kinakain kaya siya? Baka naman ginugutom lang siya ro'n dahil mabagal siyang kumain ay magtitiis na lang siya.

Hindi ako makapag-concentrate sa klase, hindi ko magawang magpokus. Nang lunchbreak na ay kasama ko si Gin, Devin, at Taco.

"Magkakasakit yata 'ko," amin ko sa kanila.

Hinawakan ako ni Taco sa noo at leeg. "Wala ka naman kahit lagnat."

"Love-nat?" nang-iinis ang hitsura ng ngiti sa labi ni Gin.

Hindi ko makain ang ricemeal na binili ko, wala akong gana.

"First time mo bang maramdaman 'yan?" tanong ni Devin.

Tumango ako. "Kumakain kaya 'yon? Pressure pa naman 'yong Bernard na 'yon kay Arte parang palaging minamadali. Si Arte pa naman napakabagal kumain, kaya minsan dapat sinusubuan 'yon," naiinis na sabi ko.

"Sinusubuan ng?" tanong ni Taco.

Binatukan ni Devin sa ulo si Taco.

"Aray!"

Hindi ko naman nakuha ang sinabi ni Taco. Kanina pa 'ko naghihintay ng message ni Arte pero 4:30 ng umaga ang huling message niya sa 'kin, good morning 'yon at aalis na raw sila. Hindi ako naka-reply dahil tulog na tulog ako at kahit nag-alarm ako ay wala namang naitulong sa 'kin.

Napabaling ako sa glass wall dahil parang may kumakaway sa labas. Nakita ko si Yza, ang Alpha na nakausap ko kahapon.

"Iyan pala 'yong late enrollee," sabi ni Taco. "Ganyan mga tipo mo 'di ba, Alpha? Mga babaeng Alpha rin? Tindig pa lang malalakas na ang dating, kaya sikat din sa mga babaeng Omega."

"Oo, siya nga 'yong pasok sa Alpha female na gusto ko," amin ko naman.

Tinignan ako ni Devin. "Ano ba si Arte para sa 'yo?"

"Apollo, mabait naman si Arte, binabati nga 'ko no'n kapag nagkakasalubong kami parang 'di tama 'yang dalawang ilog ang sasagwanan mo," sabi ni Gin.

"Totoo ba na nakipagpustahan ka kila August kaya ka lumalapit kay Arte?"

Tiningnan ko si Devin. "Paano mo nalaman 'yon?" nangunot ang noo ko. "May kumakalat bang gano'n?" Ano na lang kapag narinig ni Arte 'yon?

"Ano?" malakas na tanong ni Taco. "Aba, Apollo, 'wag gano'n!"

Nakita ko si August malapit kay Yza pero ilang saglit pa umalis na si Yza sa umbrella na pinupuwestuhan kasama ang isang Alpha na lalaki.

Tumayo ako at lumabas at saktong nagkatitigan kami ni August. Naroon siyang mag-isa at mukhang nasa rooftop ang mga kagrupo niya kaya nag-iisa lang siya.

"Oh, kusa kang lumalapit ngayon sa 'kin? Himala, akala ko ay iniiwasan mo na 'ko dahil halos hindi na tayo magkasalubong," ani August. Tinapik niya 'ko sa balikat.

"Bakit may kumakalat na pinagpustahan natin si Arte?" Nagpipigil akong magalit sa kanya.

"Bakit naman matalim ka tumingin?" natatawa pa siya. "Wala akong pinapakalat, pero hindi ko kontrol ang bibig ng ibang kasamahan natin—"

"Hindi ako kabilang sa samahan ninyo."

Natatawang inakbayan ako ni August. "Huwag kang mag-alala, sa tingin ko naman ay napapaikot mo si Arte, pasukan mo lang ng mga kasinungalingan at mauuto mo 'yon, alam naman natin kung gaano kahina sa mga Alpha ang mga Omega," natatawa talaga siya. "At hindi naman naiiba si Arte sa mga matatalinong Omega pero bobo kumilatis ng tao."
Nang-iinsulto ang tingin na ibinigay sa 'kin ni August. "Gusto mo siyang ikama? Hindi mo makalimutan ang scent niya? Para na siyang magnet na nakadikit sa buong pagkatao mo? First time mo bang maramdaman ang ganyang pagpapaikot ng Omega? Pero kilala kita, pareho lang tayo." Naupo siya sa lamesa sa ilalim ng umbrella. "Gusto mo rin siyang ikama? Sino bang hindi 'di ba? Si Arte na 'yon!"

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon