CHAPTER 8

284 26 18
                                    

ARTEMIS

Tatlong araw ako sa Themis V kasama ang ibang representative sa iba't ibang lugar ng Themis. Iyong iba kakilala ko na dahil last year ay naging magkakalaban din kami, pero naging magkakaibigan. Maraming pagkain at alagang-alaga naman kami rito, pero hindi ko maramdaman na gusto kong tumagal dito.

Contest ang sinalihan ko rito, mga quizzes sa iba't ibang asignatura. Mayroon din kaming mga seminar, review, dahil ang mananalo nga ay lalaban sa ibang bansa. Last year, hindi ako nakasama sa ilalaban sa ibang bansa dahil natapat iyon na nasa heat ako at mahihirapan akong mag-concentrate kaya ang 2nd place sa Themis I ang ipinadala nila.

Sobrang busy, at kapag ganitong natatambakan ako ng stress ay hindi ko magawang kumain dahil parang hindi bababa sa tiyan ko at masusuka lang ako. Pressure ako kahit sinasabi nila na madali lang sa 'kin ang lahat, actually, iyong pagsasabi nila no'n at pag-eexpect ang rason bakit lalo akong nape-pressure.

Hindi ako tumitingin sa cellphone ko dahil mga messages ng mommy ko ang nakikita ko at paulit-ulit niyang sinasabi na kilalanin ko ang mga tao rito, at maging tumatatak na Omega ako sa mga nakikilala ko. Alam ko ang rason, para may mag-alok sa 'kin ng kasal sa susunod na mula sa mga kilalang anak ng negosyante. Isa sa pinakagusto niya na makuha ko ang atensiyon ay mga mula sa Themis I, dahil naroon ang pinakamayayamang anak na mga Alpha. Ang Themis I ang bukod tanging mapapanood sa telebisyon ang mga palarong sport, recognition, graduation at iba pa. Ang mga mayayamang estudyante kahit elementary pa lamang ay nakalista na ang pangalan at taon kung kailan ito papasok sa Themis, kaya puro reserba na ang mayroon at talagang mga Elite na tao. Ang katulad ko ay makakapasok lang sa scholarship, pero sa pagiging unlucky ay palagi akong nagkakaroon ng problema tuwing may mahalaga 'kong dapat asikasuhin.

Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay nasa seminar na uli kami. Tiningnan ko 'yon at napangiti ako dahil si Apollo 'yon at hindi ko maiwasang hindi mag-reply. Sa totoo lang, hindi ako gutom at alam kong hindi rin naman niya madadala sa 'kin pero naalala ko ang kine-crave kong maja ilang araw na.

"Excuse me, can I sit beside you?"

Tiningnan ko ang lalaking matangkad at nakangiti.

"Sure, vacant naman 'yan," sagot ko. Nasa kabilang tabi ko si Bernard.

Naupo siya sa tabi ko at napansin ko ang level ng balikat niya ay katulad kay Apollo, magkasingtangkad siguro sila.

Hindi ko alam kung sinasadya niya, pero naaamoy ko ang pheromones niya, pero hindi naman sobra.

Umupo ako nang diretso, gustong-gusto kong maamoy si Apollo.

Nagtatanong paminsan-minsan sa 'kin ang lalaking katabi ko, gumagawa ng usapan tungkol sa mga presentation—friendly.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ko pa pala natatanong ang pangalan mo," aniya na 'di nawawala ang ngiti.

"Arte," sagot ko na may tipid na ngiti. "Sa Themis IV kami representative, si Bernard," tukoy ko sa 'king katabi.

Binati niya naman si Bernard. Inilahad niya ang kamay sa 'kin. "Niccolo, sa Themis I ako, 2nd year."

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Kung maikukuwento ko sa mommy ko na may nakatabi, nakausap at nagpakilala sa 'kin na taga-Themis I ay nasisiguro kong matutuwa siya nang husto. Pero wala akong planong sabihin.

Napadiretso ako ng upo. Hindi naman kami nagkakasama ni Apollo oras-oras pero bakit ngayon na ilang oras palang na 'di kami magkasama ay para ko ng gustong idahilan na mag-heat na 'ko at kailangan ko ng umuwi? Ganito ba talaga kapag nagiging malayo talaga sa isa't isa? Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil naispan ko talagang magsinungaling para lang makabalik.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon