CHAPTER 17

70 6 2
                                    

CHAPTER 17

APOLLO

"Ang bilis ng araw, sa susunod aalis ka na sa Themis IV."

Naglalakad-lakad kaming dalawa sa malapit na garden, may daan na hagdanan na pang-exit sa gilid ng balkonahe kaya nakababa kaming dalawa.

Nauuna maglakad sa 'kin si Arte dahil natuwa siya sa pusang puti na may bell, pag-aari 'yon ng isa sa mga teacher at madalas talagang gumala sa 'ming dorm, pero mukhang hindi niya pa 'to nakikita.

"Mabilis masyado, samantalang naiinip ako last year," sabi ni Arte na tumingala lang sa mga bituin. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa kanyang likuran. Hinawakan niya ng dalawang palad niya ang braso kong nasa bahagi ng kanyang dibdib.

"Anong pangarap mo?"

Hindi siya kaagad sumagot pero naramdaman kong mas dinikit niya ang sarili sa 'kin na para bang kapag umalis ako ay babagsak siya.

"Magkaroon ng business, marinig sa mommy ko na tapos na ang lahat at malaya na 'ko."

Naramdaman ko ang hirap sa kanyang boses.

"Malaya?"

"Hindi ko alam, simula no'ng bata ako ay sobrang saya niya na naging anak niya 'ko. Nang malaman niyang marami akong kayang gawin, natutuwa rin siya, ang daddy ko palagi lang sumusuporta sa mommy ko, kaya kung ano ang desisyon niya ay iyon din ang sa daddy ko. Masayang-masaya ako no'ng bata, wala silang hindi ibinigay sa 'kin, kung may instrumento akong gustong pagtutunan ay kaagad nila 'kong ihahanap ng magtuturo sa 'kin at ipahahasa nila 'yon sa 'kin, sobrang supportive nila sa 'kin."

May kakaibang lungkot akong nararamdaman sa boses niya, gusto ko siyang patigilin pero gusto ko rin na malaman ang pinagmumulan ng pagdaramdam niya.

"Bata pa lang ako, sabi ni mommy sa hitsura ng buto ko at paraan ng pagkilos ay may tiyansang isa 'kong Omega, lalo at may kahinaan ako sa mga pisikal na gawain katulad ng mga activity sa P.E. na nangangailangan ng puwersa. Nang makompirma namin 'yon bago ako pumasok ng Junior High kung saan nailabas ang resulta para alam kung saang school ako dapat mag-aral ay natuwa rin siya na tama siya, isa akong Omega."

Madalas talaga ay pinaghihinalaang Omega ang kalalabasan ng lalaki kapag mahina ito sa pisikal na gawain at may hitsura itong Androgynous—iyong p'wedeng panlalaki at pambabae. May tiyansa na mali rin ang hinala ng iba, pero karamihan talaga sa Omega ay Androgynous lalo sa hubog ng katawan. May ibang Omega na katulad ng katawan ng Alpha, pero hindi malaki ang porsiyento nila.

"Sa Junior High, doon niya ako nagsimulang maging passionate sa mga ginagawa ko, pero bago matapos ang junior high ay nawawala na rin ang passion na 'yon dahil para bang nadidisappoint ko na siya kapag hindi ako ang palaging nauuna, kapag nagkakasakit ako, at doon ko narinig sa kanya na mahal na mahal niya 'ko at mamamatay siya kapag naging suwail akong anak."

Humigpit ang kapit niya sa 'kin at napansin kong may luha na siya, gusto ko siyang patahanin pero baka ito lang ang unang beses na mailalabas niya 'to.

"Sa senior high, mas naging marami ang nagbibigay atensiyon sa 'kin at hindi niya gustong makipagkaibigan ako basta-basta, gusto niya ang ibang oras ko na natitira ay humahanap pa 'ko ng bagay na bago na magiging bihasa ako. Ipinagmamalaki niya 'ko, kaya pakiramdam ko sa sobrang taas ng tingin niya sa 'kin ay naging malayo rin ako sa ibang kamag-anak namin. Nang matapos ang senior high, nalaman kong may ilang pamilya ang nanghingi ng kamay ko sa kanya, pero wala siyang pinagbigyan dahil sa rason niya na may higit pang darating sa 'kin."
Iniharap ko siya sa 'kin at pinahid ko ng palad ko ang luha niya.

"I'm sorry, bago pa lang tayo nagsisimula pero problema na kaagad ang ibinibigay ko sa 'yo," aniya.

"Anong problema?" takang tanong ko sa kanya.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon