CHAPTER 4

230 23 0
                                    


ARTE

Ano na ang susunod kong gagawin? Bakit siya pumayag? At kailan ko sasabihin iyong it's a frank? Sa iritasyon ko sa 'king sarili ay ginulo ko na lang buhok ko saka bumuntong hininga. Natigil ako nang maalala ko ang natural scent niya. Hindi siya nagpapakita na malapit na ang heat niya at wala sa hitsura niya, itinatago niya lang ba 'yon? May gano'n ba kagaling magtago kapag malapit na sa heat? Pero wala pa naman akong experience sa lalaking Omega kaya baka may kaibahan sila sa babaeng Omega?

Nang makabalik lang siya ay tahimik ko lang tiningnan ang pag-aayos niya ng gamit. Hindi ko alam bakit ang bagal-bagal niyang kumilos, dahan-dahan at buong ingat ang bawat galaw niya.

"Ganyan ka ba talaga kabagal kumilos?"

Mukhang tapos na naman siya kaya natapunan niya na 'ko ng tingin.

"Oo, nainip ka?" Nagpipigil ang ngiti sa labi niya. "Tara na, may time pa naman ako." Hinila niya 'ko sa braso na ikinagulat ko, hindi naman niya 'ko naiangat kaya natawa siya sa ginawa niya.

Mahina ang katawan ng lalaking Omega at wala akong masasabi pa dahil hindi ako nagkaro'n ng maraming pagkakataon na mapaligiran ng katulad niya.

Tumayo ako dahil hindi niya 'ko binibitiwan. Maling hinayaan kong magkalapit kami dahil iyon na naman ang amoy niya at pakiramdam ko ay nagsimula 'kong makaramdam ng kakaiba.

"Sabay na tayong kumain o kumain ka na?"

Wala siyang alam sa kakaibang nararamdaman ko at patuloy lang siyang nagsasalita.

Naalala kong hindi nga rin ako nakakain dahil kay Devin at ito nga na kinauwian ko dahil naman kay August.

"Nasaan iyong alipores mo?" tanong ko nang naglalakad na kami patungong cafeteria.

Nakakairitang pinagtitinginan kami at tila kulang na lang atakihin na sa puso iyong iba. Kahit iyong pangkaraniwan na binabati nila si Arte ay hindi nila nagawa.

"Nalunok na yata ng mga tao rito ang dila nila," nakangising puna ko.

Hindi kumibo si Arte pero tumingala siya sa 'kin at nginitian ako. Isa rin 'tong nababaliw na.

"May ibang klase rin sila at hindi naman sa lahat ng oras magkakasama kami."

Tahimik ang pasilyo dahil gulat na gulat talaga sila. Hindi lang kami basta magkasabay ni Arte, nag-uusap pa kaming dalawa. Kahit ako hindi ko alam bakit ako narito pa rin sa tabi niya at parang normal lang kaming nag-uusap na walang naging issue sa pagitan naming dalawa.

Sinamaan ko ng tingin ang mga taong nakikita kong pinagbubulungan kami. Napansin kong nahuhuli na pala si Arte, masyado akong naging pokus sa paligid ko kaya naiwanan ko siya.

"Ako na nga ang magdadala niyan," inagaw ko sa kanya ang mga libro niya. "Napakabagal mong maglakad."

Natawa siya nang mahina, "Sa lahat nang manliligaw, ikaw ang mainitin ang ulo."

Binalingan ko siya nang tingin at nahuli ko na naman siyang ngumiti. Mahilig siyang ngumiti?

"Huwag kang puro ngiti, baka isipin nila close tayo," sabi ko.

Tiningnan niya ako at mas lumaki ang ngiti niya. "Sa lahat ng nanliligaw ikaw iyong ayaw mapalapit sa nililigawan mo?"

"Tama na nga 'yang ligaw na salitang 'yan!"

Natawa siya at sakto naman na nasa cafeteria na kami.

Kinapa ko ang wallet ko no'ng nakapila na kami at nasabi na ang order naming dalawa. Pero nakapag-abot kaagad si Arte ng card sa cashier.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon