CHAPTER 2

18 2 0
                                    

Celestinee's POV

Matapos kong mai-parked ang kotse ko nag madali akong pumasok sa university nawala sa isip kong Wednesday nga pala ngayon parehong 9am ang pasok namin ni Zach, baka magkita kami dito hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Good morning Dra. Cabrera" bati sa akin ng guard, sa tagal ko ba naman dito sa Xymia University di pa ko makilala nito.

"Naku kuya guard hindi pa ho, may isang taon pa ko sa med tech, good morning po, una na ko ah" sagot ko nalang at nagmadaling maglakad papunta sa department namin.

Siguradong pagdating ko sa building namin hindi ko makikita si Zach, bukod sa mag kaiba kami ng course e sobrang layo ng building ng Mass Communication sa amin kilala ko sya di mag aabalang pumunta yun dito lalo ng di kami okay.

Narating ko na ang unang klase ko maaga pa naman kaya wala pang propesor akong naabutan.

"How are you and Zach?" Bungad na tanong sa akin ni Tiffany isa sa pinakamalapit kong ka-klase mula nung first year.

"We haven't talk yet, ayoko din muna syang makausap"

"Willing to give chance pa rin ba sis?"

"Hindi ko alam, napapagod na ko pero di ko maikakailang mahal ko talaga sya"

"Labas nalang tayo mamaya para naman medyo malibang ka, masakit talaga yan e"

"Pwede naman, after class na siguro hanggang 6pm lang naman tayo ngayon e"

"I like it!"

Naputol ang kwentuhan naming iyon noong marinig na namin ang tinig ng propesor.

"Miss Cabrera, our Dean wants to talk to you, proceed to his office now, you're excused to my class" ani propesor, isinabit ko lang ang bag ko sa balikat ko at sumenyas ki Tiffany na aalis saka na naglakad palabas ng classroom.

"I'll go ahead Miss" saad ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Binaybay ko na ang daan papuntang Dean's office.

*Knock* *knock*

Agad naman akong pinagbuksan ng pinto matapos ang dalawang beses na pagkatok.

Papasok palang ako'y nakita ko na agad ang mukha ng taong kanina ko pa ayaw makita, hindi ko ito pinansin at dumiretso sa pakay ko.

"Good morning Dean" bati ko

"Good morning Miss Cabrera, please have a sit" alok nito sa akin at naupo na din naman ako. "As you can see there are few mass comm students there, they will conduct an interview to those students who excel despite the level of difficulty of their course so since you're one of the best medical students in our university I decided to call you to answer their questions, konti lang naman, is it okay with you Miss Cabrera?" Saad ng Dean, sa dami dami ba naman ng araw Dean ngayon pa, sa dami dami ba naman ng taong pwedeng mag interview sakin sya pa? si Zach pa?

"No problem Dean" ano pa nga bang magagawa ko kung hindi ang um-oo nalang.

"Okay great, so let's go there for a short briefing" saad ng Dean at saka na namin tinungo ang kinaroroonan nila.

"Everyone this is Miss Cabrera one of the best medical student here in our university"

"Hi!" Bati nila sa akin ngiti lang ang naging ganti ko sa mga pagbating iyon nila sa akin.

"Uhm okay students I'll go ahead I have lot of things to do, have fun!" Paalam ni Dean

"Bye Dean" they said in chorus.

Bumalik ng office si Dean para kumuha ng gamit at saka na tuluyang umalis.

"So let's start?" Saad ng isa sa mga kasamahan ni Zach.

"Hi I'm Aubrey, group leader nila, thank you sa pag payag huh" saad ng isa pa sa kasamahan nya at nakipag kamay pa sakin.

"No problem, yeah by the way I'm Celestinee, Celestinee Cabrera" pagpapakilala ko sa kanila.

"Celestinee Cabrera so ikaw yung girlfriend ni Zach? Sorry I'm not familiar with your face name lang kasi ang alam ko e" nabigla nyang saad, tumango lang ako bilang sagot. "Zach bat di ka naman nagsabi na sa girlfriend mo pala tayo mag i-interview, kaya pala ang tahimik mo e" dagdag nya pa. Napangiwi lang ako sa sinasabi nito, di ko naman masisi kasi wala naman silang alam.

"Maybe we can go somewhere for the briefing and interview nakakahiya pa kasi kung dito pa tayo e" suhestion ng isa sa mga kasama nila, sabay sabay naming nilisan ang Dean's office at saka pumunta ng cafeteria.

Napag pasyahan nilang pumesto sa may right side malapit sa bintana para na rin sa malawak na table.

Huli na nung namalayan kong papunta sa kinauupuan ko si Zach na may dalang milktea at tumabi sa akin. Hinandugan ako nito ng halik sa noo na may kasabay na salitang "Baby I'm sorry, let's talk" kaliwa't kanang panunukso ang natanggap namin matapos ito.

Hindi na umalis si Zach sa tabi ko hanggang matapos ang briefing sa akin ni Aubrey, wala na din akong nagawa kung hindi ang sabayan ito.

Untold I love youWhere stories live. Discover now