Celestinee's POV
Maaga akong nag ayos dahil pupunta kaming sementeryo.
*Knock* *knock*
"Sandaleeeeeee naman atat ka atat?!" Sigaw ko dahil alam kong si Migue ang kumakatok.
"Aabutin na tayong sunod na death anniversary ni Ate sa tagal mo" reklamo nya
"Okay na" saad ko matapos makalabas sa kwarto at makapagbihis.
"Binyag mo ba?" Pang aasar ni Migue at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Siguro dahil sa suot kong white drop waist dress na hanggang tuhod.
"Kailangan bang may okasyon kapag magsusuot ng puting dress?"
"Sino ba kasing abnormal magsusuot ng puting bistida sa gantong panahon?"
"Makulimlim lang pero hindi yan uulan, desisyon ka, hawak mo ba langit?"
"Bili muna tayong bulaklak" pag iiba nya sa usapan.
"May alam akong magaling mag arrange ng bulaklak" suhestion ko at tumango lang ito.
Dumiretso na kaming parking lot para dumaan ng flower shop.
***
"How much?" Tanong ni Migue, matapos iabot sa kanya ng arranger yung bulaklak.
"2,500 pesos sir" sagot naman nito, at iniabot ang bayad.
"Daan muna tayong Kitty's Baker ah, gutom na ko e" reklamo ko
"Sisikip bistida mo"
"Manahimik ka ah!" Singhal ko at nagkibit balikat lang sya. Binaybay namin ang daan papunta sa naturang kainan.
"Ano sayo?" Tanong ko nung makarating kami sa harap ng Kitty's Baker.
"Kahit ano, wag kana bumili ng drinks daan nalang tayo ng starbucks" sagot nya
"May kape naman dito ah"
"Starbucks na" pagtatapos nya sa usapan, favorite nya kasi kape dun e, arte arte
"Two slices of chocolate cake, two slices of caramel cake, twelve pieces of cookies and one box of doughnut" saad ko sa cashier.
"Huling kain mo na yan?" Komento ni Migue na nasa tabi ko, nakita kong ngumiti ang cashier.
"Tumahimik ka jan ah" singhal ko.
"3,700 po lahat ma'am" saad ng cashier at saka inabot at card ko.
Matapos maiabot ki Migue ang mga binili ko lumabas na kami para dumaan sa starbucks.
Maya maya pa'y huminto na sa tapat ng starbucks si Migue.
"Wag kana bumaba mahangin sa labas baka maging belo na bistida mo"
"Madapa ka sana, bilhan mo na din pala ko ng tubig letche ka" sigaw ko at saka na sya bumaba ng kotse at pumasok ng starbucks.
***
Matapos naming marating ang sementeryo kinuha ko ang pang sapin sa likod para may maupuan kami."Oh wag kang uupo ah" saad ko matapos kong mailatag ang tela sa harap ng puntod ni Ate.
"The last time I checked I was the one who buy that"
"Whatever"
Nagsimula na kong kumain habang nakaupo at ganun din sya.
"Hi Ate pasensya na ah, ngayon lang ako nakadalaw busy e" saad ko habang kumakain ng chocolate cake, favorite kasi ni Migue yung caramel e kaya kanya yun.
"Multuhin mo nga to ate mukhang kinalimutan kana" saad ni Migue, nakatanggap naman sya ng kurot mula sa saakin.
"Ate alam mo ba yang si Migue hanggang ngayon di pa rin sinasabi sakin kung sino si babu, mapakadamot" saad ko at nakita ko ang pagsilip ng ngiti na naman ng ugok na to.
"Baka kapag nalaman mo bukas makalawa alam na din ng buong mundo kung sino, kaya wag na"
"Kung kakilala ko lang sana lahat ng tao posible yan, e ultimong kapitbahay namin di ko alam kung sino"
"Maghintay kana lang kaya na sabihin ko ng kusa sayo, diba mas maganda yung magkukusa ako kesa sa pinilit mo ko"
"Whatever" irap ko.
"Nag cheat na naman sa kanya si Zach" mapangiwi nalang ako sa sinabi na naman ng ugok na to, at mukhang proud pa sa sinabi nya, nanlisik naman mata ko at ginantihan nya lang ako ng ngiti.
"Nag sorry naman na ate, nag effort naman"
"Pero niloko ka pa rin"
"Oo na, niloko na kung niloko sumbongero ka"
"Di nya na naman tinuloy panliligaw nya dun sa chix nya nung nakaraan, gulo ng takbo ng utak" saad ko naman.
"Nag try lang ako" saad nya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Tignan mo yan ate ang sama ng ugali ginawa ba namang trial and error mga babae"
"Hindi mo naman malalaman kung ready kana ba sa isang bagay kung di mo ita-try e" bigla syang tumitig sakin.
"Ano nangyari?"
"Tingin mo titigil ako kung ready na ko"
"Malay ko bang busted ka pero ayaw mo lang sabihin kasi alam mong aasarin kita"
"Tapang nya naman para gawin yun"
"Ang lupet mo naman para di i-expect yun"
"Sa sobrang sama ng ugali mukha ng sungay"
"Ganda ko namang sungay"
"Sungay na nababad sa clorine"
"Kaya pala wala kang buntot kasi ikaw mismo yung buntot e"
Lumipas ang oras na asaran lang kami ng asaran, ang mapipikon talk HAHAHA. Ganto talaga kami mag usap magagalang.
Nagpalipas kami ng kalahating araw sa sementeryo, kwento lang kami ng kwento tungkol sa mga nangyari samin nitong nakaraan. Buti nalang medyo umayon panahon samin ngayon walang init hindi rin umuulan, tamang hangin lang at medyo makulimlim na langit.
Habang nagmamasid ako sa paligid napansin kong nahiga na si Migue at nakatulog na.
Pinagmasdan ko lang ang mukha nya, kung tutuusin cute naman sya e, gwapo nga kung ituring sya sa university namin e pero wala e di ko talaga type tong ugok na to, hanggang best friend lang talaga kami.
"Sana ate biniyayaan din ng magandang ugali tong kapatid nyo di lang mukha" saad ko at lumingon sa puntod nya.
Hinayaan ko nalang matulog yung ugok.