Celestinee's POV
"We still have thirty minutes to calm ourselves for the competition" anunsyo ko sa mga kasama ko sa debate team, singlakas ng sigaw ng mga taong nandito ngayon sa Auditorium ang kabog ng dibdib ko, pinilit kong ikalma ang sarili upang bigyan ng lakas ng loob ang mga kasama ko.
"Pst!" Sa gitna ng malakas na sigaw ng mga manonood nangibabaw ang tinig na pamilyar dahil sa tuwinang pagtatagpo nila ng tenga ko.
Luminga linga ako para hanapin ang pinanggalingan ng tinig. Naglaho na parang bula ang kabang nararamdaman ko at napalitan ng galak noong sandaling masilayan ko ang pigura ni Migue na nasa gawing kanan ng back stage. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang patuloy na tinatahak ng aking mga paa ang kinaroroonan nya.
"Ice cream na mas masarap pa sa gawa ng paborito mong ice cream house" saad nito kasabay ng pag abot sa akin ng sorbetes na dala nya.
"Ha? E mas masarap yun tsaka yun yung favorite ko e" nakatingalang reklamo ko.
"Trust me mas masarap yan"
"Baka binili mo lang to sa kung saan"
"Ang arte ng buhay mo, kainin mo nalang matutunaw na yan" utos nito sa akin. Sinimulan ko ng papakin ang dala nyang sorbetes, halos sumayad ang baba ko sa sahig ng mapagtanto kong mas masarap nga ito kaysa sa binibili naming sorbetes sa paborito kong ice cream house. Hindi ko magawang tigilan ang pagpapak nito dahil sa sarap nito.
"I told you" biglang naibulaslas ni Migue matapos na mapansing naubos ko na ang dala nya.
"Hala ang sarap nga, saan mo to binili gusto ko pa!" Animo'y batang humihirit ng kendi ang naging lagay ko.
"You have a competition to win pa, after nalang nito saka ko ipapatikim uli sayo yun"
"Promise?"
"Promise:)"
"Can I have a hug?" Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon, walang pagdadalawang isip naman akong niyakap ni Migue ng mahigpit.
"You can win this, I trust you" bulong nito sa gitna ng pagyayakapan naming dalawa. Nawala lahat ng kaba ko matapos marinig iyon sa kanya at maramdaman ang yakap nya.
"Uhm sige babalik na ko, thank you sa ice cream, see you later!" Paalam ko at saka na bumalik sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko.
"Okay the competition is about to start let's go to the stage" saad ng adviser ng debate team, bago ako tuluyang umakyat ng stage liningon ko muna si Migue na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kung saan ako nanggaling, matamis na ngiti ang natanggap ko mula dito at tuluyan na syang nawala sa paningin ko sa pagtapak ko sa stage.
Miguel's POV
"Here's your order sir" saad ng waitress sa paboritong ice cream house ni Celes.
"Thank you" saad ko, pinigilan ko sa pagtalikod ang waitress.
"Yes sir? Do you want anything?"
"Uhm yes, can you do me a favor?"
"Sure sir, what is it?"
"Pwede ko bang malaman kung anong secret ingredients nyo sa ice cream na to?"
"Ay sorry po sir pero labag na po iyon sa policies ng establishment na ito"
"Please?"
"Pasensya na po talaga kayo sir" Malungkot na saad ng waitress, alam ko namang imposible itong gusto kong mangyari pero wala e gusto ko pa ring subukan para may Celes, nagbabakasakali lang naman baka swertehen.
Matapos ang halos isang oras ng pagkain ng ice cream at pagtambay dito napagpasyahan kong lumabas na para makauwi na din.
"Ay sige po ma, naghihintay na po ako ng taxi pauwi, wag na po kayong masyadong mag panic pauwi na po ako" Hindi ko sinasadyang marinig ang lahat ng iyon sa waitress na kausap ko kanina sa labas ng pinag ta-trabahuhan nya.
Tinungo ko na ang kotse para makaalis na din. Ilang minuto kong pinagmasdan ang waitress na naghihintay ng taxi pero wala ni isang taxi'ng dumadaan, siguro dahil medyo late na din.
Sinimulan ko buksan ang makina ng kotse at tinungo ang kinaroroonan ng waitress.
"Miss it kinda late, wala ng dadaang taxi dito"
"Oo nga po sir e, may emergency pa naman sa bahay"
"Saan ka ba?"
"Aguinaldo po sir"
"Ohh, gusto mo sumabay madadaanan ko din naman yung Aguinaldo papunta sa condo ko"
"Okay lang po ba sir?"
"Yeah, no problem bukas na yung pinto" saad ko at pumasok na sa kotse iyong waitress.
Isang nakakabinging katahimikang ang bumalot sa kotse ko, well naiintindihan ko naman sya hindi naman kasi talaga kami mag kakilala.
"Ah sir pwede po magtanong?" Pagbasag nya sa katahimikang kanina pa kumakain sa amin.
"Yeah sure"
"Bakit nyo po gustong malaman yung recipe ng ice cream namin?" Halos maabot na niya ang sahig dahil sa hiya matapos mabitawan ang tanong na iyon. Natawa ako ng mahina.
"It's for the girl I love, gustong gusto nya kasi yung ice cream na gawa nyo feeling ko mas maa-appreciate nya kapag ako mismo yung gumawa ng ice cream, alam ko kasing comfort food nya yun e lalo na't may competition sya bukas kailangan nya ng mga ganung pagkain"
"Ang swerte naman po ni ma'am"
"No, ako yung swerte sa kanya" Ngumiti ako sa kawalan matapos ang mga salitang iyon.
"Uhm may ballpen po kayo sir?"
"Ah yeah"
"Pwede po'ng humiram?"
"Yeah sure, here" saad ko kasabay ng pag abot ko sa ballpen sa kanya.
"Ay jan nalang po ako sir sa una unahan yang may poste po" saad ng sakay ko, ihininto ko ang sasakyan sa harap ng posteng sinasabi nya.
"Salamat po talaga sir huh, ingat po kayo sa byahe"
"No problem"
"Ito na nga po pala yung ballpen" saad nya at saka inabot sa akin ang ballpen'g kaninang hiniram nya na may kasamang maliit na papel, huli na ng namalayan kong nakalabas na sya ng sasakyan ko at ngayo'y nakadungaw sa bintana ng kotse.
Binuksan ko ang kasamang papel ng ballpen ko, "ICE CREAM'S INGREDIENTS" Tumingala ako para tignan ang waitress na nasa harap pa rin ng bintana ng kotse ko.
"Sana po mag tagal pa kayo ng swerteng babaeng mahal nyo" Abot tengang saad niya.
"Salamat!" I sincerely said, hindi ko alam kung saang parte pa ng katawan ko pwedeng ilagay itong sayang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko hindi sapat ang salitang salamat para ipakita na sobrang laking bagay nito sa akin.
Akala ko imposibleng magawa ko ito pero nagawa ko!!!! Sana masarap ang kalabasan ng ice cream na to bukas para naman makatulong ng kahit konti ki Celes. Maraming salamat Jesus sa patuloy na paggawa ng paraan para sa kagustuhan at ikasasaya ng anak mo. Salamat po.