CHAPTER 1

17 3 0
                                    

Celestinee's POV

Calling Migue....

"Hey?"  bungad nya sa akin.

"Nasa parking lot ako ng condo mo" saad ko.

"Istorbo talaga, sandali pauwi na ko wag ka munang bababa ng kotse mo baka may mga animal jan"

"Thanks" saad ko at ibinaba na ang telepono.

Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at hinayaang kumawala ang mga luha.

Matapos ang halos kalahating oras ng paghihintay nahagip na din ng mata ko ang kotse ni Migue, bumaba sya at tinungo ang kotse ko.

*Knock* *Knock*

"Halika na sa taas" saad nya matapos kong mabuksan ang pinto ng kotse.

Binaybay namin ang daan patungo sa condo nya.

***
Naupo agad ako matapos naming makapasok sa condo nya.

"Same reason?" ani Migue at inabutan ako ng tubig.

"Hindi na simpleng away to Migue" humihikbi kong saad. "He's cheating" pagpapatuloy ko pa.

"Two year ago when you caught him cheating, ano pinagkaiba nun ngayon?"

"I thought that shit will not happen again, he promised, di ko in-expect na magagawa nyo uli sakin to"

"Gaya ng paulit ulit kong sinasabi sayo, kapag masakit na itigil na"

"I love him, I really do"

"Ilang taon ko na ding naririnig yang reason mo na yan, kailan magbabago?" Saad nya at tinungo ang kusina. "Sisig or adobo?" Tanong nya.

"Both" sagot ko naman.

"Matakaw" komento nya.

Hindi ko na alam kung pano ko patitinuin si Zach, sobrang sakit na. Apat na taon na kami pero nagagawa nya pa ring magloko.

Naiinis din ako sa sarili ko e, paulit ulit na ngang nagloloko paulit ulit ko pa ring binibigyan ng chance na pumasok uli sa buhay ko, bakit ba mahal na mahal kita Zach Zalazar?! Anong meron sayo bat ako nagkakaganto.

Maraming lalaking gustong gusto pumasok sa buhay ko pero bakit nababaliw ako sa isang tulad mo, Zach?!

"Ah!!!!" Malakas na sigaw ko at hinampas hampas ang unan na hawak ko.

"10k lang naman yan" narinig kong saad ni Migue.

Tinungo ko ang kusina para puntahan si Migue.

"Migue, panget ba ko?" Tanong ko agad sa naglulutong lalaking to.

"Oo panget ka, pero di mo deserve masaktan ng paulit ulit" sagot nya ng hindi man lang ako tinitignan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa sagot nyang yun o magagalit, kailan ko nga ba nakausap ng matino tung letche na to.

"Kamusta na nga pala yung nililigawan mo?"

"Wala, I changed my mind, di ko na tinuloy"

"Why?!"

"Bawi nalang ako sa next life ko" sagot nya na naging dahilan ng pagtawa naming dalawa.

"Well di din naman kita masisi kung bat ayaw mo, hirap kaya mag move on sa first love noh?" Pag aasar ko pa sa kanya. "Ano nga uli tawag mo sa kanya? Babu? HAHAHA"

"Wag kang kakain ah"

"Sana pinakilala mo man lang ako ki Babu, like hey babu this is Celes my gorgeous best friend" pang aasar ko pa sa kanya habang ginagaya ang accent nya HAHAHA.

"Di ata worth it pagmamadali kong umuwi, bwiset talaga" asar na komento nya HAHAHA.

Alam kong pikon na sya kasi ayaw nyang pinag uusapan yung babu nya, matagal na kaming mag best friend pero di ko pa nami-meet yang babu na yan. Wala din syang kinu-kwento kung bakit di sila nag katuluyan basta hanggang ngayon di ko pa rin sya kilala, madamot sa info si Migue pag tungkol ki babu e.

***

Untold I love youWhere stories live. Discover now