Celestinee's POV
Pasado ala sais na nung matapos ang huling klase ko, sabay kaming lumabas ng room ni Tiffany pero nag paalam lang din sya dahil may pupuntahan muna sya bago kami umalis.
"Daan muna akong condo magpapalit lang ako ng damit, kanina ko pa to suot e" saad ko ki Tiffany
"Okay, may pupuntahan lang ako saglit bago tayo magsaya, see you later!" sagot naman niya naglakad na ko papuntang parking lot.
Pinatakbo ko na ang kotse papuntang condo para makapagbihis na.
***
Matapos kong magbihis agad kong tinawagan si Tiffany."Hello girl, where are you?" Saad nito
"I'm on my way, please send me the address"
"Okay, see you!" Sagot nito at binabaan ko na sya ng telepono.
Habang nag mamaneho ako'y naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Tiffany sent me the address.
Calling Tiffany. . .
"Hello Celes, where are you na?"
"Nandito na ko, nasan ka ba? Bat ang tahimik naman dito, akala ko ba magsasaya tayo?"
"Wait lalabas na ko, sunduin kita"
"Okay" sagot ko at binabaan na sya ng telepono, matapos ang ilang minuto ng paghihintay nakita ko na si Tiffany papunta sa kinalalagyan ng kotse ko.
Lumabas na din naman ako nung makita syang nasa tapat na ng pinto ng kotse.
"Ano gagawin natin dito? Ano to hall?"
"Oo na girl hall na to, Soshone hall tawag dito pero mawawala yang lungkot mong yan after ng gabing to, trust me" paliwanag naman niya, nagkibit balikat nalang ako at nagsimulang akyatin ang hall na to.
Kung titignan ang hall na ito ay maganda naman may kulay kremang mga dingding, kisame at hagdanan, may kataasan ito, tahimik at mukhang inaalagaan dahil malinis ang bawat sulok.
Narating na namin ang dulo ng hagdanan, wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid.
"Iwan muna kita ah, enjoy!" Saad ni Tiffany.
"Tif-" hindi ko na natapos ang salitang balak kong bitawan nung makarinig ako ng musikang nang gagaling sa loob. Nilingon ko ang hall at biglang lumiwanag ang buong paligid. Inagaw ng lamesa't upuan sa gitna ang atensyon ko, pati na rin ng mga talulot ng pulang rosas na nakalat sa sahig.
Maya maya pa'y nakita kong naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko si Zach na may dalang bouquet.
"Flowers" saad nito matapos makarating sa harap ko at iniabot sa akin ang bulaklak na hawak.
"Thanks" tipid kong sagot.
Napayuko siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.
"I'm really sorry" humihikbi nyang saad habang nakalapat ang labi sa mga kamay ko.
"For the second time sinira ko na naman ang tiwala mo, nasaktan na naman kita, Celestinee I'm really sorry, I don't even have a valid reason kung bat ko nagawa yun alam kong pagmamalabis kung hihingi ako ng panibagong pagkakataon pero please give me a chance, please please" Pagmamakaawa nya sa harap ko.
Nagsimula ng kumati at mag pakawala ng paisa isang luha ang mga mata ko.
"Wag mo kong iwan please, ayusin natin to, gagawin ko na ang lahat ng makakaya ko para hindi na maulit to but please give me a chance, please give this relationship a chance, I love you so much Celestinee" umiiyak nyang saad habang nakaluhod sa harap ko. Nagsimula na kong humagolhol, nasaktan ako sa ginawa nyang iyon pero mas nasasaktan akong makita syang nagkakaganito.
Inalalayan ko syang tumayo sa pagkakaluhod at niyakap ng mahigpit.
"Paulit ulit mo na kong sinasaktan, ilang beses mo na ding nagawang lokohin ako pero mahal pa rin kita, mas nasasaktan akong makita kang nagkakaganyan, Zach"
"I'll promise na hindi na mauulit to this time gagawin ko na lahat para di kana uli masaktan, just please give me another chance"
"Ayoko ng maulit to Zach, hindi ko na alam kung kaya pa kitang bigyan ng panibagong pagkakataon kapag naulit pa to"
"Pangako hindi na" saad nya habang nakayakap sa akin, hinawi nya ang buhok ko ay hinalikan ang mga ito.
"Thank you baby, I love you so much" dagdag pa niya habang nakalapat ang labi sa gilid ng ulo ko.
"I love you too" sagot ko naman.
Hindi ko pa rin talaga kayang mawala si Zach kahit paulit ulit na kong nasasaktan, wala e naging malaking parte na sya ng buhay ko, masyado ko na syang minahal, kasama sya sa mga pangarap ko at alam kong kasama din ako sa mga pangarap nya. Hindi ganoon kadali sakin ang bitawan basta basta si Zach, hindi ganun kadaling itapon lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Tinayaan ko sya noong una at tatayaan ko pa rin sya ngayon.
I love you so much, Zach.
***
Hello NaejWP matulog ka ng maaga HAHAHA.