CHAPTER 13

7 2 2
                                    

Miguel's POV

"Okay na ata yung brown para sa mismong bridge noh" suhestion ni Clifford, nandito sya sa condo ko para tapusin yung miniature bridge naming dalawa. Project sa isang subject.

"Yeah, it looks cool" sagot ko habang patuloy sa paggawa.

"Kasama ba yung boyfriend ni Celes sa mga mag ko-compete bukas sa Cebu?"

"Oo daw, bakit?"

"It's showtime"

"What do you mean?"

"Habang wala yung boyfriend nya, iparamdam mo sa kanya kung ano ano yung pwede nyang maramdaman at maranasan kapag ikaw yung pinili nya"

"Hindi sila maghihiwalay, sasali lang ng contest si Zach, okay?" Paliwanag ko habang tuloy pa rin sa paggawa.

"Yan di ko ma gets jan ki Celes e, mag kasama kayo mula bata for sure kilalang kilala kana nya pero bat di nya man lang napansin na gusto mo sya"

"Mukha na kong sirang plaka sa kakaulit ulit sayo ng hindi ko nga sya gusto at hindi nya rin ako gusto" may kung ano akong naramdaman matapos kong bitawan ang huling apat na salita na nag sanhi ng panandiang pagtigil ko sa paggawa.

"Hindi Celestinee Cabrera ang pangalan ko ah, Clifford Sanchez, walang magbabago sa pakikitungo nya sayo kung aamin ka ki Clifford Sanchez"

"Si Celestinee yung tipo ng babaeng pang matagalan e, iniingatan ng habang buhay at hindi ko magagawa yun kung makikipag relasyon ako sa kanya" ngumiti ako sa kawalan.

"Alam mo ang hina mo, oh sya may pupuntahan pa ko tapos na din naman yang miniature na yan pintura nalang kulang" saad nya at tumayo na sa kinauupuan.

"Sige sa susunod nalang natin ipagpatuloy to"

"Alis na ko pre, salamat" paalam nito

"No problem" saad ko at tuluyan ng lumabas si Clifford.

Matapos makaalis ni Clifford sinimulan ko ng linisin ang parte kung saan kami gumawa ng project.

Naalala kong may laro nga pala ngayon ang GILAS kontra Serbia kaya dali dali kong binuksan ang TV at nanood.

Sa gitna ng panonood ko biglang nag ring ang cellphone ko.

Celestinee's Calling. . .

"Umakyat kana lang pwede ba? Nanonood ako e" bungad ko agad matapos kong sagutin ang tawag nya.

"Are you tired of this?" Halos mapabalikwas ako noong marinig ko ang boses ni Zach sa kabilang linya. May kahinaan ang boses nyang iyon.

"Maybe this day is just tiring, let's just talk some other day" sigurado akong boses iyon ni Celes, nag patuloy lang ako sa pakikinig, hininaan ko din ang volume ng TV.

"Are you tired of me? Tired of this relationship?" Hindi ko alam kung linakasan nya ang boses nya o medyo malapit lang sa kanya ang mic ng phone ni Celes.

"Do you still remember the first time you cheated on me? Kasabay ng sobrang sakit ang galit na hindi ko alam kung huhupa ba halos isumpa kita but the moment that you said sorry hindi ako nag dalawang isip na tanggapin ka uli, hindi ko naisip na magagawa mo uli yun sakin matapos kitang tanggapin uli pero nag sorry ka uli at tinanggap uli kita, pero nakarinig ka ba sakin na napapagod na ko sa relasyon na to? Ni minsan ba naramdaman mong susukuan kita dahil lang sa mga yun? Hindi diba?"May kung anong tumutusok sa dibdib ko matapos kong marinig ang hikbi nya.

"I'm sorry for all the shits I've done, sending you to this kind of situation, for making your life miserable" sandaling nagbago na naman ang lakas ng boses ni Zach "You can now rest, Celestinee"  dagdag pa niya, hindi ko man nakikita ang reaksyon ngayon ni Celes alam at ramdam kong sobra syang nasasaktan ngayon. "I'm setting you free, you will always be my first love, ingatan mo ang sarili mo ah, I love you" matapos bitawan ang mga katagang iyon wala na akong ibang narinig kung hindi ang hikbing nanggagaling ki Celes at malakas na buhos ng ulan.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto para kumuha ng dalawang towel at payong, naalala kong may mga damit pa palang naiwan dito si Celes kaya inilagay ko ang mga pwede nyang gamitin sa CR. Matapos kong maayos ang lahat bumaba na ko ng parking lot at tinungo ang mga posibleng daanan nilang dalawa.

Sigurado akong ihahatid na ni Zach si Celes pauwi dahil anong oras na din, nagsimula akong maghanap sa mismong bahay ni Celes at nilibot ko ang buong subdivision wala akong Celes na nakita, lumabas ako ng subdivision para maghanap uli.

"San ba kayo madalas kumakain ni Zach" saad ko sa sarili. Shit! naalala kong favorite nga pala ni Celes ang pork steak sa ABC's Dining, binaybay ko ang daan papunta sa restaurant na iyon, kaliwa't kanan ang tingin ko baka sakaling nandoon sya.

Sa di kalayuan may napansin akong babaeng nakaupo sa ilalim ng malakas na ulan, nilapit ko ang kotse sa babae at pinagmasdan ito ng maigi.

Kinuha ko ang towel at payong saka bumaba ng kotse nakakulong ang mukha nya sa braso pero alam kong si Celes iyon, nilapitan ko ito halos madurog ang puso ko nung marinig ko ang hikbi nya, ipinatong ko sa likod nya ang tuwalyang dala at pinayungan ngunit hindi iyon sapat para tumingala sya para tignan kung sino ako.

"Wala akong balak alagaan ka uli pag nagkasakit ka" pagbasag ko sa katahimikang kanina pa bumabalot sa lugar.

Tumingala sya at agad akong niyakap, ramdam kong basang basa na ang damit ko hindi lang dahil sa basang damit nya kung hindi dahil na rin sa di mabilang na mga luhang pumapatak galing sa mga mata nya. Gamit ang kanang kamay hinawi hawi ko lang ang likod nya.

"Ang sakit, sobrang sakit, hindi ko kaya Migue" ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan nya, patuloy lang siya sa pag iyak.

"Ssshhh, you'll be fine, halika na muna sa kotse masyadong malamig dito" saad ko kumalas sya pagkakayakap. Inakay ko sya papunta sa kotse at pinagbuksan ng pinto.

"Gamitin mo muna to para di ka lamigin habang wala pa tayo sa condo" alok ko matapos makapasok sa kotse at inabot sa kanya ang isa pang towel na dala ko.

Walang imik akong nagmamaneho habang sya'y walang humpay sa pag iyak. Ang babaw lang ng rason ni Zach para makipaghiwalay, dahil sa mood? Seriously? Tsssk, hindi nya man lang inisip kung gaano kahirap ki Celes na tanggapin sya ulit matapos nyang magloko ng ilang beses.

"Nasa CR na yung pampalit mo, maligo kana baka mag kasakit ka na naman" saad ko matapos naming makarating sa condo, tumango lang sya't walang imik na pumasok na sa CR.

Matapos nyang pumasok ng CR nagpalit ako ng damit dahil basang basa na rin ako at bumaba ulit para pumunta ng Kitty's Baker, favorite nya ang chocolate cake at alam kong kakainin nya iyon sa kabila ng sakit na nararamdaman nya.

Matapos makabalik ng condo hindi pa rin sya tapos maligo, nagluto ako ng makakain baka sakaling mag minatakaw sya.

Magkahalong awa at sakit ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko si Celes na nagkakaganito, bakit kailangan nyang maranasan lahat ng ito.

Matapos ang halos dalawang oras na pagligo lumabas na sya ng CR at naupo sa sala, naglagay ako ng cake sa platito para dalhin sa kanya.

"Oh kainin mo" saad ko at saka inabot ang pagkain sa kanya. "Halos dalawang oras kang magsayang ng tubig ah" komento ko at umupo sa tabi nya at saka sumandal sa balikat ko.

Pasensya kana wala akong magawa habang nasasaktan ka. Ikaw naman kasi e tataya kalang sa di pa siguradong lalaki.

Untold I love youWhere stories live. Discover now