CHAPTER 8

9 2 0
                                    

Celestinee's POV

Pangalawang araw na ng foundation week namin ngayon at itong araw din ito nag simula ang iba't ibang booth. Maraming nagkalat na mga booth, magaganda at mukhang exciting naman pero busy ako sa sariling booth ng department namin e.

Napag disisyunan ng department namin na magtayo ng booth para sa mahihilig mag kape o mag tea ng hindi nag wo-worry na baka mag palpitate sila after.

Kumuha kami ng mga ingredients sa kape at tea na maganda sa kalusugan ng tao especially maganda sa puso, hindi rin kami nahirapan sa paggawa ng mga ito dahil may mga Seniors kaming nag conduct ng experimental research about healthy coffee and tea.

"Hi welcome to 'Kape tayo' ma'am and sir!" Dinig kong bati ng isa sa mga kasama kong si Janice.

"Kape tayo, magkakape pero di mag pa-palpitate, I like the tagline ah" saad ng kaninang binati nya, napangiti lang ako sa komentong iyon.

Lumapit na sa akin ang bagong pasok na customer para mag order, mabilis ko itong nakuha at nai-serve kaagad.

Hindi pa man lubos na nakakapasok ang lalaking may dalang camera ay nakikita ko na ang malawak na ngiti nito sa akin mula sa kinatayayuan ko.

"Hi sir welcome to 'Kape tayo'"  bati ni Janice dito, tinanguan lang sya ni Zach at saka dumiretso na sa akin.

"Hello sir, welcome to Kape tayo, can I have your order please?" Pigil ang ngiting saad ko habang abot tengang ngiti naman ang pinapakita ni Zach sa akin ngayon.

"You can also take me" he said, napalingon nalang ako sa ibang direksyon ng coffee shop at saka pinakawalan ang mahinang tawa.

"Excuse me sir?"

"I mean can I have one cup of  ILY and a cup of ILYT?"

"Sure sir, we will just serve it to your table sir, thank you"

"And can you join me Miss cashier? Sayang naman yung dalawang kapeng in-order ko kung ako lang iinom"  pagpapasaring pa nito, nag katinginan kaming mga medical students sa sinabi nyang iyon at saka nag palitan ng ngiti.

"Ayy girl kami na bahala dito, go kana sa date mong yan" pangingialam ni Bob a.k.a Barbie HAHAHA "Sayang ang hot pa naman ni--" hindi nya pa natatapos ang kaninang sasabihin ng tignan ko sya na animong nagsasabing "tumahimik-kang-bakla-ka-boyfriend-ko-yan" HAHAHA "I mean yung kape mainit yun pag sinerve mamaya sainyo, kaya go na!" Pagpapatuloy nya pa. Nagkibit balikat ako tinungo ang isang bakanteng table kasama si Zach.

"May kasalanan ka ba?" Agad kong tanong matapos naming makaupo.

"Ha? Wala ah, masama na bang i-date girlfriend kong sobrang busy?" Mapang akit na tonong saad nya.

"Busy ka din naman ah" mabilis na sagot ko.

"Alam mo di ka talaga nauubusan ng isasagot sakin noh?" Pareho kaming natawa sa sinabi nyang iyon.

"Talaga"

"Hindi ang totoo nyan, may sasabihin talaga ko" biglang naging seryoso ang mukha nya na nagdala naman sakin ng kaba. Umakto akong normal para di nya mahalatang kinakabahan ako dahil paniguradong pag ti-tripan ako nito.

"Spill the tea sis"  pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Thank you, balik na din ako maya maya after nito" saad ko matapos ilapag ni Bob sa table namin ang order ni Zach, tumango lang din si Zach ki Bob na nagdulot ng kilig sa baklang to.

Untold I love youWhere stories live. Discover now