CHAPTER 21

6 0 0
                                    

Miguel's POV

"Wala pa ba tong susunod HAHAHA" Pagpaparinig ni Jonas habang nag aayos ng mga gamit nya dahil maya maya lang mag che-check out na din kaming lahat.

"Kung gusto mo wag kana umalis HAHA" Sagot ni Kurt.

"Kung ililibre to ng Groom-to-be di na ko sasabay sainyo pauwi" Pagpaparinig pa ni Jonas

"Libre ko pati Gasolina mo after ng kasal namin" sagot ni David.

"Tagal, bulok na naman ako sa Manila nito"

"May dalawang swimming pang nakapila ah" sabat ko.

"Dalawa?" They said in chorus.

"After ng operation ko mag su-swimming tayo"

"Nice! Lika na uwi na tayo para bumilis oras HAHAHA" Saad ni Jonas at isinabit na sa balikat ang pag aari nitong bag saka naming sabay sabay na linisan ang kwarto.

"Oh sakto palabas palang daw ng kwarto sila Lars hintayin na natin sila dito madaming dala yung mga yun" saad ni David sa gitna ng aming paglalakad papuntang elevator.

Sa di kalayuan nakita na namin sila dala dala ang pagkadami daming bagahe, nilapitan na ni David si Lars para tulungan sa mga dala nito at sumunod naman sina Kurt at Jonas, well ako naglakad na din para salubungin si Celes at tulungan sa mga dala nya.

"Pati ba kwarto dinala mo?" Saad ko matapos kunin bagahe nya.

"Pati tung hotel dadalhin ko" Hays! Kailan nga ba naubusan ng bala tong babaeng to.

"Pati sana beach"

"Itong buong region nga sana balak ko e"

"Malabong mapapayag mo sila"

"Ha?"

"Hilatsa palang ng mukha mo hirap ng pagkatiwalaan e HAHAHA"

"Ayy ang galing nahiya naman ako sa boses mong pang hold-up-er"

"Mukha mong pang mang gagantso HAHAHA" Nanlilisik na tingin ang natanggap ko at hampas sa balikat ang natanggap ko mula sa kanya.

"Tulong lang may halong panglalait pa" saad nito kasabay ng pagbaon ng mga kuko nya sa balat ko.

"Araaaaaaay!" Sigaw ko siraulo tong babaeng to Ang sakit, sabay sabay kaming nilingon ng mga kasama namin.

"What happened?" Alalang tanong ni Lars

"Ah wala may tinatanggal lang ako sa balat ni Migue bumaon e" pagsisinungaling nya.

"Shene ell" Komento ni Crizxia

"Label naman Jan" Dagdag pa ni Martina

"Kayo na susunod samin HAHAHA" may kung ano sa tonong iyon ni Lars na hindi ko malaman kung ano, sumenyas pa si David na mauuna na at saka namin ipinagpatuloy Ang paglalakad papuntang elevator.

"Araaay" reklamo ko matapos akong makaramdam ng kuko na namang bumaon sa tagiliran ko.

"Subukan mong mag sumbong sa kanila babaon hanggang atay mo tong kuko ko"

"Oo na hindi na, tanggalin mo na" utos ko na sinunod naman niya.

Sa wakas narating na namin ang elevator, sabay sabay kaming pumasok dito.

Untold I love youWhere stories live. Discover now