CHAPTER 24

3 1 0
                                    

Miguel's POV

Matapos ang ilang minutong mawala si Celes sa paningin ko napagpasyahan kong tunguhin ang harap ng stage dahil alam kong magsisimula na ang competition.

"Uh supportive best friend" komento ni Clifford matapos kong maupo sa tabi nya. Bakit kaya to nandito wala naman tong kilala sa mga representative ng university except ki Celes.

"Ikaw ano ba pinunta mo dito?"

"University natin ang niri-represent nila kaya dapat lang na suportahan ko sila, natin sila"

"Hindi bagay sayo"

"Hindi joke lang, late ako ki Misis Ferrer e alam mo naman yun hindi nagpapapasok ng late HAHAHA"

"Baka di kita makasabay mag martsa sa susunod na taon dahil jan ki Misis Ferrer HAHAHA"

"Ang sama talaga ng tabas ng dila mo"

Nabaling ang atensyon ko sa nagsasalitang si Celes. Wala akong ibang nakita kung hindi sya, si Celes na may hawak na mikropono't dire-diretso kung magsalita ng Ingles.

Sobrang iba sya mag salita into daily basis, minsan parang isa sa mga promotor ng pag ca-cutting class, parang tambay na lasinggera lang jan sa kanto kung umakto't mag salita. Hindi ko alam kung tao pa ba to si Celes e kasi kaya nyang maging isang kagalang galang na tao kapag kinakailangan, kaya nya ring maging parang tambay sa kanto, kaya nyang maging sweet at caring sa tao.

"Magaling talaga best friend mo noh" napabalik ako sa ulirat sa biglang komento ni Clifford kasabay ng mahinang pagsiko sa akin.

"Hindi nga lang sya aware"

"Ang humble pa, kailan ka kaya magiging kagaya nya noh?" Pang aasar pa nya, wala talagang matinong lumalabas sa bibig ng isang to.

Matapos ang halos isang oras na pag dedebate mag aanunsyo na ng panalo.

"Congratulations to all of you, you all did great but only one team will win the title, our 202* best debaters is the Xymia Debate Society!"  Malakas na sigaw ng crowd ang nangibabaw sa Auditorium.

"Congratulations Xymia Debate Society, can we have a short message from any of the team?" Saad ng MC. Kita mula sa kinauupuan ko na pinagtutulakan si Celes ng mga kasamahan nito na kunin ang mic.

"Uhm hi everyone, we just want to thank God first for another triumph and giving us enough strength to finish this competition, to our Family who never tired of supporting us, to our coaches who always push us that we can do better, and to all of you who are here today, thank you for cheering us up and supporting us today, this is for us, and before I forget thank you sa ice cream kanina." Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa huling anim na salitang binitawan nya. You never fail to make me feel appreciated.

"Uy nagustuhan ng customer mo yung ice cream mo HAHAHAHA" Pang aasar pa ni Clifford.

"Thank you and again congratulations to Xymia Debate Society and ofcourse to whole Xymia Community, I'm Toffer Reyes your master of ceremony signing off" Saad ng MC at saka nag simulang mag play ng music ang mga nasa operating department.

Nanatali kaming nakaupo ni Clifford sa kinauupuan namin habang hinihintay ang paghupa ng tao sa Auditorium at ang paglabas ni Celes. Alam kong excited na yung matikman yung ice cream, buti nalang dinamihan ko ginawa ko kanina, nakakaantok nga lang dahil sobrang aga kong nagising para ihanda yung ice cream na yun pero sulit naman kasi halatang nagustuhan naman ni Celes.

Untold I love youWhere stories live. Discover now