CELESTINEE'S POV
Ilang oras na ang nakalipas mula ang unang klase ko, ngayon ay papunta na kami ni Tiffany sa cafeteria para mag lunch. Nakapagtatakang wala ni' isang message si Migue sakin mula kagabi.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nung marinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likod.
"Hi Celestinee" masiglang saad ni Clifford
"Hello, si Migue?"
"Humiwalay na samin kanina after naming makababa e" sagot naman nito, tumango tango lang ako, san naman kaya pupunta yung lalaking yun sa oras na to? Psh
"Oh I see, thanks" saad ko saka sya tumango at naglakad papunta sa ibang table.
"Baka gustong mag lunch sa labas" halos mabigla ako sa biglang pagsasalita ni Tiffany habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng sagot kung nasan nga ba yung mokong na yun
"Arte naman n'ya, datirati naman kumakain sya ng lunch dito."
"Uso pala sayo mag overthink noh"
"Ha? Hindi ako nag o-overthink ah" tanggi ko
"E para ngang may sunod sunod na hums jan sa noo mo hahaha"
"Baliw hahaha" itong isang to' di ko din alam minsan kung san nakukuha yang mga pinagsasabi nya. Itinuon ko nalang ang atensyon sa pagtapos ng pagkain ko.
Nawala naman agad sa isip ko si Migue matapos mag simula ang afternoon class, itinuon ang isip sa pakikinig sa mga prof na pumapasok.
"Class dismiss" Halos mag a-alas syete na ng gabi nung matapos ang huli naming klase, pareho kaming pagod ni Tiffany kaya hindi na naming nagawang mag kwentuhan pa nag paalaman lang kami at saka s'ya naunang pumunta ng parking lot para umuwi na rin. Dumaan muna ako ng locker para kunin ang ibang gamit na gagamitin ko mamaya sa bahay.
Habang naglalakad ako papuntang parking lot natanaw ko si Clifford. Nagmdali akong maglakad para maabutan s'ya.
"Clifford?" tawag ko sa kanya na naging dahilan ng pag kagulat n'ya.
"Oh Celestinee"
"Uhm di mo kasabay si Migue?" liningon lingon ko pa ang likod n'ya pero mukhang wala talaga si Migue
"Hindi na s'ya bumalik ng klase after nung paglabas n'ya nung lunch e"
"What?"
"Oo, aware naman s'ya na may tatlo pa kaming subject pero di n'ya pinasukan"
"Wala ka bang alam kung san s'ya pwedeng mag punta?"
"Wala e, pero umaga palang pansin ko na pag kabalisa n'ya, I did'nt bother to ask na kasi kilala mo naman yun hindi naman yun magsasabi kapag may problema s'ya"
"Ano naman kayang problema ng isang yun"
"Yun ang hindi ko alam, sinubukan mo na bang tawagan?"
"Wait, tawagan ko"
Nilabas ko ang phone ko at in-dinial ang number ni Migue. "It's ringing" nabuhayan naman ako nung marinig kong nag ri-ring ang telepono n'ya ganun din ang nakita kong ekspresyon sa mukha ni Clifford.
"The number you had dial is unattended or out coverage area"
"The number you had dial is unattended or out coverage area"
"The number you had dial is unattended or out coverage area"
"The number you had dial is unattended or out coverage area"