Celestinee's POV
Halos mag ta-tatlong linggo na rin mula nung makalabas ako sa hospital, okay naman na yung sugat sa ulo ko, yung sa puso nalang yung mukhang malayo pa.
Knock Knock
"Pasok" saad ko sa gitna ng pag aayos ko ng mga damit na dadalhin ko sa beach.
"Nasa baba na po si Sir Miguel"
"Ah okay manang, pababa na din po ako salamat." Sagot ko at tumango lang si manang at lumabas na ng kwarto.
Matapos kong maayos lahat ng dadalhin ko bumaba na ko para makaalis na din.
"Pang isang taon ba dala mo?" Komento ni Migue at tinulungan ako sa dala ko.
"Ang aga aga mong mam-bwiset"
"Ang gwapo ko namang bwiset, manang alis na po kami" baling nya ki manang.
"Manang ba-bye po!" Dagdag ko pa.
"Ingat kayo doon huh" sagot ni manang at saka na kami lumabas para sumakay ng kotse nya.
"Nandun na daw ba sila?, I did not check my phone e, lowbat" tanong ko ki Migue sa gitna ng aming byahe.
"Majority of them on the way palang" sagot naman nito na focus lang sa pag mamaneho.
Papunta kaming beach ngayon dahil sa biglang pag uwi ng Lars (kaibigan namin ni Migue since high school.) Halos ata lahat ng kaibigan namin pupunta e kaya paniguradong magiging masaya to.
"Wala kang pagkain na dala?" Tanong mo nung makaramdam ako ng gutom.
"Here, alam kong patay gutom ka" saad ni Migue at iniabot sakin yung tapper ware na may lamang sandwich.
"Wag kang hihingi ah"
"Mukhang kulang pa nga sayo e"
"Pasalamat ka masarap ka gumawa ng sandwich kung hindi papatulan talaga kita" saad ko, hindi ko alam kung anong meron sa sandwich ng ulupong na to bat ang sarap HAHAHA.
"Matakaw ka lang talaga" Hindi ko na pinansin Ang sinabing nyang iyon at nag patuloy nalang sa pagkain.
***
"So how long you've been together?" Biglang saad ni Lars sa gitna ng pagsasalo salo namin sa lunch."Ha?" Tanong ko naman
"Nyang best friend mong siraulo HAHAHA" Pagtukoy nya ki Migue ngumiti lang ang tinutukoy nya na parang nang iinis pa.
"I thought Celes has a boyfriend" Biglang singit ni Crixia
"Oh my gosh! Don't tell me you're having an affair?" Dagdag pa ni Lars, napangiwi lang ako sa sinabi nyang iyon.
"Okay to make things clear, I had a boyfriend for almost four years but we broke up weeks ago I think" Paninimula ko kita ko ang lungkot sa mga mata nila matapos marinig ang kwento ko except ki Migue nakita kong sumilip ang ngiti nya, ano kayang tinatawa tawa ng letcheng to amp. "Migue and I are nothing but a best friend, alam nyo naman yun ever since the world began HAHAHA"
"Four years is not a joke ah, sobrang tagal nun baka kaya hindi umabot ng dulo kasi kayo talaga ni Miguel" Dagdag pa ni Leonna, tinignan ko si Migue para senyasan na mag salita man lang pero kibit balikat ang natanggap ko mula sa kanya, walangya talaga to e wala man lang ginawa unti unti na kong ginigisa ng mga taong to.
"Tagal nyo ng pinipilit yan ah, tsaka hindi naman ako pasok sa standard ni Migue sa babae e kaya malabo yang sinasabi nyo" saad ko nalang at uminom ng juice.