CHAPTER 16

8 2 0
                                    

Celestinee's POV

Matapos ang medyo mahaba habang tulog nagising ako sa puting paligid luminga linga ako at saka ko napagtantong hospital pala ang kinalalagyan ko.

*Knock* *Knock*

Narinig kong katok sa pintuan at saka ko nasilayan ang babaeng nakaputing damit.

"Hello, good morning ma'am linisin ko lang po sugat nyo" saad ng nurse at tumango lang ako saka nya sinimulang linisin ang sugat sa ulo ko.

"Ah uhmm nurse kilala nyo po ba sino nagdala sakin dito?" Tanong ko.

"Yung gwapong lalaki po kagabi boyfriend nyo daw po" sagot ng nurse, hindi ko alam pero may kung anong galak akong naramdaman matapos marinig iyon, kung si Zach ang nagdala sakin dito pano yung competition nya sa Cebu at pano sya nakabalik agad dito ng ganun kabilis?

Abot tenga ang ngiti ko hanggang matapos ang nurse sa ginagawa nya. Hindi nga talaga yata kaya ni Zach na mag kaganto kami ng ganun ganun nalang.

Hinanap ko ang phone ko para tawagan sya.

Calling baby. . .

"The number you had dial is unattended or out of coverage area, you may try your call later"

Okay fine di wag mo sagutin, ang arte mo hmp.

"Pati bote sumusuko sa tigas ng ulo mo" narinig kong turan ng isang pamilyar na boses sa gitna ng aking pagiging abala sa paggamit ng cellphone.

Tumingala ako para tignan kung sino, at pigura ni Migue ang nasaksihan na ngayo'y nasa tapat ng pintuan.

"Where's Zach?" Agad kong tanong dito

"Hanapan ba ko ng mga taong nawawala?" Sagot ni Migue at nagsimula ng maglakad papunta sa mesa sa may kanang bahagi ng kwarto para ayusin ang mga dala nya.

"Hindi mo sya nakita? I mean sabi ng nurse sya daw nagdala sakin dito kagabi"

"Hindi, kararating ko lang diba?"

"Okay, ang panget mo"

"Wag kang kumain ah"

"Panget na nga madamot pa"

"Sayang dala kong bulaklak kala ko mamatay kana"

"Walangya ka talaga!!!" Sigaw ko at binato sya ng unan, narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

Maya maya pa'y lumapit na sya sakin na may dalang pagkain.

"Oh, wala kang binibigay na sweldo sakin para subuan ka, kaya kumain ka mag isa mo"

"Bat ba ko binigyan ng best friend na kasing sama mo"

"Tumahimik ka gutom ako" saad nito at kumain na din sya.

Matapos kong kumain kinuha ko uli ang cellphone ko para tawagan uli si Zach.

Calling Baby . . .

"Kainis!" Asar na sigaw ko

"Uhm?" Tumingin sa gawi ko si Migue

"Hindi sinasagot ni Zach mga tawag ko"

"Bakit?"

"Ha?"

"Bakit mo sya tinatawagan? Break na kayo diba?"

"Dahan dahan naman hoy! Feeling ko kasi gusto nya makipag balikan sakin, hindi naman yun uuwi ng QC mula Cebu para lang dalhin ako sa hospital ng dis oras na ng gabi, tsaka kilala ko sya hindi nya iiwan yung competition sa Cebu para lang dito alam kong may ibang plano pa sya" Mahabang paliwanag ko kasi alam kong di yun magi-gets ni Migue HAHAHAHA

Untold I love youWhere stories live. Discover now