Chapter 1

726 9 0
                                    

CHAPTER 1

"Incheon Gugje Gonghange osin geos-eul hwan-yeonghamnida! Ulineun dangsin-i hangug-e meomuneun jeulgil su issgileul balamnida. Kamsahamnida!"

(Welcome to Incheon International Airport! We hope that you'll enjoy staying here in Korea. Thank you!)

We're here. We're here in Korea.

Nandito kami ngayon sa pangarap na lugar ng mga avid K-Pop fans na katulad ko. Kung saan panghahawakan nila ang isang porsyenteng posibilidad na makita nila ang mga idolo nilang K-Pop stars. Kung saan magagawa nila lahat ng gusto nilang gawin sa Korea. Mag-shopping sa malls, bumili ng mga album ng idols nila, pumunta sa Jeju Island, sa Lotte World, Caribbean Bay o pasyalan ang harap ng kilalang mga entertainment company dito.

Tama na nga! Parang magpapaalam na ako, e. Hindi naman sa ganun. Nagpapaka-bitter lang talaga ako dahil hindi ko naman magagawa yan dito ng masaya ako.

Why?

Ime-meet ko lang naman po kasi dito yung MAPAPANGASAWA ko.

Yung lalaking mapapangasawa ko kahit hindi ko mahal.

Hindi ko matanggap.

Cliché ba yung kalagayan ko? Ganyan talaga. Uso kasi sa China ang arranged marriage. Half-Chinese-Half-Filipino kasi ako.

Bakit dito sa Korea yung pinuntahan namin?

Aba, malay ko. Tanong niyo sa lolo ko.

"Anak, are you ready?"

"Ready saan, Ma?"

"Ready ka na babg makilala siya?"

"No."

Sino kaya ang magiging ready na ma-meet ang naka-arrange na mapangasawa mo?

Sa pagkakaalam ko kasi lahat ng tao may karapatang mamili ng taong makakasama habang buhay. Pero bakit ako wala? Hindi ako tao, ganon?

"Anak naman, napag-usapan na natin yan."

Wala na naman akong magagawa. Napabuntong-hininga nalang ako bago ko siya tiningnan at ngumiti ng pilit.

"Okay po. Ready na po. Saan po ba natin sila ime-meet?"

"Well, sikreto dapat natin silang i-meet. Hindi sila pwedeng makita ng mga tao."

"What?! Don't tell me na kawatan ang mapapangasawa ko? Mas pipiliin ko pa pong maghirap kesa makapag-asawa ng kriminal. Aba, sayang naman ang ganda ko."

"Ano ka ba, Krystal? Hindi siya kawatan! Idol siya! Idol! Kaya kelangang private yung pag-uusap natin, dahil baka may makakita sa inyo."

"IDOL?!"

"Oo. Kinausap na namin si Mr. Lee Soo-Man tungkol diyan, kaya ayos na kayo. Sikat siya kaya hindi muna dapat mai-public ang kung anong meron kayo dahil malakas ang magiging impact panigurado niyan. Alam mo pa naman ang mga K-Pop fan."

"LEE SOO-MAN?!"

"Wag kang sumigaw! Hindi ako bingi!"

"Sorry naman po. Lee Soo-Man po? Y-You mean y-yung CEO ng SME?"

"Oo. Paano mo nalaman?"

"Ma naman! Baka K-Pop fan ako?!"

"Ay, oo nga pala. Sorry naman. We're here. Ayusin mo ang sarili mo."

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan namin. Parang ang bilis naman yata naming makarating sa pupuntahan namin. Madami pa akong gustong itanong kay Mama, e.

SEOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon