Chapter 43

209 3 0
                                    

CHAPTER 43

KRIS' POV

"Astig nitong kantang 'to, gege!"

Si Tao yun.

"Tabi ka muna diyan, Tao! Ako muna!" -- Sehun

Seryoso? Hindi talaga magkasundo 'tong dalawang 'to.

"Oy, wag nga kayong ano diyan. Time management." -- Luhan

Pagkatapos niyang lapitan yung dalawang maknae, umupo siya sa tabi ko.

"Oy, duizhang! Kamusta naman?"

"Ang alin?"

"Ikaw atsaka si Krystalll."

"Ayos naman. Bakit?"

"Wala lang. Naunahan mo pa ako, ha."

"Ha?"

"Nagka-girlfriend ka agad. Hahaha!"

"Magpaka-lalaki ka kasi! Hindi yung palagi kang nagpapa-cute sa camera!"

"Aray, ha! Wag kang mag-alala, magkakaroon din ako."

"Dapat lang. Hindi na tayo bumabata."

"Bakit, duizhang? Balak mo ng gawing forever?"

Teka lang. Balak ko na ba?

"Hindi ko pa alam. Bakit mo naman nasabi yan?"

"22 ka na, oy! I-enjoy mo muna yung pagiging binata mo. Pag nag-asawa ka na, wala na yan. Limited na oras mo."

Anong nangyayari dito kay Luhan?

"Teka nga. Bakit tungkol sa kasal itong pinag-uusapan natin? Hindi pa ako magpapakasal, ano ka ba. Baka ikaw diyan. Don't tell me na may pinopormahan ka na?!"

Wow!

Itong taong 'to?

Just kidding.

"Wala pa! Pero seryoso, duizhang. Bagay na bagay kayo ni Krystalll. Wala na akong ibang maisip na babae na papakasalan mo, eh."

"Wag muna nating pag-usapan yung kasal. Teka lang, ha? Tatawagan ko lang siya."

"Yhiee! Love na love niya, oh!"

"Talaga!"

Napapailing nalang ako sa mga 'to. Kwela kaya sila. Masarap silang kasama. Kahit hindi kami magkakakilala noon.

Teka, nauuhaw ako. Iinom muna ako.

"Duizhang!"

Bigla kong nabitawan 'yung baso at nabasag.

Okay?

"Kris? Anong nangyari?" -- Xiu Min

"H-Ha? W-Wala. Nagulat lang ako sa sigaw ni Tao."

KRYSTAL's POV

Calling: Duizhang

"Annyeong!"

[Baby?]

"Po?"

[Kamusta?]

"Ha? Okay lang? Bakit?"

[Ah. W-Wala. Kinakamusta ka lang. Sige pala. Tawag nalang ako mamaya. Bye. I love you!]

"Okay. Bye! Love you more!"

Problema nun?

Narinig ko nanamang nag-ring ang cellphone ko. Sino naman 'to?

SEOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon