Chapter 2

653 10 0
                                    

CHAPTER 2

"We're here."

Kinakabahan ako.

"K-Kelangan ba talagang ngayong araw tayo makipag-kita sa boss niyo?"

"Oo. Gusto ka niyang makita. Baka kasi pangit ka. Makasira pa sa image ko pag nakita ka." At tumawa po siya ng pagkalakas-lakas.

"Che! Ang swerte mo nga at ikakasal ka sa isang tulad ko. Maraming nagkakandarapa dito, 'no!"

"Weh? Baka bulag sila."

"Kung hindi ako maganda, anong tawag mo sa akin?"

"Pangit."

"Aish! Ewan ko sayo!"

Nag-smirk lang siya at lumabas na sa van. Palabas na sana ako kaso tinulak niya ako. Take note, sa mukha ko niya nilagay yung palad niya.

"Ano ba?!"

"Teka lang. Wag ka munang bumaba."

"At bakit?"

"Alam mo yung may mga fans dito? Paano kung nakita ka nila?"

"Sabi ko nga. Anong gagawin ko dito?"

"Wait lang, nag-iisip pa ako."

"Kris oppa!"

Shet.

Pumasok siya sa van at sinara yung pinto. Dahil sa sigaw ng isa ay natrigger na lahat ng mga fan na nag-aabang doon. May mga bitbit pang banner ng EXO 'yung iba.

"Now what?!" Hindi niya ako sinagot. Nilabas niya yung phone niya at nag-dial.

"Hello? Hyung! Yes, we're here outside. Na-corner kami dito. Andaming fans sa labas. Okay. Okay. Sige. Bye."

"Ano daw?"

"Alis na daw po tayo dito. Sa dorm po nalang." Sinabi niya sa driver.

Mga 3 minutes bago kami naka-alis sa lugar na yun. Kung hindi dumating 'yung security baka abutan kami ng madaling-araw doon. Parang walang pakialam 'yung mga 'yun kahit masagasaan sila, e.

Grabe naman ang kasikatan nitong taong 'to.

Mahirap talagang maging idol. Susundan ka ng fans kahit saan ka magpunta. Kulang nalang susundan ka hanggang maligo, e.

Nakarating naman kami ng payapa. Buti nalang walang nakasunod sa amin.

Ay, teka.

D-Diba, dorm yung sinabi ni Kris kanina?

Ibig bang sabihin nun dorm ng EXO ang pinupuntahan namin ngayon?

"Uhh, K-Kris."

"Hmm?"

"S-Saan tayo pupunta?"

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina?"

Tingnan mo 'to. Nagtatanong lang, e.

"Nagtatanong lang naman ako, eh! Pwede mo naman kasing sagutin ng maayos, diba?"

"Sa dorm nga!"

"Pwede mo naman palang sagutin ng maayos, magsusungit ka pa."

"Nakakainis ka kasi. Posible pala yung kahapon mo lang nakilala yung isang tao pero nakakaramdam ka agad na gusto mo siyang patayin?"

"Ang kapal naman ng mukha mo! Gusto mo yatang ikaw ang patayin k—"

"Tumigil ka na. Nandito na tayo."

Inabutan niya ako ng cap at bumaba na siya. Sumunod nalang ako sa kanya at pumasok kami sa loob ng building. Sumakay kami sa elevator hanggang sa floor kung saan matatagpuan ang dorm ng EXO. Sinwipe niya 'yung card at bumukas na 'yung pinto.

SEOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon