Chapter 10

458 3 2
                                    

CHAPTER 10

"Careless careless

Shoot anonymous anonymous

Heartless mindless

No one who care about me"

First time kong makikitang mag-perform ang EXO. I mean yung talagang kaharap ako. Puro kasi YouTube ang inaasahan ko, e. Pero ngayon alam na. Hehe.

After nilang mag-practice, sinabihan sila ng manager na pwede na silang maggala.

"Noona! Ano pong magandang puntahan dito?" -- Kai

"Magandang puntahan dito? Marami."

"Ano ang pinakamalapit?" -- Kris

"Hindi ko alam. Hehe. Star City at Manila Ocean Park yata?"

"Noona, I wanna go to Manila Ocean Park." -- Tao

"Manila Ocean Park?"

Tiningnan ko yung buong EXO.

"Sabihin mo nalang yung way." -- Kris

"Yey!" -- Tao

Sumakay na kami sa van nila. Isasara na sana 'yung pinto ng van ng may naalala ako bigla.


"Why, noona?" -- Kai

"I forgot! Makikipagkita pala ako sa bestfriend ko ngayon! Ughhh! Pwede bang ituro ko nalang yung way tapos pupuntahan ko na siya?"

"You know what, teacher? Isama nalang natin siya sa atin." -- Suho

"But---"

"No buts. Sasabihin nalang naming stylist siya." -- Suho

"Uhh..."

"Oo nga, noona! You're cool and your friend must be cool too!" -- Sehun

"Hindi cool yun, e. Siraulo yun. A-Atsaka, fan niyo yun. As in sobrang fangirl siya ni Baekhyun."

"Really? Then I want to meet her." -- Baekhyun with matching twinkle pa ng mata

Tiningnan ko si Kris.

"Okay lang ba?"

"Yeah." -- Kris

"Yes! Driver hyung! Bring us to Krystal noona's bestfriend's house." -- Baekhyun

Excited naman masyado 'tong Bacon na 'to. Kung alam lang niya kung anong klaseng tao si Zhie. HAHAHAHAHA.

ZHIE's POV

Annyeong haseyo! Baekhyun's wife imnida!

Joke lang. Alam ko namang .01% lang na magkatotoo yan, eh. Sa dami ng babae dito sa mundo katulad ko ang mapupunta kay Baekhyun my loves? Pero okay lang. Panghahawakan ko yang possibility na yan. Si Krystal nga isang fangirl lang din noon pero tingnan mo ngayon! Future Mrs. Wu!

Well, I'm Zhie. Ang bestfriend ng yelong si Krystal. Opposite ng ugali ko ang ugali ni Krystal. Kung si Krystal ay cold, bubbly naman ako. Kung si Krystal ay snob, friendly naman ako. Pero mabait yan si Krystal. Trip lang talaga niyang maging cold. Hehe.

Well, nandito ako ngayon sa bahay ko a hinihintay si Krystal. Sabi niya siya daw ang pupunta dito, e.

Speaking of, ang swerte ng bruhang yun. Akalain mo, FIANCEE NIYA SI KRIS!!!!

Aba! Madaming babaeng handang gawin ang lahat mapangasawa lang si Wu Fan, 'no!

Nagde-daydream pa ako ng bumukas yung pinto.

SEOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon