CHAPTER 9
"Kris, alis muna ako."
"Where are you going?"
"Pupuntahan ko lang si Jake."
"Okay. Just call me if you need anything."
"Sure. Bye!"
For the past two days, nag-enjoy ako sa company ni Kris. Para nga lang kaming magbarkada, e. Tinuturuan ko siyang magluto ng Filipino foods.
Hindi pa alam nila Mama na nandito ako pero nabalita sa TV yung about sa amin ni Kris, e. So baka may clue na si Mama. Si Zhie naman tinawagan ko na. Bukas kami magkikita. Nasa Palawan daw sila ng pamilya niya.
At ngayon, papunta ako sa secret place namin ni Jake. Tatawagan ko nalang siya pagdating ko doon para papuntahin siya. Hindi ko naman sinabi na nandito ako.
Lake yung secret place namin ni Jake. Doon ko siya sinagot, e. Ang corny niyan dati. Pero wag kayo, mahal ko yun!
Pagdating sa may lake, umupo lang ako sa likod ng puno at nilabas yung phone ko.
To: Jake
|Babe! Pwede ka bang pumunta sa lake? Nandito na po ako. :)|
Yhiee! After 1 month makikita ko ulit yung boyfriend ko.
Nakaramdam nalang ako ng isang pares ng kamay na tumakip sa mata ko.
"Jake?"
Narinig ko siyang nag-giggle.
"Alam na alam, a."
Umupo siya sa tabi ko. Grabe! Lalo yata siyang gumagwapo.
Naramdaman kong mabilis na dumampi ang labi niya sa labi ko.
"I missed you."
"I missed you too. Kamusta?"
"Wala namang nangyari. Hehe. Busy sa business nila Mama."
"Ganun? Buti pala nakapunta ka dito."
"Syempre naman. Hindi ko naman papaasahin yung baby ko."
Twenty years old na ako pero 'yung kilig ko parang pang-16 years old!
"Gumaganda ka yata lalo?"
"Che! Bolero 'to."
"Hahaha! Hindi ako nagbibiro!"
"Ikaw lang naman yung dahilan kung bakit ganito ako, e."
"Ang cheesy ng baby ko, o. Tara."
"Huh?"
"Date tayo."
"Sure! It's my pleasure, Sir."
Hinawakan niya yung kamay ko at lumakad na kami papunta sa kotse niya.
"This is for you, baby."
Tatlong taon na kami pero kinikilig parin ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.
Isang bouquet ng white roses yung binigay niya sa akin.
Nakarating kami sa may mall after 15 minutes. Buti naman makakagala ako ng hindi naka-disguise.
"Let's go?"
In-intertwine niya yung fingers niya sa akin at pumasok na kami sa loob.
"Where do you want to go first?"
"Ikaw bahala."
Pumasok muna kami sa bilihan ng damit. Baka may bibilhin siya.
"Babe, can you help me?"

BINABASA MO ANG
SEOULMATE
FanfictionIsa lamang siyang hamak na fangirl. Pero isa siyang fangirl na nasa totoong mundo pa rin ang puso at isipan. Isa siyang tinitingalang idol. Pero isa siyang idol na gustong maranasan ang totoong mundo. Pinagtagpo para lang mag-away? O pinagtagpo at i...