CHAPTER 16
"WHAT?! BUKAS AGAD?!"
"Yes, dear. Bukas na agad. Malapit na din kayong ikasal kaya kelangan niyo ng magplano."
"Kasal?"
"Yes, Krystal. Nakalimutan mo agad? Tatlong buwan nalang ikakasal na kayo."
"And you're telling me na ikakasal kami sa Seoul?"
"No. Doon lang kayo magpla-plano. Dito kayo sa Pilipinas ikakasal pero sa Seoul kayo titira."
"Ugh! Fine!"
"Now pack your things. Maaga ang flight mo."
"Ko? Akala ko po ba kasama ko si Zhie?"
"Yes. Pero susunod nalang siya sa iyo after ng one week."
"Sige po. Mag-iimpake na po ako."
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagsimula ng mag-impake.
Diba nakatira ako sa condo? Sa bahay na ako tumuloy nung nag-break kami ni Jake.
Masyadong malungkot sa condo, e. Baka kung ano pa ang maisipan kong gawin.
Bakit ganun? Tuwing pupunta ako Seoul palagi akong malungkot? Ayaw yata akong pasayahin tuwing pumupunta ako ng Korea. Yun pa naman ang pangarap kong bansa.
*****
"Incheon Gugje Gonghang e osin geos-eul hwan-yeonghamnida! Ulineun dangsin-i hangug-e meomuneun jeulgil su issgileul balamnida. Kamsahamnida!" (Welcome to Incheon International Airport! We hope that you'll enjoy staying here in Korea. Thank you!)
Hi, Korea.
Pagbaba ng eroplano, dumiretso ako sa CR para mag-ayos ng sarili.
Ayos naman yung damit ko, diba?
3/4 length na white na manipis na damit at red mini skirt with matching heels yung suot ko. Okay na 'yan.
Calling: Duizhang
"H-Hello?"
[Nasa labas ako. Where are you?]
"Palabas na. Nasa CR lang saglit."
[Okay.]
Sabay patay.
Tingnan mo yun! Ang rude parin!
After mag-ayos ng konti, lumabas na ako pero hindi ko pa rin siya makita. Naririnig ko lang 'yung ibang tao na nagbubulungan tapos tinitingnan ako.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
"Hello? Nasaan ka?"
[Nasa may kanan mo.]
Napalingon ako sa kanan ko at nandoon nga ang lalong gumagwapong duizhang ng EXO.
Kumaway siya sa akin sabay ngumiti. Sus! If I know, acting lang niya yan.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Hinalikan ako?!
Sa cheeks lang. Wag kayong malisyosa.
May mga fans sa paligid kaya ganon ang ginawa niya. Best actor na talaga 'to si Kris.
"Welcome back, baby."
"Kyaah! He called her baby!" -- Fan
Nginitian ko lang si Kris at nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport.
"You know what? Hindi mo na naman kelangang gawin yun, e."
"Ang alin?"
"Kissing my cheeks? Calling me baby? Halata kasi sayo na naiilang ka."
BINABASA MO ANG
SEOULMATE
FanfictionIsa lamang siyang hamak na fangirl. Pero isa siyang fangirl na nasa totoong mundo pa rin ang puso at isipan. Isa siyang tinitingalang idol. Pero isa siyang idol na gustong maranasan ang totoong mundo. Pinagtagpo para lang mag-away? O pinagtagpo at i...