CHAPTER 6
Nandito ako ngayon sa paborito naming tambayan ni Jake. Wala lang. Trip ko lang mag-unwind.
Pero hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko.
Si Jake at isang babae ay nakita kong naghahalikan.
"Walanghiya ka! Niloko mo ako!"
Sa sobrang galit ay napatakbo ako papunta sa kanya at sinampal siya.
"K-Krystal?"
"Babe? Who is she?"
"B-Babe? Are you kidding me?! BABE?!"
"S-Sorry, Krystal. H-Hindi ko sinasadya."
"HINDI SINASADYA?! ILANG TAON MO NG GINAGAWA YAN?! SABIHIN MO!"
"I'm sorry."
Dire-diretso lang tumulo yung luha ko. Hindi ako makahinga. Feeling ko binabalot ako ng dilim.
"Noona!"
"WALANGHIYA!"
"Krystal!"
"NILOKO MO AKO!"
"Krystal, wake up!"
Bigla akong napabangon.
"Noona, are you alright?"
Pagtingin ko sa paligid, wala ako sa favorite spot namin. Walang Jake sa harap ko kundi labindalawang lalaki ang nakapaligid sa akin. Kinapa ko yung pisngi ko. Tuloy-tuloy paring dumadaloy yung luha ko.
"Noona, what happened?" -- Kai
"N-Nothing. N-Nightmare lang."
"Are you sure, Noona? You're crying the entire time. Tapos sinisigawan mo pa kami. Nasampal mo pa nga si Chanyeol hyung, e."
Napatingin ako bigla kay Chanyeol. Ayun, namumula yung pisngi.
"Oh, my gosh! Are you okay?! I'm sorry! H-Hindi ko sinasadya!"
"Okay lang, Krystal. Ano bang nangyari?"
"W-Wala. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na, e. Balik na kayo sa mga kwarto niyo. Naabala pa tuloy kayo."
"Okay ka na ba?" -- Xiu Min
"Yeah."
"Noona, gusto mong samahan kita?" -- Tao
"It's okay, Tao. Okay lang talaga ako. Sige na."
"Sure ka lang, ha?" -- Lay
"Oo, Lay. Sure na sure." Kahit na hindi.
Akala ko umalis na silang lahat pero pagtingin ko ay nakasandal pa sa pinto si Kris.
"Anong ginagawa mo pa dito? Matulog ka na kaya."
"Napanaginipan mo ba yung boyfriend mo?"
"Huh? H-Hindi, a."
"Sino pa ba ang magpapaiyak sayo ng sobra kahit sa panaginip at sumisigaw ng niloko ka? Alangan namang si Tao, diba?"
Bigla nanaman akong nanghina sa sinabi niya at tumulo nanaman yung luha ko.
"A-Akala ko kasi totoo na. A-Akala ko niloloko lang niya ako."
Lumapit siya sa akin at hinawakan yung shoulder ko.
"Sus! Lolokohin ka ba nun? Diba sabi mo 3 years na kayo?"
"Oo."
"Hindi yan. Matulog ka nalang. Malapit na naman tayong pumunta ng Pinas. Next next next week na."
BINABASA MO ANG
SEOULMATE
FanfictionIsa lamang siyang hamak na fangirl. Pero isa siyang fangirl na nasa totoong mundo pa rin ang puso at isipan. Isa siyang tinitingalang idol. Pero isa siyang idol na gustong maranasan ang totoong mundo. Pinagtagpo para lang mag-away? O pinagtagpo at i...