CHAPTER 45
Flight ko na bukas. Nandito ako ngayon sa harap ng dorm ng EXO. Siguro kelangan ko ng magpaalam. Kung sakaling hindi ako mapatawad ni Kris. Pero hindi. Hindi ako susuko. Ang gulo, noh?
Nag-doorbell ako ng nag-doorbell pero walang sumasagot.
Huh?
Walang tao?
Sa SME kaya?
Nag-drive ako papuntang SME.
"Annyeong haseyo, Guard-ssi!"
"Annyeong haseyo, Krystal-ssi!"
Dire-diretso lang ako papasok sa loob.
*Knock*
Wala din...
Nasaan sila?
"Excuse me? Are you looking for EXO?"
"Uhh...Y-Yes. Where are they?"
"They're not here. They're overseas."
"Oh, okay. T-Thank you."
"Welcome."
Paano na 'to?
I think magsusulat nalang ako ng letter?
Yeah.
Bumalik ako sa kotse ko at pumunta sa mall para bumili ng papel at pentel pen. Tinatamad na akong bumalik sa bahay, eh. Mas malapit ang mall.
Tapos sa dorm ng EXO. Doon nalang ako sa labas magsusulat.
*****
After an hour of thinking and writing. Eto lang ang nasulat ko.
Dear EXO,
Hi! I know by the time na mabasa niyo 'to nasa Pilipinas na ako. Kung mababasa niyo 'to. Baka kasi itapon niyo, eh. Well, first of all, THANK YOU sa lahat ng memories. Thank you talaga! Hindi ko yun makakalimutan. Kahit na kalimutan niyo ako. Second, SORRY SA GINAWA KO. Alam kong nasa huli ang pagsisisi. Siguro iniisip niyo na katulad ako ng ibang babae na manloloko. Na wala din akong pinagkaiba sa mga sasaeng fans. Or mas malala pa ako sa kanila. I'm sorry talaga. Pero mahal na mahal ko talaga ang duizhang niyo. Ako lang talaga ang may deperensya.
Tao: Hi, Panda! This is your noona. Galit ka ba sa akin? Kung galit ka sa akin, sorry, ha? Sorry kung natakot si noona na sabihin kay gege mo yung meron sa amin ni Jake. Thank you, dahil kung hindi dahil sayo, hindi na ulit lalambot yung puso ko sa mga mas bata sa akin. Thank you dahil nakakilala ako ng isang Romantic Kung Fu Panda na mahal na mahal ako kahit hindi niya ako kadugo. Wo ai ni, Tao! :)
Lay: Hi, Lay! Thank you, ha? Thank you sa patience mo kung ginugulo kita. Thank you dahil binigyan mo ako ng opportunity na makilala yung kwelang Yixing. Sana may next time pa na matuturuan mo akong sumayaw, noh? Pasensya na sa kung ano mang nagawa ko. Wo ai ni, Yixing! :)
Chen: Hi, Chen! Kamusta? Siguro hindi mo na bibigyan ng oras na basahin 'tong walang kwentang sulat ko sayo. Anyway, thank you sa pagtuturo sa akin na ma-improve yung kung ano mang boses ang meron ako. Alam mo bang first time kong magkaroon ng singing lessons? Libre pa! Sorry sa ginawa ko, ha? Natakot lang kasi ako, eh. Sorry talaga. Saranghae, Jongdae! :)
Luhan: Hi, Luhannn! Alam mo, mami-miss ko yung taong palagi akong tinatawag na Krytalll. Yung taong pinapasaya ako pag napansin niyang down ako. Thank you, ha? Thank you talaga. And sorry na din. Sana may next time pa, noh? Ingat! Wo ai ni, Luhan! :)
Xiu Min: Hi, Bao Zi! Sorry kung Bao Zi ang nilagay ko dito, ha? Baka kasi ito na yung last na matatawag kitang Bao Zi. Thank you sa pagiging Kuya sa akin, ha? Kahit na pare-pareho lang tayo ng edad. Sana malutuan kita ulit ng Bao Zi. Saranghae, Minseok! :)
Sehun: HunHun! Kamusta na? Miss na kita. Miss ko na yung kakulitan mo. Yung tuwing katabi ko si Tao, lumalapit ka rin at naglalambing. Sorry, ha? Kung hindi naging tapat si noona sa inyo. Siguro nga hindi ako nagtiwala. Sorry talaga. Sana maintindihan niyo. Saranghae, Sehun! :)
Kai: Hi, Dancing Machine! Wag kang masyadong magpapagod, ha? Baka kasi lumala yung injury mo. Mami-miss kita! Mami-miss ko yung facepalm mo tuwing nahihiya ka. Continue helping your fellow artists on promoting in the world the sound of Korea, huh? Saranghae, Jongin! :)
D.O: Hi, Umma! Sana magkaroon ulit ng pagkakataon na sabay tayong magluluto para sa EXO, noh? Mami-miss ko yung O__O eyes mo na talagang naka-attract sa akin. Continue loving EXO, huh? And sana hindi mo ako makalimutan. Saranghae, Kyungsoo! :)
Chanyeol: Hi, Happy Virus! Nung una kitang nakita, akala ko ang tino mo. Kaso bigla kang sumigaw na parang may sunog, eh. Haha! Naalala mo pa ba yun? Sana oo. Kasi yung unang pagkikita-kita natin ng pinakagusto ko, eh. Always be positive and smile like an idiot, huh? Saranghae, Chanyeol! :)
Baekhyun: Bacon! Kamusta na? Ginagamit mo parin ba yung manliner na binigay ko sayo? Sana oo. Wag mong itatapon yun, na? Thank you sa lahat ng tawa, Baekhyun! I never knew na ganun ka ka-kwela. And I never knew na ganun ka ka-mischevous. Saranghae, Baekhyun! :)
Suho: Annyeong, Guardian of EXO! Galit ka? Sorry! Sorry sa lahat. Naalala mo ba nung una tayong nagkausap? About pa sa pagluluto. Nagpaturo kang magluto ng Bibimbap, right? Sana magkaroon ng time na ako naman ang lutuan mo nun. Salamat sa lahat ng memories. Saranghae, Joonmyun! :)
Kris: Duizhang, Kris, Wu Fan, Kevin Li. I love you! Sorry na po. I'm not the perfect girlfriend. I'll yell at you, get jealous, be stubborn, over think, get insecure. I know I'm hard to deal with sometimes, love. I'm sorry. But you know, I'll love you better than anyone. ♥ Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Sinabi mo sa akin na ayaw mo sa akin dahil sa nanginginig akong magsalita? Sinabi ko din na ever since, hindi na kita gusto. Sorry, ha? I lied. Kasi simula palang, mahal na kita. As my bias. I'm a fangirl of yours kasi, diba? Lahat ng time na kasama kita, masasabi kong masaya yun. Naalala ko, when I was 13, sinabi sa akin ng Mama ko, "Find that guy that will pick-up every pieces of your shattered heart and put it back together. Keeping one piece for himself and replacing it with a piece of his." Hindi ko maintindihan yun nung una. Pero nung nakilala kita at nung minahal kita, naintindihan ko na. Ikaw lang kasi, eh. Sana hindi na huli ang lahat para sa atin, Kris. And kung talagang wala ng pag-asa, tatanggapin ko ng buo. I'm sorry for everything. I love you!
If ever man na wala na akong babalikan, I just hope na hindi niyo ako makalimutan. Because meeting all of you guys is one of the best things that happened to my life.
-Krystal
Ang emo ba?
Ganyan talaga.
Sinuot ko siya sa maliit na awang sa pinto nila. Tapos, umalis na ako.
BINABASA MO ANG
SEOULMATE
FanfictionIsa lamang siyang hamak na fangirl. Pero isa siyang fangirl na nasa totoong mundo pa rin ang puso at isipan. Isa siyang tinitingalang idol. Pero isa siyang idol na gustong maranasan ang totoong mundo. Pinagtagpo para lang mag-away? O pinagtagpo at i...