Chapter 27

386 7 2
                                    

CHAPTER 27

After ng awkward lunch, hinatid na namin si Tiffany. Tapos su Kris. Pero bago siya bumaba, kinausap muna niya ako. Pupunta daw siya sa apartment mamayang gabi. Hindi ko siya pinansin. Aba! Kelangan niya ng explanation, noh.

"So walang pansinan ang peg niyong dalawa?"

"Talaga. Ano yun? Palabas? Bakit biglang bumait si Tiffany sa akin? Samantalang halos dukutin na niya yung mata ko nung huling nagkita kami. And besides, bakit sila magkasama?"

"Oo nga naman. So diretso na tayo?"

"Saan?"

"Sa bahay mo. Duh!"

"Sabi ko nga."

May sarili na kasing apartment ang bruha.

After niya akong hinatid, lumarga na siya.

Nanggigigil ako, swear.

Kasi naman, eh! Bakit ganun?

Kung kelan alam ko na yung nararamdaman ko biglang may eeksena?

*****

Time check? 6 PM.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nagce-cellphone.

From: Duizhang

|Ice, nasa labas na ako.|

May card naman siya, eh.

|Edi pumasok ka. Nasa kwarto lang ako.|

Hindi ako natinag sa posisyon ko. Tinatamad akong kumilos, eh.

Narinig ko yung mga yabag niya na papasok sa kwarto.

"Ice."

Bakit ganun yung impact pag siya yung bumabanggit sa pangalan ko?

Nakaka-ewan lang, eh.

Diretso parin ako sa pagce-cellphone.

NR lang tayo, mga dre.

Umupo siya sa may gilid ng kama ko.

"Ice."

"Oh?"

"Are you mad?"

"No."

Bakit naman ako magagalit?

"Tumingin ka kaya sa akin."

Binitawan ko yung cellphone ko at tumingin sa kanya.

"Oh?"

"Bakit ang cold mo?"

"Hindi, ah. Hindi pa kaya ako patay."

"Ice!"

"What?"

"Umayos ka nga!"

"Bakit ako aayos?! Ikaw ba maayos? Umayos ka muna. Pssh."

"Ano bang problema, Ice?"

"Wala nga! Ang kulit!"

"Nagseselos ka ba sa nakikita mo sa amin ni Tiffany?"

"Aba! Asa ka naman! Sinong source mo diyan?"

Tinitigan niya ako sa mata.

Don't do that. Baka matunaw ako.

"Hey."

"Sorry, okay?"

"Ewan ko sayo! Alis ka na nga! Matutulog na ako!"

Humiga ulit ako at nagtalukbong.

Shemay, kinikilig ako!

"Ice."

"Ano?!"

"Gusto mo na ba talaga akong umalis?"

"Oo. Layas na!"

"Paano kung ayoko pa? May magagawa ka?"

"Oo. Dahil apartment ko 'to. Pwede kitang kasuhan ng trespassing."

"Kaya mo ba?"

"Aish! Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!"

"Okay. Dito lang ako, ha?"

That's it.

Tumayo ako at hinawakan ko siya sa may wrist. Tapos, kinaladkad palabas.

"Ayan! Layas na!"

Tawa lang siya ng tawa.

"Ano ba?! Gusto mo bang ihatid pa kita sa baba?!"

Hinila ko siya pababa.cPara siguro kaming tangang dalawa dito sa baba. Naghihilahan. May mga tao pa naman.

"Ayan, ha? Hinatid na kita sa labas. Now, umalis ka na."

Nagulat nalang ako ng akbayan niya ako.

"Tutal naman nasa labas na tayo. One month ko ding hindi nakita yung girlfriend ko, eh. Nag-away pa kami agad. So, tara? Date tayo."

Nakaakbay parin siya sa akin habang naglalakad. Ako naman, nagpupumiglas sa kanya.

"Ano ba?! Bitawan mo ako! Kung hindi sisigaw ako ng rape! Letche!"

Natatawa lang siya sa akin.

Yung mga usisera naman, nakikitawa din. Para kaming nagsho-shooting dito, eh! Hindi naman ako nakikipag-biruan! Naiinis akooo!!!

"Go on. Hindi naman nila iisiping totoo yun dahil ang alam nila, tayo."

"You know what? I hate you."

"Thank you."

Ughhhhh!!!!

Saan ba ako dadalhin ng g*gong 'to?!

"Saan mo ba ako dadalhin?! Bitawan mo nga ako! Wag mo akong mahawak-hawakan!"

"Basta."

Ugh! Sisipain ko future nito!

"Isa, Kris! Bibitawan mo ako o sisipain ko ang kinabukasan mo? Mamili ka!"

"I dare you. Pag sinipa mo yun, hindi ako magkakaanak. Pag hindi ako magkakaanak, wala kang magiging anak."

"What?! At bakit ako nasama diyan?! Walang kinalaman ang obaryo ko sayo!"

"Future Mrs. Li?"

"Asa!"

"Sus! Kunyari pa 'to gusto din naman."

"Ano bang nahithit mo?! Adik ka ba?! Sabihin mo lang!"

"Ewan."

"DUIZHANG KRISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!"

Mapabitaw siya bigla sa akin at napatakip sa tenga niya.

Pati yung mga tao sa paligid.

Tumakbo ako nung time na yun pabalik sa apartment.

Wooh! Nakakapagod!

*DingDong*

Huh?

Sinilip ko yung peep hole, pero walang tao.

Pag bukas ko ng pinto, may nakita akong envelope.

Ticket sa concert ng SNSD!

"I bought two tickets for you and Zhie. Next week na yan, ha? Nandoon din ang EXO. Manood ka, ha? :) Sorry po ulit. Saka nalang ako magpapaliwanag kung hindi na mainit yung ulo mo. - Kris"

Bakit ka ganyan, Kris? Pinakilig mo ako sa simpleng acts mo? Pero galit parin ako sayo!

Kaso kinikilig talaga ako, eh!!

SEOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon