Chapter 30

310 5 0
                                    

CHAPTER 30

"Krystal, kanina ka pa tulala. Ano bang problema mo?"

"Wala naman."

"Sus! Hindi mo lang makikita yung suitor mo for three days, eh!"

"Che! Tigilan mo nga ako!"

"Oy, teh. Kelan mo siya balak sagutin?"

"Excited ka masyado!"

"Hindi naman panliligaw ang pinapatagal, diba? Yung relasyon."

"Alam ko."

"So kelan na?"

"Secret! Chismosa 'to!"

"Kasi naman, eh!"

"Bruha ka!"

"Yeah. Magandang bruha."

Ang sarap pagtripan, eh.

Well, ano ba ang magandang gawin ngayon? Mall nanaman? Sawa na ako, eh!

Punta tayong Taiwan!

"Zhie."

"Oh?"

"Taiwan tayo."

"What?!"

"Grabe lang, ha? Taiwan tayo bukas!"

"Excited 'to! Okay, okay!"

"Yey! Sige, ha? Bye!"

Astig, noh? Sinabi lang planado na agad. Wahaha!

*****

"Wee! Tara, picture tayo!"

Hindi ako yun. Si Zhie yun.

Nandito na kasi kami sa Taiwan Taoyuan International Airport. 2 hours lang naman yung biyahe from Seoul, eh.

"Paano tayo makakapag-picture?"

"Talk to them in Chinese. You're Chinese, afterall."

"Ayoko nga! Nakakahiya kaya."

"Sige na!"

Tinulak-tulak niya ako papunta sa isang security guard.

"Nín hǎo!Néng fǒu qǐng nín wèi wǒmen pāizhào ma?" (Hello! Can you please take a picture for us?)

"Dāngrán, fūrén!" (Sure, Ma'am!)

Kinuha niya yung camera sa akin at nag-pose na kami ni Zhie. Parang timang lang kasi pareho pa kami ng damit. Pink nga lang yung akin at gray sa kanya. Tapos meron pa kaming glasses na shaped-heart.

"Zhè shì nǐ de shèxiàngtóu, fūrén." (Here's your camera, Ma'am.)

"Xiexie!" (Thank you!)

"Now, saan na tayo pupunta?"

"Sa hotel. Duh!"

"Sabi ko nga! Ikaw na."

"K."

Dumiretso na kami sa hotel na tutuluyan namin. At ang bruha, humiga agad sa kama.

"Alam ba ni Kris na nasa Taiwan tayo?"

"Hindi."

"Hala ka, teh!"

"Bakit?"

"Paano kung pagbalik nila? Bukas na kaya balik nila!"

"Edi tatawagan ko siya bukas. Hindi ko naman alam number nila ngayon, eh."

"Sabi ko nga."

Nilabas ko muna yung laptop at nag-open ng Facebook.

"Tag mo ako, ha?"

Alam agad na ipo-post ko, eh.

"Sure!"

"Ni hao. ;)" -- with the picture

"Na-post na?"

"Yeah."

After nun, lumabas muna ako sa balcony.

Infairness.

Alam niyo ba na hindi pa ako nakakabalik sa China? As in ever since nung lumipat kami sa Philippines. Pero don't worry, China. Babalik ako diyan. Hehe.

Bigla namang nag-pop sa isip ko si Duizhang.

Yung buhok niyang blond.

Yung mukha niyang flawless.

Yung mata niyang nakakatunaw tumingin.

Yung collar bone niyang nakaka-baliw tingnan.

Yung kamay niya.

Yung chest niya.

Yung boses niya.

Yung lahat-lahat sa kanya.

"Oy, tama na ang pag-imagine diyan."

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Bumubulong ka na nga lang, rinig pa."

Narinig niya yung pinagsasabi ko!

"Whatever."

"Sus! Ganyan talaga ang inlove, noh? Kahit na ilang araw palang hindi nagkikita feeling mo isang taon na. Haha!"

"Whatever."

"Word of the day lang ang peg?"

"Tigilan mo nga ako, Zhie. Bumalik ka nalang sa loob at pagpantasyahan si Baekhyun."

"Talaga! Bye!"

Umalis din ang bruha.

Nagugutom na ako.

"Zhie, sama ka?"

"Saan?"

"Kakain ako."

"Sige ba! Ako? Aayaw? Libre mo naman, eh!"

"Well, pakibilisan mo. Gutom na ako."

Bumaba na kami ng hotel at naglakad papunta sa Grand Garden Restaurant.

Part din ng hotel yun, eh. Grand Hotel kasi yung sa hotel na tinuluyan namin.

Sa sulok kami umupo.

"Good morning, Ma'am. What can we give you?"

Inabot niya yung menu sa amin.

Uhh, ano ba?

May naramdaman naman akong kumakalabit sa akin.

"Ano?"

"Hindi ako marunong magbasa nito!"

Chinese character kasi yung sa menu. Taga-bundok nga pala 'tong kasama ko.

"Ano bang gusto mo?"

"Kahit ano na."

"Gusto mo ng hot pot? Hot pot nalang tayo."

"Sure."

"Drinks?"

"Bubble tea."

"Wow, ha. Lumu-Luhan ang peg?"

"Talaga."

"Okay. Can we have a hot pot, please? And two bubble tea."

"Is that all, Ma'am?"

"Yes. Thank you!"

Umalis na siya at hinintay muna namin ang hot pot.

"Saan tayo pupunta bukas?"

"Hindi ko alam. Hehe."

"Search nalang tayo sa net pagdating sa bahay."

"Sure."

Three days nga kasi kami sa Taipei, diba? This will be an exciting vacation!

SEOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon