CHAPTER 14
After two weeks...
Buhay pa ba ako? Feeling ko hindi na, e. Feeling ko taong bato na ako. Hindi na ako pumapasok sa trabaho. Hindi na din ako nakikinig sa Kuya at sa Mama ko. Anong magagawa ko? Naloko ako, e. Naloko ako ng taong sobrang mahal na mahal ko. Wala silang alam sa pinagdadaanan ko. Kung pwede nga lang magpakamatay ginawa ko na.
"Krystal? Krystal, anak. Kakain na."
Wala nga akong ganang kumain. Hindi ba nila naiintidihan yun?!
"Wala akong gana."
"Anak naman. Ilang araw mo ng tinatanggihan ang pagkain. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo, e."
"Well, wala po akong pakialam. Mas mabuti ngang magkasakit ako hanggang sa mamatay ako, e."
"Ano ba, Krystal?! Pwede ba tumigil ka na! Wag mo namang isipin lang yung sarili mo! Wala bang mga taong nag-aalala sayo?!"
Masakit makita na umiiyak sa harap mo yung Nanay mo. Lalo na kung ikaw yung dahilan. Pero wala talaga, e.
"M-Maawa ka naman sa amin, anak. Maawa ka naman sa akin. Hindi na ako makatulog sa kakaisip kung ayos ka pa. Araw-araw kang umiiyak!"
"Move on, anak. Wag mong pahirapan yung sarili mo. Kung umalis siya sa buhay mo, hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Kalimutan mo na siya."
"Mahirap, Ma. Sobrang hirap po! Ang hirap pong kalimutan ng isang taong naging malaking parte na ng buhay mo. Hindi ko po kaya."
"Hindi ko na alam ang gagawin sayo, Krystal. Mabuti sigurong lumayo ka muna sa kanya." Sabay alis niya.
Wala akong magagawa kung hindi kaya ng katawan, puso at isip ko na kalimutan siya. Sobrang fresh pa ng mga pangyayari sa isip ko. Dalawang linggo palang. At ang masakit pa doon, ako lang ang naghihirap. Samantalang si Jake masayang-masaya na siguro.
Nakita kong tumatawag si Zhie.
[Krystal, kamusta ka na?]
"Okay naman. Sino bang may sabing hindi ako okay?"
[Don't fool me, Kystal. Tumawag sa akin si Tita at iyak siya ng iyak! Hindi ka ba naaawa sa Mama mo, Krystal?]
"Hindi ko alam ang gagawin ko, Zhie! Hindi ko na alam!"
[Hay naku, Krystal. Iiyak ka nanaman? Umayos ka nga! Pasalamat ka wala ako diyan kundi nabigti na kita.]
"Mahirap ngang magmove-on!"
[Alam mo wala ding patutunguhan 'tong pag-uusap natin. Mabuti pang mag-isip ka muna. Or should I say na lumayo ka muna sa mga magpapaalala sayo kay Jake. Unwind lang ang katapat niyan, 'te. Bye!]
Unwind?
Move-on?
Mag-isip?
Lumayo?
Umiwas?
Aish! Hindi ko alam!
KRIS' POV
"Wǒ tài lèile, dàgē." (I'm so tired, big brother.) -- Tao
"Wǒ yě yīyàng." (Same here.) -- Luhan
"Shìxiǎng yīxià! Wǒmen shíxíng cóng zǎoshang liù diǎn dào wǎnshàng shíyī diǎn!" (Imagine! We practiced from 6 AM to 11 PM!) -- Lay
"Yah! Will you stop speaking in Chinese? We're still here!" -- Xiu Min
"I know, right? Guys, speak in English or Tagalog. We might not know, maybe you're already cursing us!" -- Suho
Gaya nga ng nabasa niyo, kakatapos lang namin sa 17-hour rehearsal namin. Malapit na kasi ang SM Town World Tour 3 namin.

BINABASA MO ANG
SEOULMATE
FanfictionIsa lamang siyang hamak na fangirl. Pero isa siyang fangirl na nasa totoong mundo pa rin ang puso at isipan. Isa siyang tinitingalang idol. Pero isa siyang idol na gustong maranasan ang totoong mundo. Pinagtagpo para lang mag-away? O pinagtagpo at i...