Expect The Unexpected
I thought Rexiel is a rude or a snob boy but sadyang salungat kapag tuluyan mo na siyang kilala. Para siyang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot. Parang manok na napakaingay, walang magawa kung hindi pumutak ng pumutak. Ewan ko kung may topak ba siya o sadyang baliw lang talaga.
"Huwag ka ngang makipag usap at makipaglaro sa batang bubwit na iyon. Hindi na man siya nakiki-paglaro sayo eh, buong oras ba naman ay parang baliw na nakangiti habang nakatitig sa mukha mo eh hindi ka naman kagandahan."
Inuuod na talaga ang kukote ng isang to. Sobra pa kong manlait, walang pagpipigil kung magsalita mabuti na lang at nasanay na ako sa ilang buwan naming pagka-kaibigan.
Ngayon ko lang naisip na mas gugustuhin ko pang patahimikin na lang siya habambuhay kaysa marinig ang pag aalburuto niya na wala namang katuturan. Maliit na bagay hahanap at hahanap talaga ng butas para makalusot lang.
" Tumigil ka nga! Hello, ilang buwan pa lang tayong magkaibigan natutuliglig na ang tenga ko sa pakikinig sa hindi mo kagandahang boses. At isa pa, baka nakakalimutan mong ayaw mong makipaglaro sa akin kay napilitan akong makipaglaro kay Edwin."
Masama ko siyang tinignan habang hinihila iyong buhok ko para kita niya talaga na inis na inis na ako sa pagiging isip bata niya.
Basta siya talaga iyong kaharap ko walang oras na hindi kami nagbabangayan.
"Aba naman ang bata bata mo pa tila may balak ka ng magka boyfriend ah."
Sabay hawak sa bewang niya." At may tawagan pa kayo ah, gusto mo bang isumbong kita kay Mama Ysandra."
Nang-gagalaiti niyang sita sa akin. Magkasalubong pa iyong kilay niya habang walang patid na hinahawakan ang sintido. Mukha siyang matanda na nakukunsumi sa isang mabigat na problema. Kung hindi lang talaga ako naiinis sa kaniya ay kinurot ko na iyong matambok niyang pisngi.
Sa aming dalawa siya talaga iyong feeling close at feeling at home pa. Tinandaan ba naman iyong bahay namin at umagang umaga ay nagpakilala na sa mga parents ko na siya lang ang magiging only boy best friend ko. He promised that he will be the one to always protect me from pain.
Mawala lang ba naman ako sa paningin niya lakad takbo ang gagawin makita lang ako.
"Tumigil ka na kundi bibigwasan ko yang pagmumukha! Imburnal na yata iyang utak mo bro. Pakilinis nga ang dumi na kasi masyado. Huyy, Edwin ang pangalan nung tao alangan namang tawagin ko siyang Rexiel eh hindi naman ikaw siya."
Naiinis na talaga ako sa isang to kundi lang ako nasasayangan sa cutie niyang mukha hindi ako mag aatubiling suntukin siya ng matauhan.
" Basta huwag ka ng makikipag-usap, makikipaglaro o sumulyap man lang sa batang iyon ha o kung sino pa diyang hindi mo kilala." Naka-kagat labi pa habang iyong mga mata niya ay sadyang pumungay na para bang inaagawan siya ng candy.
"Pilitin mo naman kasi ako minsan iyong may halong lambing para talagang papayag akong samahan ka."
Natuluyan na ang isang to. Tinuruan ba naman ako ng mga dapat gawin upang mapapayag siyang makipaglaro sa akin.
" Oh sige na nga para manahimik na iyang bunganga mo. Wala ka man lang bang balak mag sorry kay Edwin? "
" At bakit ko naman gagawin yan aber?"
"Haler bro, nakakalimutan mo na bang binigwasan mo iyong tao sabay higit sa akin para tumakbo. May hiya ka pa naman siguro ano?"
Kapag may sampung taong gulang na nagkaroon ng high blood dahil sa stress siguradong isa na ako doon. Tila pinagsisihan ko ng maging kaibigan ang tukmol na ito.
He is too protective daig pa si daddy kung umasta. Maraming bawal at mahilig pa niya akong pagalitan kapag nakikipag usap ako sa ibang tao especially if mga lalaki.
"Hali ka na, nagtext na si Mommy na doon ka na lang daw sa bahay manang-halian." Sabay basa sa message na natanggap ko.
Muntik ko ng makalimutang paalalahanan siya na huwag na niya iyong uulitin pa.
I really hate hassle, ayaw na ayaw ko ng gulo, it was a total pain in the ass kaya kung pwede pa lang na masolusyunan na ng mas maaga ay gagawin ko.
" Rexiel." Tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa gawi ko, hinihintay ang gusto kong sabihin.
"Ayaw ko ng maulit ito ha, alam mo naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat hindi ba?"
Tumango lang siya habang mariin na nakasirado ang kaniyang labi. Nakapamulsa sa suot niyang pantalon habang iniiwas ang tingin sa akin.
"Okay, basta't huwag ka na ulit makikipag-usap sa ibang lalaki ha, mukha pa naman siya hindi mapagkaka-tiwalaan."
Akala ko naka move on na siya hindi pa pala.
"Sige na nga. Bilisan mo na kanina pa tayo hinihintay ni Mommy, ayaw na ayaw pa naman non na pinaghihintay ang pagkain."
"Ikaw kasi eh!" Sabay takbo pag katapos akong kurutin sa pisngi.
Ako pa talaga ang sinisisi niya ha. Kapal!
28magda11
HAPPY READING EBRIWAN!
YOU ARE READING
Loving the Chase
Romance"Stop pushing me away. You know I won't let you! I've been here for you bakit siya pa ang hinahanap mo?" "You are not him so, stop this nonsense Rexiel. You've been my best friend for fucking 11 years!" "I know you love me too Ysa. You just love the...