Kabanata 13

83 8 0
                                    

Boundary

Lahat ng tao ay may kinakatakutan. Sabihin na natin na sila ang pinaka-matapang pero maibabalik ba nila ang isang bagay na nawala na?.... Hindi!... Lahat tayo ay takot mawalan, masaktan at sumaya ng panandalian. We are afraid of many things because some of them may perish without us realizing that it is already gone.


Pagkatapos niyang sabihin iyon ay wala na sa amin ang sumubok na magsalita muli. Hindi ko namalayan na tumalikod na pala siya at umuwi ng hindi nagpapa-alam. Pagkasara na pagkasara ko ng gate ay hindi ko mapigilan mapasandig dito at doon na malayang umagos ang mga luha sa mga mata ko. Masakit... Masakit na makita kaming nasa ganoong uri ng sitwasyon.


Napahinga ako ng malalim para kahit papaano ay maibsan ang emosyon na nararamdaman. Kahit ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na hahantong kami sa isang sitwasyon na sa mga telenovela ko lang kadalasan na nakikita.


Noon, kapag pinapanood ko ang mga iyon ay parang kay dali lang lusuton, malalaman lang talaga natin kung gaano kadali o kahirap ang isang bagay kung tayo na gumagalaw bilang pangunahing tauhan.


"Anak bakit ngayon ka lang?" tanong ni mommy.


Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina habang si daddy naman ay nagbabasa ng magazine sa sala. Humalik ako sa pisngi nila bilang pagbati. Pinilit kong ngumiti dahil ayaw ko naman silang mag-alala sa mga bagay na hindi importante.


"Magbihis ka na dahil kanina pa nagugutom ang dad mo. Hinihintay ka talaga namin na dumating para sabay-sabay tayong maghapunan."sambit niya habang hinahalo ang niluluto.


" We know that we are mostly busy kaya kadalasan ay mag-isa ka na lang kumain. Sorry dear ha." Guilt was plastered on my mother's pretty face. She touches my cheeks and reach for it to kiss. Napangiti na lang tuloy ako sweetan niya.


I understand that everything they do is for my own good, naghihirap siguro kami ngayon kung hindi sila gano'n ka hard working ni daddy.


Hindi na sana ako kakain. Nawalan na ako ng gana pero nahihiya naman akong sabihin sa kaniya dahil inaasahan niyang magsasabay kami ngayong gabi. Tumango na lang ako bilang sagot at mabilis na umakyat para magbihis.


Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan, my mother cooked all my favorite dishes at halatang pinaghandaan talaga. Hindi mawala-wala ang kulitan nilang dalawa na akala mo'y bagong kasal parin. Masaya akong makasama sila kahit sa ganitong oras lang. Masaya ako na kahit panandalian ay nakalimutan ko ang "Status: Friendship Complications" namin ni Rexiel.


Mag-aalauna na ay gising na gising parin ang diwa ko. Pinilit kong matulog pero hindi talaga. Nakadalawang libo na ako sa pagbibilang ng mga tupa pati sampung ulit na pagkanta ng alphabets ay pinatos ko na pero mukhang nagbakasyon pa iyong antok ko. Hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta kaya heto tuloy ako, naiwang tulala at nag-iisa.



"Anak." Boses ni mommy habang mahinang kumakatok sa pintuan.


Mabilis ko siyang pinagbuksan at napangiti ng makita ko siyang may dalang gatas at Mr. Chips. She really knows me, kahit ang mga simpleng routine ko tuwing hindi ako nakakatulog ay alam na alam niya. Mabilis ko itong inabot at inilapag sa lamesa na nasa gilid ng kama.


"May problema ka ba dear?" tanong ni niya habang inaabot ang suklay para suklayin ang buhok ko. Since I was young she's been doing it minsan pa nga ay naghahanap siya ng mga pantali to braid my hair.


"Wala naman my." simpleng sagot ko. Iniiwas ang tingin sa mga mata niyang mapanuri.


"Hindi ba alam mo kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat?" napatango ako bilang sagot sa tanong niya.


"You should tell your problem to mommy because--?"


"Mommy knows best and she knows what her little Ysabelle needs. She accepts her flaws and what ever wrong doings she committed. She loves her daughter more than the word itself." Dugtong ko sa sinabi niya.


My mother is the best mother slash woman in the world. Mula pagkabata ay pinasaulo niya na iyon sa akin para sa tuwing nakakalimutan kong meron akong karamay at taong matatakbuhan ay maalala kong palagi siyang nandiyan.


"Sige na dear sabihin mo na." nag-uudyok niyang usal. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang palaging sinasabi ng daddy mo sayo?" muli niyang tanong.


"Kapag mas lalong inililihim ay mas lalong bumibigat sa pakiramdam." may halong ngiting sagot ko.


Ilang sandaling namayani ang katahimikan when I decided to tell my worries. I know she have a lot in mind to explain those things to me.


"Mom, Rexiel confessed his feelings to me." nakayuko kong sabi habang hindi mapigilan pisilin ang kamay para kahit papaano ay magkaroon ako ng lakas ng loob para umamin.


"Oh anong problema doon?" tanong niya na para bang hindi nga dapat iyon pino-problema.


"The whole point is my problem mom. Have you forgotten that Rexiel Jasper is my best friend? For who knows how many years already. Isa pa may nagugustuhan akong iba at napagtapat ko na sa kaniya iyon. Wala naman siyang sinabi during that time. Bakit ngayon pa?" Napasabunot ako sa buhok because of too much frustration.


Kinuha ni mama ang mga kamay ko nakasabunot sa buhok ko upang suklayalin muli. Mahina niya hinahaplos ang buhok ko na para bang inaalo ako sa mga problemang pinapasan ko.


"Humarap ka sa akin dear, gusto kong makita ang napakagandang mukha ng anak ko."


Hindi ko namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan at napahagulgol ako habang mahigpit siyang niyakap.


"Ikaw ba, anong nararamdaman mo para sa kaniya? Higit ba sa pagkakaibigan or you only see's him as your bestfriend and nothing more than that?" she seriously asked.


Napailing ako. Wala akong lakas na sumagot dahil miski na ako—No!... Walang dapat na maging problema do'n dahil hanggang tumanda na kami at maging uugod-ugod ay kaibigan lang ang magiging pagtingin ko sa kaniya.


Itinaas ko ang paningin ko kay mommy because I'm very sure of my answer and I want her to see that I am  serious about my feelings towards him.


"I only see's him as my best friend mommy. Nothing will go beyond that boundary." May pinalidad kong sagot habang pinupuasan ang mga natirang luha sa mukha ko.





__________________-___________________________________:)

A/N

Thank you po for following me. Also sa mga nag-vote, comment at mga nagbasa ng kuwentong ito, maraming salamat po❤️😘 Thank you for adding this into your library and reading list, this chapter ay para po sa inyong lahat. Salamat po at sana hindi kayo magsawang maghintay. Ika nga nila "Ang taong marunong maghintay masarap ulam nila mamaya" 💐


P. S. : Vote and Comment naman po kayo para ma inspire naman ako. Pleassee!!! Thank you in advance💐


#Hopeyouwilllikeit🌹






Keep Reading!❤️
28magda11

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now