Kabanata 8

74 12 7
                                    

Maraming salamat po sa mga video tutorial niyo Miss Demi❤️

____________________

Careful

After that day, bumalik kami sa dati. Bumalik iyong kulitan naming dalawa, iyong asaran naming nate-tengga. I always wish we could be like this forever iyong kahit he's too far but still feel too close to me.


Nag sorry siya at pinatawad ko kahit hindi niya sinabi kung ano ang dahilan niya. Kinalimutan namin ang ilang araw na pamba-balewala niya na sa akin tila ba hindi ito nangyari.


Lately, he seemed happy about something and I am happy to know na bumalik na siya sa dati. Kahit palagi na lang nakatutok ang mga mata niya sa phone habang may sinusupil na mga ngiti ay okay lang. Kung hindi ang mga kabanda ang kasama niya eh ako naman pero kahit magkasama kaming dalawa ay busy naman siya sa ibang bagay.


"Hey! Did you see Jonathan?" I asked him while scanning my notes.


Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Nakahiga ako sa kama niya habang nagbabasa ng mga lessons at siya naman ay nakaupo sa study table niyang hindi rin kadalasang nagagamit...Display lang kung baga para masabing mahilig siyang mag aral at magbasa kahit ang totoo ay hindi. Rexiel Jasper is a smart piece of ass, tamad nga lang, okay na sa kaniyang pumasa at maka-proceed kada taon.


Kailangan talaga namin na magsunog ng kilay kahit na weekend dahil a day after the school festival ay hell week na. Walang tulugan na magaganap kaya hanggat maaga ay magre-review na ako para scan na lang before the exam. I really hate cramming, mawawala lang lahat ng pinag-aralan ko every time na pinipilit kong ipasok lahat ng lessons sa utak ko.


"Hmp, hanapan ba ako ng nawawalang tao?"he asked but annoyance is still evident in his voice.


"Try mong itanong sa DSWD baka may nakita silang nawawala o kung wala naman doon hanapin mo sa sementeryo baka nailibing na."he smirked after saying those nonsense things.


Tinignan ko siya na tila naninibago sa kaniya. I want to know what he was thinking pero napaka-hirap niyang basahin. Those deep amber eyes keep so many secret that even me is not allowed to know. Napaiwas siya ng tingin ng maramdaman niya akong nakatitig sa kaniya.


"I was just asking dude, masyado ka namang high blood. Huwag kang mag-alala hindi ko naman siya aagawin sa iyo dahil una pa lang alam kong akin na siya. " I said that while poking tongue from the side of my cheeks.


"Hindi ko kasi siya nakita kanina. Hindi ba classmate natin siya at kabanda mo pa. Isa pa, huwag ka naman ganoon sa tao if I know siya ang pinaka-close mo sa banda." I added.


"Tsk. Kung maka angkin ka hindi naman kayo para sa isa't isa at hindi kayo bagay no, malayo ka sa klase ng babaeng gusto niya. Alam na alam mo talaga ha, halatang stalker ka. Next time itext mo siya to make sure what he was doing and where did he go." he answered disapprovingly.


Hindi ako nakaimik sa tuwiran niyang iyon. Parang may iba sa pananalita niya... May pinanghu-hugutan ngunit hindi ko alam kung ano. Hindi ko na lang pinansin, may attitude talaga ang isang to, akala niya naman papasa siyang babae eh ang laki kaya ng katawan niya kahit ganito pa lang ang edad naming.


" Para sa mga pangit lang bagay ang tawaging stalker, diyosa kaya itong kaharap mo kaya admirer ang mga tawag sa amin." I playfully said that while biting my lips trying to suppress my smile.


"Stop doing that." he said while looking at me directly.


Naguluhan ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin eh wala naman akong ginagawa. Nagiging tanga talaga siya madalas mabuti na lang at may kaibigan siyang katulad ko kaya hindi siya nahahalata.


" What? Ano ang ititigil ko?"I asked him confused.


" Nothing. " he answered habang napaiwas ang tingin sa akin.


Napairap na lang ako at ibinababa ang librong hawak ko. Inaantok ako sa lamig ng kwarto niya idagdag pa ang malambot at mabangong kama.



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng maramdaman ang mainit na pagtitig sa akin. Ramdam ko pa ang mainit at mabangong hininga na duma-dampi sa mukha at leeg ko. Napayakap na lang ako bigla sa una na nasa tabi ko...


Napangiti ako sa bango at tigas nito... Amoy Rexiel...Ang sarap singhutin. Hindi ko mapigilan ang sariling panggi-gilan ito.. Napatigil na lang ako when I heard a manly chuckle while caressing my hair...Ang sexy pakinggan ah...


Sandali!!! Amoy Rexiel. Matigas. A manly chuckle... Napamulat na lang ako bigla when I feel someone kisses my cheeks. Pagmulat ng mata mo at ito ang bubungad sayo ay matutulala ka talaga. Those beautiful eyes pierce deep within my soul. May nakikiliti sa loob ko ngunit ayaw kong pangalanan kung ano.


"Sarap na sarap ka sa tulog mo ah. Gigil na gigil at para kang aso kung suminghot." Natatawa siya habang pinupukol ako ng malandi at nakalolokong ngisi.


Napaupo na lang ako bigla at napaiwas ng tingin sa subrang pagka-pahiya. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at ayaw kong makita niya iyon baka sabihin niyang kinikilig ako. Malisyoso pa naman ang isang to.


Naglakas loob akong tingnan siya at itinukod ang isang siko ko para magkaharap kaming dalawa habang nakahiga sa kama.


Marami akong gustong itanong na ilang araw ng gumugulo sa isipan ko katulad ng kung bakit niya ako iniwasan? Kung bakit tila may lungkot akong nakikita tuwing tinitignan ko ang mga mata niya? Kung bakit galit siya tuwing ino-open up ko ang topic about kay Jonathan? Pero ayaw kong masira ang araw niya at alam kong kahit anong pilit ko ay hindi niya parin ako sasagutin.


I always want to understand him because he's my best friend. Lahat ng likaw ng bituka niya ay alam ko na ngunit habang tumatanda kami ay napagtanto kong hindi ko parin siya lubusang kilala. And that's normal.


"Kahit sino naman ay may itinatagong sekreto hindi ba?" pilit na pagkumbinsi ko sa sarili.


I didn't even realize that I've already fall to my very own reverie until I sense that he slowly closes the distance between us.


"Careful you might fall." I smirked after saying that.




________________________-______________________________:)


#Don't forget to vote and comment. I will be happy to hear your thoughts❤️




Happy Reading!
28magda11

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now