Kabanata 4

103 12 4
                                    

Jonathan Immanuel

HINDI kami sabay ni Rexiel kapag ganitong maaga pa ang klase. Mahilig kasi siyang mag cutting classes so kapag ganitong mga araw ay mag isa lang akong naglalakad papasok ng building namin.

We are already in our Senior Year kaya I need to strive harder especially when it comes to my studies. I want to have a full scholarship grant in college para wala ng po-problemahin sina Daddy.

"Ysabelle! You won't believe this!" natatarantang saad ni Naomi habang hinihila ang kamay ko.

"Stop pulling my hands Naomi! Calm down will you?"

"Wait!" sabay tili at nagta talon-talon. Sapo sapo pa ang pisngi niyang namumula. Kapag ganito siya iisa lang talaga ang dahilan... Lalaki.

Naomi Beltran was my best friend since nineth grade. She's kind, thoughtful pero loka loka nga lang.

"There is this boy in our section. My God! Ang gwapo gwapo niya Belle. An epitome of a true prince charming." she said dreamily.

"Weehh? Hindi na si Rexiel iyong crush mo? May transferee pa eh ilang buwan na lang this school year will be over."

"Syempre si Rexiel my loves parin no. Mas gusto ko kaya iyong mukhang badboy kaysa sa mukhang goodboy!" Iba na talaga ang tama nito sa ulupong na iyon. To the highest level na ang peg.

" Oo nga no? Hehehe, hindi ko man lang naisip iyon."

Kita mo na kung gaano siya kaloka loka!

"Nevermind na nga lang I'm not interested to know him naman. At ewan ko talaga sa iyo! Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa sira ulong Yun?! Bukod sa mahilig makipag basag ulo, hindi pa gwapo."

"Hayyy naku, huwag mo nga akong itulad sa iyo na bulag. Puro na kasi aral ang inaatupag mo kaya hindi mo na-appreciate ang handsome face ng future husband ko." sambit niya habang nakalingkis ang mga kamay sa akin.

"Bilisan na nga natin kapag na late tayo ikaw talaga ang sisisihin ko."

Ako na iyong humila sa kaniya para mabilis kaming makarating sa room. Ayaw ko pa naman mapagalitan noong teacher naming pinaglihi sa sama ng loob.

Times really flies. Hindi natin ito hawak kaya hindi natin alam kung ano nga ba ang susunod na mangyayari.

HABANG hinahalungkat ko ang bag ko para hanapin yung phone ko ay nabunggo ako sa matigas na bagay.

"Aray naman! Bulag ka ba at hindi tumitingin sa dina-daanan mo kita na ngang may hinahanap iyong tao! Hindi ka ba marunong umiwas!?"
Hinanakit ko habang sapo sapo ang noong nasaktan.

Muntik pa akong matumba mabuti na lang at maagap niya akong nahawakansa kamay. Ngunit dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay mabilis ko itong iwinaksi habang hindi inabala ang sarili para tingnan siya.

"Ysabelle, are you okay? Ano ka ba naman. May kasalanan ka rin Kaya bakit siya lang iyong sinisisi mo?" angil niya sa akin while she's checking my forehead kung nagkabukol ba dahil napalakas iyong pagkaka bunggo ko.

"Sorry mister. Ako na ang humihingi ng taw-"

Tinignan ko siya ng tumigil siya sa pagsasalita.

"I'm really sorry Jonathan. Ysabelle was just so preoccupied not to see you." paghingi niya ng paumanhin sa lalaking nakabungguan ko.

Jonathan. Jonathan Immanuel- iyong transferee. Iyong hindi ko nakikita dahil kung hindi nakayuko ang ulo para matulog sa klase ay missing in action naman.

May pa goodboy pang nalalaman iyong babaeng to. Goodboy gone mad siguro!

" Bakit ka ba nag so-sorry. Siya kaya dapat ang humingi ng tawad dahil hindi niya pinansin na hindi nakatingin iyong tao." asik ko sa kaniya.

"Miss, you are so loud! Naririndi iyong tenga ko sayo."

At may gana pa siyang pagsalitaan ako ng ganiyan. Kung hindi ba naman shunga ang isang tao. Ang sarap bigwasan!

"Mister-" sabay harap ko sa kaniya.

Wait! Ang pogi, amp. Na star struck yata ako. I am not like this. Hindi ako madaling ma attract sa lalaki. Pwera na lang ngayon.

"Hey Miss!" Napapitlag ako ng may pumitik sa noo ko.

Hindi parin ako nagsalita at patuloy lang na nakatitig sa kaniya. Gusto kong kabisaduhin iyong maabo niyang mata, mataas na ilog, mapipintog na labi at daig pa ang babae sa sobrang kinis ng mukha.

Ano kaya ang skin care ng isang to? Prince charming na prince charming ang dating niya!

"Okay! We're not sorry to each other dahil pareho naman tayong may kasalanan." sambit niya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Gusto kong mag iwas ng tingin pero hindi ko magawa. Napakanta tuloy ako sa isip ng "I'm like a statue struck staring right at you."

Stop your kalandian Ysabelle! kastigo ko sa sarili.

"Pero next time tumingin ka sa dina daanan mo. Naglalakad ka sa hallway kaya huwag kang umasta na parang nasa bahay ka ninyo."

Pagka tapos sabihin iyon ay agad na tumalikod siya para umalis.

"Huyyy! Ano dito ka lang?" sabay pisil sa pisngi ko.

"By the way."

Napalingon kami sa kaniya ng bigla siyang magsalita habang naka pamulsang nakatingin sa amin.

"I am Jonathan Immanuel, Miss Council President Ysabelle Bless Imperial. Uunahan na kita, you are not my type!" he seriously said that and then walked away without having a glimpse.


________________________________:*

HAPPY READING!
28MAGDA11

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now