Kabanata 14

91 9 1
                                    

Butterflies

Umaga pa lang ay mainit na ang ulo ko. Kapag may ganitong event sa school ay stress talaga ako ng bonggang bongga. There are problems when it comes to school utilities at ilang oras na lang ay magbubukas na ang school entrance to accept students from other campuses, ewan ko ba eh no'ng nag check ako kahapon ay wala naman akong nakitang problema o masyado lang talaga akong sabog para alalahanin ang ibang bagay.


Ayaw na ayaw ko pa naman na napapahiya ako at ang school sa mga guest so I need to take action as soon as possible.


Mabuti na lang at hindi pa kami nagkikita nina Rexiel dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Kung may pagbabago ba sa uri ng pagtrato namin sa isa't isa o ano. I was forcing myself to believe that nothing will change pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.


Sabihin ko man na hindi ako magpapa-apekto ay wala rin naman mangyayari dahil I can't deny the possibility na baka ito ang maging dahilan upang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan naming dalawa.


"OMG to the mega power! I'm so excited to see Rexiel. I'm sure siya ang pinakapogi mamaya. Hindi pa nagsisimula ang laban pero alam kong sila na ang mananalo." Excitement and astonishment is evident on Naomi's face.


Naririndi na ako sa mga pinagsasabi niya but I know to myself that I felt the same way, para kay Jonathan nga lang. Napaingos na lang ako sa narinig at pinigilan ang sariling sabihin ang iniisip ko.


I wanted to tell her what happened yesterday but I don't have the guts to do so. I don't want her to feel bad. Sa tagal ng pagkakaibigan naming dalawa ay alam ko na kung ano ang magiging reaksyon niya. She looks deceivingly strong but I know that she's a softy inside.


"Naomi." Pagtawag ko ng pansin niya.


"Ano 'yon Belle?" tanong niya habang may sinusupil na mga ngiti sa labi.


Bubuka ang bibig ko ngunit sasara muli. I couldn't find the right words to say. Ayaw kong maglihim sa nag-iisang girl bestfriend ko.


Napipilan ako bigla at napaiwas ng tingin. Iba't ibang senaryo ang pumapasok sa isip ko. Paano kung bigla siyang magbago?... Paano kung totoong gusto niya si Rexiel?... Paano kung masaktan siya, magalit at biglang lumayo?... I don't want to destroy that pretty and genuine smile of her.


"Nothing." Kiming sagot ko.


"Alam mo bff ang weird mo ngayon, I mean simula kahapon." Napabuntong hininga niyang sambit. "Oo nga pala, ano na ang nangyari sa confession mo kahapon. Nagalit ba siya o sinabi ba niyang hindi ka niya gusto kaya nagkakaganito ka?" nag-aalalang tanong niya.


"Wala...Hindi tungkol do'n. At isa pa hindi natuloy kahapon dahil sa sobrang busy nawala sa isip ko. Huwag mo na lang akong intindihin, pagod lang to." May pilit na ngiti kong saad.


Napatango na lang siya habang nakatunghay sa akin ang mga mata niyang na puno ng pag-aalala at pagdududa.


"Okay, sabi mo eh. Always remember na everytime kailangan mo ng advice na walang kabuluhan, isang tawag mo lang ang kailangan." Napangiti na lang ako sa biro niya.



"Kyahhh, nandiyan na sila!" Hiyaw ng mga babae at binabaeng nagtatakbo sa isang direksiyon.


Kapag ganito ang sigaw alam mo na kung sino ang tinutukoy nila. Walang iba kundi ang RAXX Band. Sa dinami dami ng bandang nabuo dito sa school sila lang ang nakikilala kong tila tinitilian ng lahat. Ke bago-bago ng grupo nila pero kahit mga professor dito sa school sila ang gusto.


"Naomi, alis muna ako. Kita kits na lang tayo mamaya. Call of duty muna ang peg ko ngayon."


Sambit ko sa kaniya ng makita ang text sa akin ni Nila. Tango lang ang naisagot niya habang hindi magkanda-bali ang leeg sa kakalingon sa gawi ng kinababaliwan niyang lalaki.


I shrugged my shoulders at mabilis na isinukbit ang bag. Mabuti na lang at magiging busy ako ngayong araw at may rason ako upang iwasan siya. Pilit ko pa naman na pinaalala sa sarili ang mga kailangan at dapat kong gawin pagkatapos ng contest mamaya.


Hindi ko mapigilan mapatingin sa kanila ng magtama ang mata naming dalawa ay mabilis akong umiwas ng tingin at dali-daling naglakad papuntang gym.


"Mabuti na lang at nandito ka na kaagad Pres. Puputi ang buhok ko sa kakaisip kung ano ang mga dapat gawin sa stage." May pagsuko niyang sambit.


"Ano ba ang nangyari?" may pag-aalala kong tanong... "Akala ko pa naman ay okay na ang lahat... Carmen ang inassign ko diyan ah." dagdag ko pa ng maalala kong si Carmen, ang VP ang inatasan ko para dito.


"Gaga kasi talaga ang isang iyon. Nilagnat ba naman bigla ang tila baklitang froglet, ngayon pang kailangan natin siya doon pa siya nagkasakit. Hindi man lang ibinagay sa schedule. Dyosko." sabay sabunot sa hindi kahabaan niyang buhok.


Hindi ko alam kung matatawa ba ako o a-agree sa mga sinasabi niya. Baliw talaga to, kung ano-ano ang mga pinagsasabi pero kapag nangyayari ang ganitong bagay ay okay lang naman sa akin. Napapagaan nito ang damdamin ko.


"Ano ka ba naman, intindihin mo na lang iyong tao. Alam mo naman na maliit at payat iyon kaya siguro madaling madapuan ng sakit." napailing kong sambit.


"Basta gaga siya. Kapag nakita kami makakatikim talaga iyon ng mega sabunot. Puro naman reklamo ang lumalabas sa makapal at nakausli niyang bibig. Kaya siguro nagkasakit dahil wala naman siyang ambag. -100 sa langit ang mga taong katulad niya. Utos pa ng utos, akala mo ikakaganda niya."


"Hay naku, itigil mo na nga 'yan. Ang gawin na lang natin ay magtulungan para mas madaling matapos. Kung puro reklamo wala tayong matatapos." Napapa-iling kong sambit.


"Hay, mabuti na lang at ikaw ang naging president dahil kung hindi sa mental na ako pupulutin everytime maka-encounter ako ng ganitong problema. Sabo gang beauty ni iyong mare." Kumikembot pa ang puwet niya habang naglalakad.


Nakasunod lang ako sa kaniya habang hindi mapigilang mapangiti sa mga kalokohan niya.


I was taken back from a deep thought when someone pull me inside the dark classroom. A tight embrace welcomes me, I wanted to free myself but I couldn't.


I was catching my breath while feeling his heartbeat where my palm rested. A strange feeling indeed. I could feel my heated cheeks while the butterflies in my stomach was in chaos.


"Please... Don't you ever try to avoid me." My heart stopped when I feel a hard liquid falling from his eyes.


The great Rexiel Jasper Caballero was crying... My bestfriend was crying because of me...







____________________-___________________________:)

A/N:

Maraming salamat sa mga naghintay, nagbasa, nag vote at nag-add ng story na ito sa kanilang reading list. Sorry at ngayon lang ako nakapag update, madami kasing dapat gawin as a student❤️

PS: Vote and Comment are HIGHLY APPRECIATED! Thank you so much😘




28magda11

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now