Kabanata 11

78 8 2
                                    

Confuse

"Did my kiss leaves you speechless?"

He unknowingly asked me na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, naguguluhan ako. Nag flash back lahat ng mga inaakto niya noong nakaraan, mula ng sinabi ko sa kaniyang gusto ko si Jonathan.

Galit na galit din siya tuwing nakikita niyang nakatitig ako doon sa isa, iyong topic namin no'ng nakaraan about sa friendzone and incest. I feel so stress and confuse all of a sudden.

Magkaibigan na kami simula pa no'ng una. Nakaramdam ako ng galit at pagkadismaya sa kaniya. I'm angry because of his reckless outburst and dismay because I know to myself that I wouldn't feel the same way he does.

"Tumigil ka na Rexiel! Hindi ito magandang biro. Kung gusto mo lang magpatawa please lang tigilan mo na ito." Pinukol ko siya ng masamang tingin pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon.

Napaayos siya ng upo pagkatapos ay seryoso akong tinitigan. Tila ba gusto niyang basahin kung ano ang mga tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

"Mukha ba akong nagbibiro Ysabelle. Manhid ka ba o ayaw mo lang talaga na tanggapin na higit pa sa pagka-kaibigan ang tingin ko sa iyo." he raised his eyebrows and gritted his teeth after saying that. May halong pagtitimpi.

"No! Stop this Rexiel! I'm telling you, hindi ko na gusto ang mga bagay na pinu-punto mo. Alam mong kaibigan lang ang pwede kong ibigay sayo hindi ba?" sabay sabunot sa mahaba kong buhok.

"At isa pa, we're not only bestfriend but we are siblings by bond. I knew you are just confused, magpahinga ka na muna at baka subrang napagod ka lang sa pagpractice." Hindi siya sumagot at tila inaarok ang mga sinabi ko. "Ako ang palagi mong kasama kaya you thought that you love me romantically." dagdag ko pa.

"I know your point pero alam mong nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko nilalaro ang mga ganitong bagay. Belle, matatanda na tayo para malaman kung anong totoong nararamdaman natin para sa isa't isa. Please take this risk and chances with me, hhmm?" he asked me with those pleading eyes.

"No! Shit naman Rexiel! We are best friend for goodness' sake. Una pa lang nilinaw ko na sa iyo hindi ba. Alam mong si Jonathan ang gusto ko. Kung ayaw mong masira ang ilang taong pagkakaibigan natin, itigil mo na ang kabaliwang ito." madamdamin at may diin kong saad.

Mabilis akong tumayo at iniligpit ang mga gamit na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Napatingin ako sa mga tao nakikinig sa pagtatalo namin, mga chismosa talaga nagkalat kung saan-saan. They can't mind their own business. Tsss.

Napailing na lang ako sa nakita. Tinitigan ko sila ng masama kaya napaiwas sila kaagad ng tingin at pinag-patuloy na lamang ang kanilang mga ginagawa.

"Tsk. Kabaliwan na pala ang tawag sa nararamdam kong ito." rinig kong bulong ni Rexiel na patuloy parin na nakaupo.

Narinig ko ang bulong niyang iyon pero hindi na akong nag-abalang nilingon siyang muli. Walang magandang kahahantungan ang iniisip niyang iyon. Isang kahangalan na pagtuunan pa ito ng pansin.

She knew to herself that Rexiel is just confuse.

"Yes, he is confused." paulit-ulit niyang sambit na tila pina-aalahanan ang sarili.

Mabilis akong umalis sa café at dali daling sinulyapan ang relo sa kaliwang kamay. Shit! Ang tagal pala namin na tumambay sa lugar na iyon na wala naman akong napala kundi pagkainis. Hindi ko alam kung kanino ako naiinis kay Rexiel ba o sa sarili ko.

Teka nga. Why will I feel irritated about myself eh alam ko naman na wala akong ginawang masama. Yeah right! Patuloy na pagkumbinsi ko sa sarili.

Hayy. Hindi na naman ako patutulugin nito dahil sa subrang pag-iisip. Pagkatapos kong kausapin ang sarili na para bang timang ay daig ko pa ang kabayo sa bilis na pagtakbo. Marami akong nakaka-bunggo pero hindi na ako nakapag sorry sa sobrang pagkataranta. Labasan narin kasi ng ibang strand kaya maraming estudyante ang pakalat kalat sa paligid ng campus.


"Sorry, I'm late." hinihingal ko paghingi ng paumanhin.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay umupo kaagad ako at malalim na napabuntong hininga. Ngayon ko lang nalaman na may talent pala ako sa pagtakbo. Kung alam ko lang ito noon pa ay hindi ako mag aatubiling sumali sa mga palaro ng eskwelan.

"It's okay Miss President. Magre-recheck na rin lang naman tayo ng mga booths hindi ba?" nakangiting tanong ni Nila.

Tumango ako bilang sagot. Mabuti na lang na nandito siya at mayroong nagba-back up sa akin. Hindi naman kami ganoon ka close para matawag ko siyang best friend, friends kami. Ganern! Kung hindi niyo maintindihan indtihin niyo na lang.

Sa totoo lang, Nilo talaga iyong name niya pero dahil feel na feel niya ang pagiging bakla ay pinayagan ko na lang nakakaawa kasi, lumuhod ba naman sa paanan ko para tanggapin ko siya bilang siya. Walang puso lang ang hindi maaawa. Charot!

Hindi naman ako ganoon kasama. The truth is, I really love them masaya kasing kasama at tila ba araw-araw ay may baon silang kwento. Palagi pang nandiyan sa tuwing kailangan mo ng karamay at handa talagang sumabak sa gyera maipagtanggol ka lang. Kung hindi lang sana-Shit! Bakit ba bigla ko na naman siyang naalala. Dapat matagal ko na siyang nakalimutan.

Some memories are worth remembering while some of them na kung pwede lang inilibing sa kailaliman ng impyerno ay matagal ko ng ginawa.

He's not worth it. No. She's not worth it!

"Hey." I feel someone tapping my shoulder to get my attention. It's Nila.

"Are you okay? Namumutla ka at namumula pa ang sulok ng mga mata mo." Nag-aalalang sambit niya.

"Yes. I'm okay bigla lang akong napuwing."

Ngumiti siya, I mean ngumiwi siya at napag-hahalataan na hindi talaga siya naniniwala. Napaiwas ako bigla ng tingin at hinarap ang mga officers na naghihintay sa instructions ko.

"Let's go guys. Let's separate into five groups para mas mabilis tayong makatapos. Maaga pa naman tayo bukas kaya kailangan makapag-pahinga tayo ng maayos."

Ngumiti sila bilang pagsang-ayon. Mabilis kaming naglibot to inspect and to make sure na magiging maayos ang program bukas. Ayaw kong may maging problema at mapahiya kami sa mga faculties at mga bisita.

Ang balak ko pa naman sana ngayon ay magtapat ng pag-irog ko kay Atan, nabulilyaso nga lang. Hayaan na bukas na lang bago mag-uwian, hindi naman ako nagmamadaling marinig ang matamis na 'OO' niya. Kailangang maging magandang maganda ako bukas para kahit haggard na ay yummy parin.










_____________________-__________________________________:)



P.S. 1: Thank you for reading this story😍😘 Sana hindi kayo magsawang magbasa nito katulad ng hindi kayo nagsasawang maghintay sa taong hindi kayo mahal. Char! Hahhahah
P.S. 2: Thank you Queen J❤️
Achi! Ang sakit mo kabonding huhuhu


*Sa mga curious kung bakit po ako nag-dedicate ng chapter sa ibang author, reader din po kasi ako kaya kahit sa ganitong paraan ay mapasalamatan ko sila sa pag-inspire sa aking magsulat❤️









Keep Reading!

28magda11

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now