Kabanata 7

77 11 3
                                    

Pain

Everything has its own limitation... feel the ease of an invisible boundary... But for sure friendship will never be an exception. People are always reluctant to show and say what they really feel especially if they have no assurance that they can have it forever. It's too risky, so you would rather feel contented to the things you already have. Don't expect more than that if you know to yourself that you did not try anything to have more than you deserve.

"We need to talk." after I've said that to Rexiel, hinarap ko ang mga school fans nila at seryosong tinignan.

All of them knows me but I knew that some don't really care about it but they should be dahil iba ako magalit. I always bear in mind that you should respect the person but you should receive that kind of respect first.

"Hey! What do you think you are doing? Have you already forgotten that you are still in our school premises? And mind you, some subject have already their ongoing classes." kastigo ko sa kanila.

Napayuko ang iba na tila ba napapahiya. Pero meron talagang makakapal ang mukha.

"Eh, paano kung ayaw namin, may magagawa ka ba?" tanong sa akin ng isang Halandy Castro habang naka back up ang grupo niyang tila sinampal dahil sa subrang pula ng magkabilang pisngi. Nakataas pa ang kilay niyang hindi pantay habang nakausli ang bibig niyang tila tinusok ng bubuyog.

May tapang na sumagot sagot because of her father who are one of the investor of this school. But everyone knew that their money is a dirty money, earned for doing illegal deeds. Hindi niya siguro alam na kung demonyita siya si Satanas naman ako.

Napaismid na lang ako habang tinitigan ang mata niyang kasing laki ng limang piso. Kapag ganitong malapitan mahahalata talaga ang tila munggo niyang balat sa noo, daig pa talaga ng pangit ang maganda kung panla-landi ang gagawing tema.

"Do you want to visit the guidance council room and do a charity work for the whole month Miss Anlandi.... I mean Halandy Castro?" tumaas ang kilay niya sa pagkakamaling pagbiskas ko... Kung pagkakamali nga ba talaga ang tawag doon.

"What?" she asked me and if look can kill, I would be dead by now.

"Oh my bad! Sorry but not sorry... Magka tunog kasi... Don't worry your name suits you." I was grinning after saying that.

I looked at her kaya nakita kong hinihila na siya ng mga kaibigan niya at pinipigilang sumagot muli. Alam kong galit na galit siya, pero I don't mind. Hindi naman ako natatakot.

I am not the School Student Council President for nothing. They know me for being kind but they also know me for being ruthless. Kahit anak pa ng mayayaman basta't lumabag sa batas ng eskwelahan ay hindi ako mangingiming parusahan. They should know na kahit anong pilit nila ay wala silang magagawa pa.

My family would not be wealthy same as before but thank God, paunti unti ay lumalago rin ang pinaghirapan at pinagpuyatan ng nga magulang ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay walang pag-iingat na hinila ko si Rexiel.

We are at the back of the school building. Mabuti na lang at walang taong tumatambay dito kapag ganitong oras.

"Ano ba ang pag-uusapan nating dalawa at inisturbo mo pa kami?" he asked. Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya habang hinihintay na humarap ako sa kan'ya.

"Don't you see that we are busy?" he seriously asked again while looking at me directly.

I was stunned by his remark... Parang hindi siya ang Rexiel na nakilala ko... Nawala sa isip ko ang mga gusto kong sabihin, nasasaktan ako sa klase ng pakikitungo niya sa akin. Hindi ko alam... Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Nasasaktan ba ako dahil sa tono ng pananalita niyang may halong hinanakit o dahil sa lamig ng mata niyang seryosong nakatitig sa akin?

"I.. Ahmm.."

"What?" he boredly asked.

Wait.. Bakit ba ako kinakabahan eh kung tutuusin siya ang may kasalanan. Aba! Gagong to hindi na nahiya. Muntik ko ng makalimutan kung bakit inis na inis ako sa kaniya.

"Aba naman dude, ikaw pa ang may ganang magalit! Ilang araw ka ng hindi nagpa-paramdam ah. Tuwing pupunta ako sa inyo palagi kang wala. Kung tatawag naman ako hindi mo sinasagot. Kung magti-text ako hindi ka nagre-reply. For your information may best friend kang nag-aalala sayo!" mahabang paglintanya ko.

I couldn't contain my anger, sumabog ako ng hindi ko namamalayan. I'm in the verged of crying. Ayaw kong makita niya akong ganito baka sabihin lang ng tipaklong na ito ay OA ako.

" Iyan lang ba ang sasabihin mo?" tanong niya. Tinignan niya ako habang bagot na bagot siyang pinaikot ikot ang ball pen sa daliri niya.

" Eh gago ka pala eh. Bakit ka ba nagka-kaganiyan?" tanong ko habang hindi mapigilang hampasin siya ngunit alam kong hindi malakas iyon dahil kahit ako ay ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

"Okay naman tayo ah...I mean wala naman tayong pinag-awayan." nahahapo kong sambit sa kaniya. I keep on catching my breath sa hindi alam na kadahilanan.

" I'm just tired Miss Imperial." he simply said that.

Miss Imperial?... Bakit Miss Imperial?.. Hindi niya naman ako tinatawag ng ganiyan dati. Kung hindi Ysabelle, Bless ang itatawag niya sa akin. Ilang araw lang kaming hindi nagkita nagbago na lang siya bigla.

"What did you say?... Paki ulit nga, baka nagkakamali lang ako ng dinig."

"We are busy Miss SCP or should I say Miss Student Council President." sambit niya na may halong sarkasmo ang tono.

"Kung iyan lang ang sasabihin mo, mabuti pang mauna na ako. Mas madami pang importanteng bagay na dapat kong tapusin." he coldly said that and then turned his back away from me.

I didn't realize that I was already crying. My heart was breaking. Ramdam kong unti-unti ng lumalayo ang loob niya sa akin. Hindi pa siya lubusang nakakalayo kaya sinubukan ko siyang habulin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang braso.

"What's the problem Rexiel?" humihikbi kong tanong sa kaniya.

"D-did I do something wrong? ....K-kapag pinagpatuloy mo pa to alam mo ang mangyayari diba?.....You are my best friend at ayaw na ayaw kong nag kaka-ganito, most especially I didn't know why you are acting like this." gusto ko siyang yakapin ngunit wala akong lakas na gawin iyon.

Wala akong nakuhang tugon galing sa kaniya. We are this close but he feels too far from me. Tila ibang tao ang kasama ko ngayon.

Hinarap niya ako at niyakap bigla. Doon na tuluyang umalpas ang pilit kong pinipigilang paghikbi.

"Please stop acting like this. You are hurting me dude... Rexiel, I'm in pain."







______________-______________________________:)

Salamat sa pagbabasa at sa suporta. Maraming salamat po sa pagboto at pagkomento, masaya po akong malaman na nagustuhan niyo ang isturyang ito❤️

Keep on Reading!
28magda11

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now