Confessed
Mag-isa akong naglakad pauwi, hindi naman nakakatakot sa daan dahil marami parin ang namamasyal kahit pa-pagabi na. May nakita pa nga akong naghahalikan at naglalampungan sa madilim na bahagi ng eskinita. Hay naku, may mga tao talagang basta tinamaan ng init ng katawan tila nakakalimutan ang salitang 'kahihiyan'.
Ewan ko kung bata ba o matanda wala rin naman akong paki-alam edi sila na may jowa akala nila maiinggit ako, sana lang talaga mamaga ang mga nguso nila. Napailing na lang ako sa naisip.
Kung anong uri ba ng halik ang ginagawa nila, do'n talaga ako na-curious. Is it torrid kiss, French kiss or just simple kiss. As long as nagkiss sila okay na siguro 'yon. Sabi ng iba matamis daw, ano iyon may asukal iyong laway nila! So gross! Napahalukipkip tuloy ako sa naisip.
Habang naglalakad ay hindi maalis alis sa isip ko ang mga pinag-usapan namin kanina. Ngayon ko lang nakita si Rexiel na ganoon kumilos, ewan ko kung maniniwala ba ako. Wala parin naman magbabago dahil ayaw kong tanggapin na higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya para sa akin. Friendship is a special bond that is too precious to risk at wala akong planong baguhin iyon. Unang-una pa lang ay alam na niyang si Jonathan ang gusto ko, bakit ginawa niya pa iyon.
"Maybe he got jealous thinking that Jonathan will take me away from him kaya niya naisipang gawin iyon?" mahinang tanong ko sa sarili.
Gusto ko ng kalimutan dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko. Dagdag pang tila may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga na para bang may gustong umalpas dito.
"Lord, wala po ba kayong pwedeng gawin para naman may ikasaya ang araw na ito? Nakakapagod na po talagang mag-isip, pwedeng taym pers muna. Pahinga muna ako kahit isang araw lang." Mahinang bulong ko habang nakatingala sa papadilim na kalangitan na para bang may hinihintay na sagot sa mga hiling ko.
Sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw ay hindi ko na mapigilan ang sarili na umupo na muna sa shed para kahit papaano ay makalanghap ako ng hangin. Pero pucha! Iyong nagmo-moment ka at huminga ng malalim ay saktong dumaan ang jeep. Lahat yata ng usok ay nasinghot ko na. Diyos ko mamatay yata ako sa sakit sa baga nito.
Ilang segundo pa akong napahinga ng malalim at napatayo na lang ako bigla ng hindi napapansin na bida na naman pala ang pagka-diyosa ko. Hindi ko mapigilan ang sariling sigawan ang papalayong jeep.
"Ang bango ng usok ng tambutso mo manong. Daig pa ang Victoria Secret cologne sa bango! Ipagpatuloy niyo lang po iyan. Sana masarap ulam mo mamaya!" nababaliw kong sigaw habang nagta-talon sa sobrang pagka-inis
May mga narinig akong tumatawa, iyon pala ay maraming taong natigilan sa sigaw ko at sa subrang kahihiyan ay kumaripas kaagad ako ng takbo habang tinatakpan ang mukha. Iyong katulad na katulad ng mga artista na kapag nasa publiko kailangan pa ng disguise, ang kaibahan nga lang artista sila diyosa naman ako. Kahit ilang ligo pa ang gawin nila ay hindi nila mapapantayan ang kagandahan ko.
Napangiti na lang ako bigla. Ang saya talagang purihin ang sarili, I'm really proud of you, self. Tinapik-tapik ko pa ang balikat ko para ramdam na ramdam talaga. Ang problema nga lang masyadong mabigat iyong bangko, wala pa naman akong muscle para matagalan ang pagbubuhat nito. Nakakasad talaga.
"Ysabelle, bakit ngayon ka lang?" seryosong tanong ng isang tinig lalaki na nakatayo sa sulok ng halaman naming. Humalukipkip ang mga braso niya sa dibdib habang tinaas-baba ang tingin sa akin.
Napatalon naman ako sa gulat. Kung hindi ko lang kabisado ang boses at pabango niyang kahit malayo ka mapapahinto ka talaga dahil amoy pogi ay nagsisigaw na siguro ako para humingi ng tulong.
"Ahhmm. B-bakit ka nandito? Tapos na tayong mag-usap kanina ah." Mahinang usal ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkautal at hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.
Unti-unti siyang lumalapit kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapa-atras. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko.
"Tungkol sa—"
"Kung tungkol sa pinag-sasabi mo kanina ay mas mabuti pang umuwi ka na lang. Pagod ako ngayon at ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano na makaka-dagdag sa pagod ko." Direktang sambit ko pagkatapos putulin ang dapat na sasabihin niya.
He touched my shoulder and reach my cheeks to gently caress it. The warmth of his hands gives me a comfortable feeling. Napapikit na lang ako bigla ng makaramdam ng estrangherong damdamin. Sinubukan kong umatras muli para makawala sa kaniya ngunit na corner niya na pala ako.
He didn't say anything instead his amber eyes pierce direct through me. It shows so many emotions that I couldn't name. I gasped heavily to calm my nerves. Ayaw kong nagka-kaganito siya, pain and sadness is evident on his face. He looked so down for unknown reason, I want to console and comfort him but I didn't know what I should do.
Hindi ko namalayan na inabot ko narin pala ang pisngi niya para makaharap siya ng tuluyan sa akin.
"What have you gotten yourself into Rexiel?"
Napapasong napabitaw siya at iniwas ang tingin para maiwasan ang mga mata ko. He slightly shrugged his shoulders like he also couldn't explain it.
"What do you think?" malamig niyang tanong. Maya't mayay tanong niya.
"B-bakit ka ba kasi nagkakaganito? A-alam mo bang mas lalo mong pinapahirap ang sitwasyon? Hindi ba kama-kailan lang nag-confess ako sayo na si Jonathan ang gusto ko?" mga katanungan na akala ko hindi ko matatapos na sabihin dahil sa subrang panginginig.
"I'm really tired to pretend Ysabelle." Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita.
"I'm really tired to pretend that I only see you as my bestfriend kahit na mas mahal pa kita sa sarili ko. Pagod na akong ngumiti at ipagsa-walang bahala ang mga oras na nakikita kitang nakatitig sa kaniya na puno ng pagkamangha at pagkagusto. Kahit na ang totoo...Kahit na ang totoo'y nadudurog na ang puso ko." Tears keeps on streaming down his face.
"Rex maybe you've mistaken your love for me as a friend into a romantic one. We are too young to know what love really means. Remember, we are only a graduating senior high school student, ang mga ganitong bagay ay hindi muna binibigyan ng mas malalim na kahulugan."
"No, I li-...I love you Ysabelle Bless Imperial. Not only as my bestfriend but as a woman." Madamdamin niyang pahayag habang may ilang butil pa ng luha sa kaniyang mga mata.
Napasighap ako. Rexiel Jasper Caballero, my bestfriend confessed his love to me.
___________________-________________________________:)
Author's Note (Please Read)!
P. S. Please Vote and Comment para ganahan naman akong mag update, pls!
P. S. A vote and a simple comment really means a lot... Thank you!
P. S. There's more to go kaya chillax my very pretty readers😘Happy and Keep Reading!
28magda11
YOU ARE READING
Loving the Chase
Romance"Stop pushing me away. You know I won't let you! I've been here for you bakit siya pa ang hinahanap mo?" "You are not him so, stop this nonsense Rexiel. You've been my best friend for fucking 11 years!" "I know you love me too Ysa. You just love the...