Kabanata 9

81 9 5
                                    

Friendzone

"Careful you might fall." I smirked after saying that.

Napaiwas siya ng tingin at hindi na nagsalita pa. Ewan ko ba kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Ang kagagahan talaga minsan hindi ko maiwasan. Nag-iba tuloy atmosphere sa kwartong ito. Dyosko kung gusto lang kumain ng lupa ng diyosang katulad ko ay willing akong magpakain. #Huwag green minded!

"Hehehe, biro lang dude alam ko naman na you would'nt like someone like me... Right?" Pagbawi ko at baka sabihin nito nagkatitigan lang may gusto na agad. Assumera lang ang gumagawa noon at hindi bagay sa kagandahan ko.

"Yup. I wouldn't like someone like you." he simply said while nodding his head.

Natigilan ako at tila may kumurit na sakit sa dibdib ko. Napangiti na lang ako at tumingin sa gawi niya.

"Tama!" agree ko sa sinabi niya.

"You are my best friend. We may not be related by blood but we are bonded by heart kaya incest iyon. Hahaha." Dagdag ko pa habang bina-balewala ang pagpintig ng puso ko.

May sakit yata ako sa puso. Sumasakit bigla at bumibilis ang pintig nito. I'm new to this kind of feeling kaya natatakot ako at baka nasa final stage na ito.

Nakakatakot!

"Incest my ass." He said after he turned his back on me. Inaabot niya ang mesa para kunin iyong phone niya sa study table sa gilid.

"Gago. Ano ba ang tawag sa dalawang taong may intimate relationship kahit related sila hindi ba incest." Pagtatanggol ko sa sinabi.

Ewan ko ba bakit ito ang pinag-tatalunan naming dalawa. Walang sense pero dahil ayaw kong magpatalo... Bring it on baby!

"Incest are sexual intercourse between persons so closely related that they are forbidden by law to marry. Matalino ka nga bobo ka naman sa ganitong bagay."

Pagbabasa niya sa description ng incest sa Merriam-Webster. Iyon pala ang dahilan kung bakit niya kinuha ang phone niya akala ko kasi magte-text siya.


"Kung maka-bobo ka, nahiya naman ang valedictorian na ako sa isang katulad mo. Basta incest ang tawag doon kaya huwag ka ng sumabat pa. Huwag mo ng hintayin na dumilim ang paningin ko sayo at baka mapalayas kita sa mismong bahay mo." I warned him while rolling my eyes.


Hilig niya talagang asarin ako kung hindi lang kami nasa bahay nila ay pinalayas ko na siya. Kapag talaga ganito ang usapan ay natatalo ako sa kaniya, kahit anong salita ang ibato ko ay may sagot kaagad siya.

He shrugged his shoulder while looking at me intently.


"If a friend likes you but you don't like them back, it is not incest instead you call it friendzone or worst unrequited love." sabi niya at kaagad na iniiwas ang tingin. Parang mas may malalim siyang iniisip.

"Aba naman sasagot ka pa!" Naiinis ko siyang pinukol ng nakama-matay na tingin.

Akmang hahampasin ko na siya ng unan ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok pala si tita, si Dean Caballero. Kung usual days lang tita ang tawag ko sa kaniya, best friend na kasi ng parents ko ang parents ni Rexiel kaya anak na rin ang turing nila sa akin, dalawa lang kasi silang magkapatid tapos lalaki din iyong bunso. Pero kung sa school ay dean ang tawag ko sa kaniya to be formal at paggalang na din.

"Hijo, bumaba na kayo at nagpahanda ako ng meryenda kay inday. I know this pretty Belle is already hungry." Sambit ni tita habang hinahaplos ang buhok ko.


Napaismid akong tumingin kay Rexiel at napairap muli. He smirked at me and smiled softly to his mom.

"Let's go my most beautiful momma. Your most handsome son is starving."

Nagbuhat ng sariling upuan. Ang laking tao mama's boy ang puta. Gusto kong tumawa sa naisip pero nakakahiya kung dito kami magrambulan.


Ang laki ng bahay ng mga Caballero kung tutuusin nga hindi bahay ang matatawag dito kundi mansion. Naglalakihan ang mga chandelier at fully air conditioned ang buong bahay.

Kumpleto pala sila ngayong hapon, nandito rin kasi si tito Raven, papa ni Rexiel at si Rolex, ang bunso kapatid niyang lalaki. Ang pinagkaiba lang ay sobrang bait at masayahin ang isang to habang siya ay tila araw araw dinadatnan ng menstruation.

"Hello ate Belle na maganda." Kumakaway na pagbati ni cutie Rolex habang nakalabas ang ngipin niyang bungi.

"Hello pinakapoging baby Rolex." Gustong gusto ko talaga ang batang to. Ika nga nila, Children does'nt know how to lie.

"Nagbolahan ang dalawang pangit." Bulong ng katabi kong demonyo.

"Kalma self, nakaka-pangit ang stress. Hindi ka pa ready na magka-wrenkles." Paalala ko sa sarili.

Hindi ko na pinansin ang pang-iinis niya. Masaya kaming nagsalo-salo, sumakit ang tiyan ko sa katatawa dahil sa mga biro ni tito habang iniinis ang panganay niya. Magka-mukha nga silang dalawa ngunit magka-salungat naman ang ugali.

"Anak pagkatapos nito ihatid mo si Belle sa bahay nila ah. Magga-gabi at ayaw kong mag alala sina Ysandra dahil hindi pa nakakauwi ang Unica Hija nila." Malumanay na sambit ni tita habang halata ang kislap sa kaniyang mga mata.

Tumango si Rexiel at masayang nginitian si tita. Ramdam mo talaga na masayang masaya sila. Kitang kita sa mata ni tita na mahal na mahal niya si tito at ang mga anak niya. Ito ang klase ng pamilyang pinapangarap ko pero masyado pa akong bata para mag-isip ng mga ganoong bagay.

Ngunit hindi ko maiwasan ang sariling pangarapin na someday I want to find a man who can look at me the way tito Raven looked at tita Cathy. He looked at her like she was the most beautiful and the most precious woman in the world.

Ganito rin tignan ng daddy ko ang mommy ko kaya if destiny will prevail I will find a man who can't live without me. Napa baling ako sa kanilang apat kay sarap titigan ang mga mata nilang kumikislap sa tuwa.

After I said my goodbyes to tita Cathy and to Raven. Rexiel drove me home using his own car. Wala kaming imikan habang nasa byahe pero dahil ilang kanto lang ay bahay na namin kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na kaagad kami.

Noong bumaba ako ay bumaba rin siya. Hihintayin niya muna akong makapasok bago umalis, ganiyan siya ka OA.

"Rexiel." Tawag ko sa kaniya ng akmang papasok na siya sa kotse.

"Always remember that we will forever be best friend. Ayaw kong magbago iyon." Ngumiti ako sa kaniya.

Bumukas sira ang bibig niya na may tila gustong sabihin ngunit sa huli ay napabuntong hininga na lang siya at walang emosyong napatango.

"Shit na friendzone ako." Bulong niya.

Tatanungin ko pa sana siya kung anong sinabi niya dahil hindi ko narinig pero nakapasok na siya nang kotse kaya nagkibit balikat na lang ako.





__________________-_________________________________:)

#Don't forget to vote, comment and share this story. Thank you❤️







HAPPY READING!
28magda11

Loving the ChaseWhere stories live. Discover now