This is dedicated to all my agents and konsehos from VCA. Thank you so much!
Chapter 39
Pagpapakilala
Karamihan sa mga anghel ay nakapaligid sa malaking ibon na siyang sinasakyan namin. Sina Claret, Harper at Kalla ay kapwa nakaupo sa tabi ko habang si Iris ay nanatiling nakatindig sa hindi kalayuan habang kausap si Hua. Mayroon pa rin naman natitirang anghel na pinili rin samahan kami sa ibabaw ng ibon. Bagaman ang himpapawid ay masasabi rin nilang kanilang teritoryo, siniguro na nilang kung sakaling may maglakas ng loob sumalakay sa amin ay handa kaming lahat.
Dahil magawa man maharang nina Rosh at ng natitirang mga itinakdang prinsipe ang mga kalaban na humahabol sa amin sa lupa, may paraan man silang makipaglaban sa ere, hindi pa rin nila masasabi ang kasiguraduhan sa kakayahan ng mga kalaban.
Bago kami tuluyang humiwalay sa grupo ng mga kalalakihan, nagawa pang iabot sa akin ni Rosh ang panibagong bulaklak na lotus, sinabi niyang hindi lang iisang lotus ang kinuha niya nang sandaling humiling ako sa kanya ng bulaklak na iyon.
Kapwa nakatitig din sa bulaklak na hawak ko sina Harper, Kalla at Claret.
"Nagmula kay Rosh." Ani ko sa kanila na hindi ko na kailangan pang sabihin.
"I heard he can't summon a common lotus?" tanong ni Kalla.
"Hinanap niya sa kagubatan." Sagot ko.
"I was a bit curious before. Nagulat din ako nang malaman ko na may limitasyon pala sa bulaklak si Rosh. I tried to ask Dastan or even Zen pero wala akong nakuhang sagot sa kanila." Sabi ni Harper dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.
"Paboritong bulaklak ito ng kanyang ina."
"Really? Hindi ko minsan narinig si Zen nagsabi tungkol sa ina ng mga Le'Vamuievos. To be honest, I never heard much about the previous King and Queen of their empire." Sabi naman ni Claret.
Hindi ko siya masisisi, kahit ako'y tanging si Haring Thaddeus at Reyna Leticia lang ang higit kong nakikilala.
"Le'Vamuievos are secretive." Tipid na sabi ni Kalla.
Sabay-sabay kaming napatango. "Aside from that, my father had many connections before. Na kahit wala na siya sa mundong ito ay nakikilala pa rin siya ng bawat salinlahi, he moved in silence but with vivid traces. Tulad nga ng sabi ni Kalla masyadong malihim ang mga Le'Vamuievos. Kung akala n'yo magagaling na kaming mga Gazellian sa pagpapanggap, higit ang mga Le'Vamuievos. They love façade and deceptions." Naiiling na sabi ni Harper.
Kung sabagay sa aming lahat ay si Harper ang higit na may kilala sa pamilyang iyon. She grew with them... with each other's empire as allies.
"Tobias is not as kind as you think. Marah is not just the simple spoiled princess, Pryor isn't just your unbothered prince hiding under his old coffin, and of course, Rosh isn't just a famous handsome prince... to tell you honestly, I am still wondering why I can't see their vivid picture in this scandal... this wrecked Nemetio Spiran scheme... puro na lang kaming mga Gazellian. I can't just simply take that, right? The reality that those evil goddesses tried to ambush Parsua Deltora first. Ginawa ba talaga nila iyon para takutin si Dastan at ipamukha sa kapatid ko na kaya nilang pulbusin ang kaharian na siyang pinakatumutulong sa amin? Or they are after something else?"
Ang mahabang iyon na sinabi ni Harper ang siyang tuluyang nagpatulala hindi lang sa akin kundi pati na rin kina Kalla at Claret. Siguro'y iisipin ko pa na maaari kong itong marinig kay Kalla dahil sa angkin nitong talino, isang dahilan kung bakit malaki ang kawilihan sa kanya ni Haring Thaddeus, ngunit ang marinig ito sa bunsong prinsesa ng mga Gazellian na sadyang inilalayo ng kanyang mga kapatid sa komplikadong sitwasyon ay talagang nakakagulat.
BINABASA MO ANG
Moonlight Throne (Gazellian Series #6)
VampiriJewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see from above. *** To face a war with the greatest support of the most powerful family in Parsua Sartori...