Chapter 23

51.4K 4.5K 1K
                                    

Chapter 23

King's form

"Does it hurt?" tanong ni ama nang makita niya ako sa ilalim ng puno.

Kanina pa akong nakasandal doon habang iniinda ang hapdi at kirot mula sa huli niyang atake. Kaiba sa mga pinsala at sugat na natatamo ko mula sa ibang bampira, higit na malaki ang epekto ng mula sa mga atake ni ama.

Maybe because he's the king or because his unique power. Ano nga ba ang magagawa ng katawan ko mula sa makapangyarihang bampirang katulad ni ama?

Hindi na ako magtataka kung malalaman ko na wala pa sa kalahati ng kapangyarihan niya ang kanyang ginagamit sa tuwing sinasanay niya kaming magkakapatid.

Huli na bago ko naibaba ang kasuotan ko at itago ang sugat sa aking braso.

I don't want him to see me in my weak state. Lalo na at halos araw-araw niyang ipinapaalala sa akin na kailanman ay hindi ako dapat magpakita ng kahinaan mula kaninuman.

Ngunit nahuli pa rin niya ako... napapailing na ako sa aking isipan. Kahit nakita niya na ang sugat, pinili ko pa rin tanggalin ang pagkakalilis ng aking kasuotan, pinilit kong hindi mapapikit nang saglit na lumapat ang kasuotan ko roon.

"Hindi na." Pagsisinungaling ko.

Naupo na rin si ama sa ilalim ng puno at sumandal doon katulad ko.

Wala sa sarili siyang napatingin sa taas, kung saan payapa ang mga ulap, banayad lamang ang sinag ng araw at nagliliparan ang mga ibon. Ngunit sa halip na sa kapaligiran ako mapatitig, ang aking mga mata'y napako sa aking minamahal na ama.

I want to be like him someday... most respected king, powerful, hailed...

Nang sandaling humimig siya sa mapapagitan ng mahinang pagsipol, ang kaninang mga ibon na lumilipad lamang sa saliw ng malamig na hangin ay ngayon ay tila mga gamo-gamong nakakita ng kaakit-akit na liwanag sa dilim.

Dahil sila'y unti-unting nagliliparan sa ilalim ng puno.

Hindi mawala ang mga mata ko kay ama at ang tanging naririnig lamang ng aking mga tenga ay ang banayad na musika mula sa kanya...

The wind blew, the leaves rustled, both of our long hair flutters, the chirping birds overjoyed, and my heartbeats overwhelmed with the peaceful sight in front of me.

How could my father shift his ambiance from a warrior igniting with power and fierce to a peaceful king with the innocence of birds and mellow music around him?

I will never get used to my father's different version... from a King, a friend, a father, a warrior...

Na sa kabila ng mahirap na pagsasanay kasama siya, ng mga kapatid ko... ibang klase pa rin ang pakiramdam na ipinadadama niya sa akin sa tuwing katabi ko lamang siya.

It was just his simple presence... but the happiness inside me is so overwhelming...

"A-ama..." wala sa sariling usal ko habang nakatitig sa kanya.

Nakaangat ang isang kamay ni Amang Hari habang nakahapon ang isang maliit na ibon doon. Bilang isang dugong bughaw, sinanay kaming tawagin ang mga magulang namin sa pormal na paraan.

Sa katunayan na minsan lang namin sila tinatawag ng mga kapatid ko na ama o ina. Kaya sa tuwing tinatawag namin sila sa paraang iyon ng biglaan... agad naming nakikitang magkakapatid ang kislap ng kanilang mga mata.

Agad napalingon sa akin si ama. Ilang beses siyang napakurap habang nakatitig sa akin. Sa aming magkakapatid ako ang pinakatipid sa pagtawag sa kanya ng ganoon.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon