Chapter 18

78.1K 5.9K 1.5K
                                    

Dedicated to Jay Cee Zara

Chapter 18

Patawad

-- REYNA --

Kung kanina ay nasa magkabilang posisyon na kami ni Dastan, pinili ng aking hari na tumabi sa akin sa kabila ng kaalamang kahit ang pagdadaop ng aming mga kamay ay imposible.

"We are not here to change the past." Panimula ni Dastan.

Gusto ko mang gawin iyon at pigilan ang kalupitang naranasan ng lahat ng mga nilalang na nadamay nang sandaling pabagsakin ang pitong matataas na trono, maraming maaaring mabago sa hinaharap.

Maaaring hindi kami ngayon itinakda ni Dastan sa isa't isa...

"All we have to do is to look for the goddesses' weakness..." dagdag ni Evan.

Lahat sila'y napatingin sa akin na parang naghihintay na may idadagdag ako roon, sa aming lahat ay ako dapat ang siyang mag-ambag tungkol sa bagay na ito.

Nakikita ko ang matinding pag-aalala sa mga mata ni Dastan habang nakatitig sa akin. Alam niya kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi dahil alam ko na ang kaunting parte ng katotohanan sa nakaraan ay magkakaroon na ako ng buong lakas na kalabanin ang mundong pinagmulan ko. Dahil mag-iisip pa rin ako ng mga diyosang katulad ko, mga inosente at walang alam sa katotohanan at likod ng inaakala nilang Paraiso.

May mga inosente pa rin at biktimang maiipit sa digmaang ito.

"We will find a way to your world, Leticia, and destroy them." Matigas na sabi ni Finn. Hindi ko mapigilang mapasinghap sa sinabi niya.

Si Dastan ay agad pinakatitigan ang kanyang kapatid. "Finn..."

"Kamahalan, ikaw na rin mismo ang nagsabi nito bago pa man—" huminga ako nang malalim at hindi na pinatapos magsalita si Finn.

"Oo. Tutulong ako..."

"From the very start... dapat naisip na natin ito. Nang sandaling atakehin ang mga Le'Vamuievos noon ay may dawit nang mga diyosa..." ani ni Lily.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Si Tatiana..." usal ko. "Isa siya sa mga diyosa sa Deeseyadah na kailanman ay hindi naging maganda ang tingin sa akin."

Noong una'y inakala kong ang pakikipagsabwatan nila sa dalawang hari mula sa naglahong emperyo'y mapigilan ang paparating kong pag-upo sa trono, gayong takas lamang ako at taksil sa kanilang mga mata.

Akala ko noo'y ang pagkilos ng mga diyosa ay laban lang sa akin at sa paniniwala nilang pagtataksil ko, ngunit simula umpisa pa pala'y may malalim na silang dahilan.

Si Dastan ang hinayaan kong magpaliwanag sa kanyang kapatid. Hanggang sa dumating kami sa sensitibong parte ng usapan.

Ang pagkamatay ni Haring Thaddeus.

Sino ang mag-aakala na ang kamatayan ng kanilang ama'y konektado s apitong matataas na trono na nangyari pa ilang daang taon na ang lumipas?

"Our father's death was manipulated..." pansin ko na hindi makasulyap sa akin si Dastan.

Alam niyang alam ko na ang katotohanan sa likod niyon. Namatay si Haring Thaddeus sa kamay ng sarili nilang ina, ang kanilang inang diyosa na kasama sa mga diyosang bumaba sa lupa.

Si Reyna Talisha at ang misyon niyang patahimikin si Haring Thaddeus sa kaalaman niya tungkol sa Deeseyadah.

"Hindi ba't ang mga mangkukulam at hindi si Danna—" usal ni Lily.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon