Dedicated to: Akiera Lacanaria
Chapter 3
-- REYNA --
Huling relikya
"Under attack?" ulit ni Kalla.
Tumango si Caleb na nanatiling nakasabit sa may bintana. "Yes. But let us handle this. We'll just stop the carriage."
"M-Manunuod lang kami?" tanong ni Harper.
"I guess? Magpapakitang gilas yata sila."
Hindi na nagtagal si Caleb at umalis na rin sa may bintana, hindi kami naghintay ng ilang minuto bago tumigil ang karwahe at dinala iyon sa tabi.
Si Hua ang sunod na nagpakita. "Nais nilang manatili kayo sa loob habang inaasikaso nila ang kaganapan sa labas."
"Are they sure? Hindi nila kailangan ng tulong?" tanong ni Claret.
"Ikaw ang nagsabing magtiwala tayo sa kanila." Ani ni Iris.
"Yes. Of course, pero madalas ay hindi maganda ang umpisa ng kanilang pakikipaglaban." Napatango ako. Nasaksihan ko rin ang bagay na iyon.
"It's okay. Seth is there. He's a good mediator." Dagdag ni Harper.
Sabay na tumango sina Kalla at Claret.
Habang rinig na namin ang kaguluhan sa labas, pinili namin ibigay ang atensyon sa bagay na mas mahalaga. Ang pakikipaglaban ay ipauubaya na namin sa mga lalaki sa labas.
"Mga diwata o anghel..." panimula ko.
Kung iisipin, simula nang dumating ako sa mundong ito ay hindi pa ako nakakasalubong man lang o nakakakausap ng isa sa dalawang nilalang.
"I never had an encounter with the angels. Parang ikinubli na nila ang presensiya nila sa mundong ito." Ani ni Harper.
"Kahit ako'y limitado rin ang nalalaman sa kanila." Dagdag ni Kalla.
Sina Iris at Claret ay kapwa umiling sa akin.
"How about the fairies?" tanong ni Kalla.
"Isang beses lang. Sea fairies... nang sandaling ikasal kami ni Zen sa barko. Ngunit matagal nang nangyari iyon at hindi ako nagkaroon ng mahabang pag-uusap sa kanila." Paliwanag ni Claret.
"But sea fairies can be allied with the fairies, right? What do you think, Kalla?" tanong ni Harper.
"At kung makatutulong nga sila, hindi ba dapat ay inilahad na iyon ng sirenang tumulong sa atin?" napatango kami sa sinabi ni Iris.
Kung mangyayari ngang isang diwata ang may hawak ng sunod na relikya, hindi na iyon diwata ng karagatan kundi sa ibang parte ng kalikakasan.
"Kung hindi diwata sa dagat, hindi rin siguro sa kagubatan. They should at least sense Leticia and her motives." Sabi naman ni Claret.
"And there are four elements of fairies..." usal ni Kalla.
"If not water or earth... we still have fire and wind fairies." Pagtutuloy ni Iris.
"Apoy o hangin..." usal ko.
"But how can we be sure that it's a fairy? Paano kung anghel pala? We need to see the vivid connection." Madiin sabi ni Claret.
Tumango ako. Hindi maaaring basta na lang kami maglakbay patungo sa kaharian ng isang nilalang na walang kasiguraduhan na nasa kanya nga ang relikyang hinahanap namin.
"Fire or wind fairies. Maaari ring anghel..." ulit ni Iris.
"But are we sure that angels do not have any branches? Paano kung marami rin silang uri?" tanong ni Claret.
BINABASA MO ANG
Moonlight Throne (Gazellian Series #6)
VampireJewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see from above. *** To face a war with the greatest support of the most powerful family in Parsua Sartori...
