This is a work of fiction.
PLAGIARISM IS A SERIOUS CRIME!
If you don't want my story, don't read it at your own risk!🦋🦋Yanyan's POV
Gusto ko mang umalis sa bahay na ito ay hindi ko magawa. Wala akong sapat na pera. Nakakainis lang.
"Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan!? Maglinis ka! Hampas lupa ka talaga!" Sigaw ng impakta kong stepmom. Walang hiya 'no?
Hindi ko magawang tumanggi sa kaniya dahil malaki ang utang na loob ko. Siya ang kumupkop sa'kin simula nang mawala ang nanay ko. Nagtataka nga ako kung bakit siya minahal ng tanga kong tatay. Buong araw akong naglinis sa bahay nilang akala mo ginto. May mga katulong naman sila, bakit pa sa'kin iuutos. Mas mabuti pa sana kung may sahod ako. Edi good time 'di ba?
"'Kita mo nga naman, nagagawa pang ngumiti!?"Lumapit siya sa'kin at hinila ang buhok ko. Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa matanda. Gurang ka na nga, ang pangit mo pa!"Ano ba!?" Ang sakit! Akala mo talaga kung sino eh 'no? Nakahawak pa rin siya sa buhok ko.
Hinila niya ako at itunulak sa labas.
Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang sakit. Takte kang matanda ka! At hindi pa siya nakuntento, kumuha siya ng tubig na pinaglagyan ng map!? Bastos talaga! Nakuyom ko ang kamao ko, nanggigigil ako sa kaniya!
Hindi na ako nagulat nang bigla niyang ibuhos sakin ang laman non. Shit ang baho!
Walang emosyong tumingin sa kaniya."'yan! Mukha ka na talagang basahan! Nakakadiri! Yuck." Nandidiri siyang tumingin sa'kin saka niya ako tinalikuran.
Mas nakakadiri 'yang pagmumukha mo!
Tumayo ako sa nagsimulang maglakad para maligo, ang baho-baho ko na! Nakaka-asar.
Ughhh! Sa oras na makahanap ako ng trabaho, who you ka sa'kin!***
Maaga akong nagising dahil ako ang magluluto ng breakfast nila. Akala mo mga hari't reyna!
Kung tatanungin ninyo kung nasaan ang tatay ko.
Aba! Hindi ko alam, baka nga may bago na siyang pamilya. 'Tsaka, pake ko 'di ba?
Pagkatapos kong mag-hain ay kumatok ako sa kwarto nila para gisingin sila."Gising na po kayo! Yor brekpas is redi!" Sunod sunod na katok ang ginawa ko.
Mga anim na beses siguro. Palakas nang palakas , natatawa nalang ako sa sarili dahil alam kong maiinis sila sakin. Yung impakta kong stepmom at anak niyang bruha."What the hell?!" Kita mo? Nagagalit na agad.
"Kumain ka na, Cath. Lalamig 'yon. " Padabog siyang bumaba at nilgpasan ako.
Yabang, eh pandak naman. Baka nakakalimutan niyang mas matangkad ako?"Tita, gising na! Kumain kana..po." Napipilitan akong magsabi ng po. Hindi dapat ginagalang ang taong tulad niya. Pero sabi ko nga, siya ang kumupkop sa'kin kaya may utang na loob ako.
Plano kong umalis ng bahay para sana maghanap ng trabaho. Mahirap dahil highschool lang ang natapos ko. Karamihan sa mga kompanya ngayon ay college graduate ang kinukuha.
Hayyyy! Paano ba ako makaka-alis sa impyernong bahay na ito? Nakakasawa na mga pagmumukha nila."Aba, aba! Saan ka naman pupunta, aber!?" Sabi ko na nga ba eh. Tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
"Ah, i-itatapon ko 'yong mga basura niyo...po"
Ang pangit pakinggan pero bahala na, basta may po, okay na 'yon. Makakatakas din ako, hindi man ngayon, pero hindi ko rin alam kung kailan.
Nandito ako sa gilid ng kalsada at isinasalansan ko ang mga basura. Wala nang gloves gloves, hindi naman ito tae, kaya keri na. Hayy mabuti naman at natapos din. Pumasok na ako sa bahay pero may napansin ako. Umalis sila?! Oh my! Yes yes. Makaka-alis na ako. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis na. 'Yong formal attire kuno. Inayos ko rin 'yong buhok ko. Ay! Hindi pa pala ako naligo. Takte! Pumasok na ako sa CR. Kaasar. Bakit hindi ko naalala. Una akong pumunta sa isang kompanya na may pangalang
'MONTENEGRO CORPORATION' Grabe ang taas ng building. Feeling ko hindi ako bagay rito. Pero, wala namang masama kung susubukan ko 'di ba?
May pumipila kaya pumila na rin ako. Ang haba naman masiyado? Parang hihingi lang ng relief goods. Nakatayo ako sa may pinakalikod dahil first come first serve raw. Hayyy..
Dapat lady's first eh, ah oo nga pala I'm not a lady.
I am man! Chos. =_=
May mga nakikita akong nakahawak ng cellphone, wow yayamanin. Nahiya naman akong walang ganiyan.
Umupo muna ako sa gilid dahil malayo pa naman ang pila. Kanina pa kumukulo ang sikmura ko kaasar, nakalimutan kong kumain.
Isinandal ko muna ang ulo ko sa ilalim ng puno.
Bigla namang kumalat ang mga nakapila at pumunta sa lalaking bumaba ng kotse. Ano 'yon? Mga baliw ba kayo? Hala baka artista?
* Evil laugh * na-curios ako kaya nakisingit na rin ako."Aaahh! Shet! Ang gwapo! Serrrr akin ka na lang,"
"Ser! A Ken beh yer seksetari! Ehehe"
"Aaahhh!"
"Waaaaahh!"
"Aaaaaahh!" Grabe, tili rito. Tili roon. Teka, nasaan na ba 'yong lalaking sinasabi nila? Sinungaling naman 'ata. Wala akong ginawa kung hindi ang maghintay. Ano'ng oras na kaya? Napatingin ako sa relo ko at..omagad! Dali-dali akong tumakbo paalis. Jusme! Nakauwi na siguro sila. Anong ipapalusot ko kapag nakita nila ako?
Dianne, mag-isip ka! *Inhale, exhale* hoo!"Bakit ngayon ka lang!?Anong kakainin namin ha!" Aba! Ewan ko sa'yo. Napatungo na lang ako dahil ayokong magkagulo.
"P-pasensya na, tita." Pero imbes na magpaliwanag ako at nilampasan nila ako. What a relief! Hehehe nakahinga naman ako nang maluwag. Kung tatanungin man nila ako kung saan ako galing, pwede kong sabihin na nagpunta ako sa grocery store. Kaso, magtataka rin sila kung bakit wala akong binili.
Uh, ano kay--"Magluluto ka, o papalayasin kita rito!?" Ay nagkamali pala ako, akala ko nakatakas na ako sa bingit ng kamatayan. Hindi pa pala.
"M-magluluto na po," Dali-dali na akong pumunta sa kusina. Mabuti na lang at maaga pa dahil kung hindi, naku. Pare-pareho kaming hindi kakain. Tinulungan ako ng maids dahil feeling ko naaawa sila sa'kin. Ayoko ng may naaawa sa'kin dahil... basta ayoko.
Pero imbes na tumanggi ako ay nagpasalamat na lang ako.***
Dumiretso na ako sa kwarto at ipinikit ang mga mata ko. Sa totoo niyan, hindi pa ako matutulog.
Nag-iisip lang ako ng paraan kung paano ako makakahanap ng trabaho. Gusto kong mag-college this coming year, kaso parang imposible. Mayaman sina Tita Elly, 'yong impaktang nanay ni Catherine!
Kinupkop nila ako, dahil nang mamatay ang mama ko, ipinaubaya niya ako sa kanila.
Akala ko noon magiging maayos ang buhay ko.
Naaala ko pa noong mga oras na kailangan kong magbenta ng mga diaryo para lang makapag-aral ng high school. Sa awa ng Diyos ay nakapagtapos naman ako. Elementary pa lang ako nang mamatay si mama. Mahirap, dahil siya lang ang kasama ko. Ipinaramdam niyang mahalaga ako.
Ngunit ngayong wala na siya, para akong nabubuhay sa impyerno. Ako ang pinaglilinis, ako lahat. Kahit may katulong sila.
Hindi ko alam pero gusto nilang pahirapan ako.
Pero nagkamali sila, akala ba nila susuko ako?
I am not stupid like them! Duh.
Minsan hindi nila ako pinapakain. At kapag bad mood sila, ako ang pinagbubuntunan nila ng galit. Ayokong gumanti dahil baka palayasin ako rito. Wala akong matutuluyan 'pag nagkataon.
Kung magkakaroon man ako ng pagkakataong baguhin ang kapalaran ko ay ginawa ko na.
Sabi nila ' Your fate depends on you '
Hindi rin, dahil kahit anong gawin mo. Kung 'yon talaga ang para sayo, wala kang magagawa.
Tatanggapin ko na lang kaysa ang umasang babalik pa sa dati ang mga bagay na wala na.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.