Chapter 5

7 1 0
                                    


Paulo's POV

Matagal ko nang alam na kapatid ko si Yanyan pero wala pa akong planong sabihin, but I can't hide it anymore! Nangungulila siya sa kuya niya at ako ' yon. Gusto kong idemanda ang dalawang taong nagpahirap sa kapatid ko. Nang malaman ko 'yon, pinatira ko siya sa bahay ko. Bahay namin. Ako na mismo ang nag-paaral sa kaniya.
Gusto kong mag-sorry sa kaniya dahil kung kinuha ko na siya agad ay hindi niya siguro mararanasan ang ganoong buhay. Damn it!
I know she hates me. Gusto kong bumawi sa kaniya. As her kuya, I want to provide her needs as long as I am alive. Wala man si mama, ay ako na mag magtatayong magulang sa kapatid ko.
She treated me as her bestfriend because she don't even know that I'm her brother. I want her to call me kuya, because I missed it.
I missed her! Kung may pagkukulang man ako. Handa 'kong punan 'yon.

"Kuya Pau! Alis na po ako!" She smiled at me before opening the door.

"I'll pick you up, okay?"

"Hindi na po! May driver naman. And alam ko pong busy ka. Sige kuya, bye-bye!" Hatid-sundo siya ng driver and I don't want her to ride on a jeep or whatsoever. Maraming maniyak dito sa Pilipinas, mahirap na baka ma-dali ang kapatid ko.

***

Yanyan's POV

Todo ngiti akong naglalakad papuntang room at lahat ay binabati ko.

"Good morning po, ma'am!"

"Good morning po, sir!" Pangiti-ngiti lang sila dahil masyado akong FC hehe.
At kahit sa room ay ganoon din.

"Good morning, classmates! How's your day?"

"Good morning din, Yanyan!  Ayos lang naman kami. 'Di ba, guys? "

"Oo nga! Okay kami, ikaw?"

"I'm very okay! I am so happy kaya." Umupo na ako at naghintay sa lecturer. Pero biglang nawala ang ngiti ko. Dahil  napansin kong wala si Krizzy bakit kaya?

"Absent siya," Alam ko! Nako, pinagmumukha nila akong tanga. Hindi ako kagaya ninyo!
Nang matapos ang klase ay wala akong gana.
Don't tell me, galit siya sakin? Puntahan ko nalang kaya ako sa bahay nila?

***

"Hmm, manong driver, pwede po bang ihatid niyo ako sa isang kanto? Mabilis lang po."
Kanina pa ako nakikiusap sa kaniya, hayyy ang loyal niya kasi kay kuya.

"Pero miss Yanyan. Sabi ni sir Paulo ihatid ko na raw po kayo pauwi."

"Huhu, sige na manong driver. Promise, hindi kita isusumbong. Pleaseeeee... " I pouted at puppy eyes. Sana gumana.

"S-sige po, ma'am." No choice siya kaya sinunod na niya ako. Hehe.

"Yehey! Salamat po! Bigyan po kita ng candy mamaya." Tumawa naman siya. Hala, akala ba niya nagbibiro ako? Totoo ang sinasabi ko. Kahit ilang supot pa 'yan.

***

"Manong driver, Wait niyo na lang po ako rito. Saglit lang po ako sa loob." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at bumaba na ako ng kotse. Pagkapasok ko sa subdivision nila Krizzy ay dumiretso na ako sa bahay nila. Alam ko na 'to dahil niyaya na niya ako rito noon.
Nag-doorbell pa muna ako at si Krizzy ang bumukas! Nakatitig siya sakin at hindi ko alam ang  sasabihin.

"Ah... Bakit ka nga pala absent?" Mukhang hindi siya sasagot kaya nagtanong ulit ako.
"Ayos ka lang ba?" Hindi sumasagot pero nakatingin lang siya sakin. "O-o sige mukhang okay ka naman, s-sige alis na ako." Kahit labag sa kalooban ko ay tumalikod na ako.

"Wait!" Lumingon naman ako. Sabi na eh, kakausapin din ako. "A-about kanina, I-im sorry. T-tama ka. M-minahal lang niya ako dahil sa mga bagay na binibigay ko sa kaniya. H-hindi ako naniwala sa'yo and I'm so stupid.
Yanyan! Huhuhu sorry." Yumakap siya sa'kin at napangiti ako. Woahh! Humihikbi siya at hinaplos ko ang likod niya. Hayy, bata pa kasi siya. Huwag na munang love life ang unahin.

"Tahan na. Gabi na oh. Sige na Kriz, good night. Huwag ka nang umiyak, ako papalo sayo." Tumawa siya pero may luha sa mata niya.
"Magkita na lang tayo bukas ah? Bye-bye! Ingat ka ha? Huwag muna love-love, okay?" Nakangiti naman siyang tumango. At kumaway na ako paalis. Dumiretso agad ako sa kotse. Nako, sabi ko saglit lang eh. Pero joke lang 'yon.

"Tara na miss Yanyan. Papagalitan na ako ni sir Paulo," Nagmamadali niyang pinaandar ang sasakyan.

"Pasensya na po, natagalan," Hindi na niya ako sinagot pero sumaludo siya sa'kin.
Nako! Hindi ako sundalo.

****

"I'm home!" Si kuya ang nadatnan ko sa may sala at umiinom ng kape.

"Bakit ngayon ka lang?" Lagot! Tumingin siya sa relo niya at sign na late akong umuwi. "4:30 ang dismissal niyo 'di ba? Bakit 6:30 ka na umuwi?"

"Eh kasi kuya.... Ano... Hm..." Anong ipapalusot ko? Nakapandekwatro siyang panlalaki at nagkibit balikat siya. "Nagpunta po ako sa bahay ng kaibigan ko. A-absent kasi siya kaya kinamusta ko." Tumango tango naman siya.

"Babae ba o lalaki?" Bakit pa kailangang tanungin?

"Babae po. Si Krizzy kaibigan ko since first day of classes. Ipapakilala ko pa siya sayo soon. "

"Alright," Ginulo niya ang buhok ko bago siya pumunta ng kusina. Nagbihis ako at kumain na kami. Ang lungkot nga lang, dahil dalawa lang kami. Nasa ibang dining area naman ang mga maid at driver. Pagkatapos naming kumain at nagsipilyo na ako at nagpaalam kay Kuya sa matutulog na. Hindi ako makapaniwala.
Kaibigan ang turing ko sa kaniya pero kapatid ko pala? Kaya pala ang caring niya sakin.
Kahit hindi niya sabihin na kuya ko siya ay nararamdaman ko naman 'yon.
Nararamdaman kong inaalagaan niya ako bilang nakababatang kapatid. Kahit tatlong taon lang ang agwat ng taon namin ay tinuturing niya akong baby. Baby Damulag sabi nga nila.
Ang pangit pakinggan kung Damulag.. Dapat baby Chuckie!

*Flashback *
 
I am  6 years old back then and he's 9 years old.

"Huwaaaa! Kuya naman eh.. akin yan! Magpabili ka kay mama ng iba. Huhuhu "
Kinuha sakin ni Kuya Pau 'yong Chuckie ko na binila ni mama. Lagi niya akong pinagtritripan. Nakakainis na siya.

"Inom lang ako nang konti, ikaw naman." Yuck! Kadiri. Tapos iinumin ko? Edi indirect kiss? Ewww.

"Hummp! Ayoko na niyan. Sayo na, kuya.
Mama! Bilhan mo ko bago! Huhu.Tawa nang tawa si kuya Paulo. Bad siya.

"Ano ba kayo? Marami akong binili rito.
Huwag na kayong mag-agawan."
Lumiwanag naman ang mukha namin at nagunahan kaming pumunta kay mama.

"Mama, akin na lang lahat!"

"Hala, kuya naman eh! Aagawan mo na naman ako. Hummp I hate you..." Nakakatampo na si kuya. Lagi na lang akong inaagawan.

"Hindi, biro lang. Sa'yo sampo, sa'kin din sampo para pantay." Ginulo niya ang buhok ko kaya napangiti ako.

"Mama! Bukas bilhan mo po ulit kami, ha? 'yong maraming-marami!" Pangungulit ko kay mama.

"Mama, sa'yo isa, tikman mo." Binigay ni kuya kay mama  'yong chuckie niyang isa.

"Huwag na, anak. Sa inyo na lang 'yan. Kayo ang Baby Chuckie ko eh! Hali nga kayo rito."
Niyakap niya kami nang mahigpit. Na akala mo magtatagal. Dahil ang yakap niyang 'yon ay nananatili na lang bilang isang memorya.
Kusang tumulo ang luha ko. Mama, miss na miss na kita! Sana nandito ka pa. Magkakasama na po tayo. Nandito po si kuya, mama, mahal na mahal ka namin. Gusto ko mang sambitin ay hindi ko na magawa dahil hindi na niya maririnig kailanman.

Unequal FateWhere stories live. Discover now