Yanyan's POVNasa science laboratory kami ni Kriz dahil pareho kaming med student. Plano kong magdoktor, at si Kriz naman ay nurse.
Gusto ko, kapag naka-graduate na ako. Sabay kaming magtatrabaho sa isang ospital."Cut," Nagkukunwari akong doktor at si Kriz ang assistant ko.
"Ms. Martinez! You're not allowed to touch those things unless you're instructed to." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil mukhang galit na si ma'am Stark.
"Sorry po, ma'am." Umupo kami ni Kriz at kanina pa siya tawa nang tawa. Nagpapraktis lang naman ako eh.
"Excited ang Yanyan ko, huwag kang mag-alala. Malapit na rin 'yan mangya-" Tinignan ko siya nang masama kaya nag-pout ito.
Nagsimula na ang klase ngunit natigil ako sa pakikinig dahil nakita ko sina Tristan at Cath sa labas ng laboratory. Nagtatawanan sila at sobrang landi nila."Ms. Martinez, come in front." Tumayo ako dahil sa sinabi ni ma'am. Ako raw ang magsisilbing pasiyente at siya ang kukuha ng BP ko. Itinuro ito kung paano at lahat sila ay nakatingin sa amin. Sumunod naman akong kumuha ng BP kit para maging pasiyente ang iba naming kaklase. Nang matapos na ay may kumatok sa pinto.
"Good morning, ma'am." Lumingon ako at si Tristan iyon. Umupo siya sa upuan kaya't nagulat kaming lahat. Huwag niyang sabihing kukuhanan ko siya ng BP?
"Mr. Montenegro, what are you doing here?" Tanong ni ma'am Stark.
"I will be the patient," Seryosong sagot ni Mokong. Ibinaba ko ang stethoscope ngunit hinawakan niya ako sa kamay.
"Doc, hindi mo ba ako gagamutin?" Napalunok dahil sa sinabi niya. Inhale, exhale. Naiinis ako, 'ayan na naman. May hika na naman ako.
"Yanyan! Yieeehh." Hiyaw ni Kriz at pati ang iba naming kaklase ay napapangiti.
"Ms. Mendoza! Please be quiet!" Saway ni ma'am Stark. Ang ingay-ingay kasi.
"I-itaas mo 'yang kamay mo," Nauutal kong sabi. Nakakainis naman, bakit ako nauutal? Eh noon naman ay hindi. Itinaas niya ang kamay at ipinatong sa lamesa. Magkaharap kami at pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako. Hinanap ko ang pulsuhan niya at sa akin lang siya nakatingin. Huwag mo akong tignan! Ninenerbyos ako. Nang matapos ko na siyang makuhanan ay tumayo siya at nagpaalam na.
"Sa susunod, Ms. Martinez, sabihan mo 'yang boyfriend mo na huwag na siyang papasok bigla ulit sa klase ko. Nakakaistorbo siya, understood?" Tumango ako at hindi na ako nagsalita. Umupo na ako at panay ang asar sa akin ni Kriz.
"Yieeeh, kinikilig siya. Anong feeling? Nakita ko kanina pinagpapawisan ka, hahaha." Tumawa siya. Hinawakan ko ang dibdib ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim ngunit walang nagbago.
"May hika 'ata ako," Nagtakip si Kriz ng bunganga at napaka-OA niya talaga. "Recess na tayo, nagutom ako bigla." Lumabas na kami ng classroom dahil break time na rin naman. Nakaupo kami sa may canteen nang mapansin ko si Tristan na mag-isang nakaupo sa bench.
Wala akong pakialam sa kaniya!"Gusto mo na talaga siya 'no? Kanina ka pa nakatingin sa kaniya." Umupo ako nang maayos at itinuloy ang pagkain.
"Kriz," Lumaylay ang balikat kong tanong.
"Bakit? May sakit ka ba?" Hindi ko alam kung matatawa ba o hindi. Seryoso na nga ang usapan, mali-mali naman ang tinatanong niya.
"Wala. Bilisan mo na, baka ma-late tayo." Tumayo na ako at sumunod siya.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.