Yanyan's POV
"Hoy, Dianne! Anong tinutulog-tulog mo riyan!? Maglinis ka!" Naramdaman ko na lang na nasa sahig na ako. Huwag mong sabihing nahulog ako? O inihulog ako!?
Hindi na ako nagreklamo at naglinis na lang.
Nakita ko naman silang nakarelax lang. Wow! Wow lang talaga.
Nagpupunas ako ng sahig at kanina pa tumutulo ang pawis ko. At ang nakaka-asar pa ay nilalakaran nila ang sahig na pinupunasan ko!
Easy ka lang, Dianne, huwag kang mapikon.
Nawawalan na ako ng pasensya!
"Oh, bakit ka tumigil!? Pagod ka na ba!?" Lumapit si Cath sa'kin at hinila ang buhok ko!
Takte talaga! Animal siya.
Tinignan ko siya nang masama at kumuha ng basahan at 'ayon! Pinunasan ko 'yong mukha niyang sing dumi ng basahan.
"H-how dare you!" Isang malakas na sampal ang naramdaman ko mula sa kaniya. Tss loser.
Hinila niya ako patayo at sasampalin ngunit pinigilan ko na siya. Sarkastiko akong tumawa."Sa tingin mo ba hindi kita papatulan!? Mayabang ka lang naman kasi nandiyan ang impakta mong nanay!" Hinawakan ko siya sa kwelyo at idiniin sa pader.
"Isang beses mo pang gawin ito, masasapak na kita. Wala akong pakialam kahit magsumbong ka pa sa walang kwenta mong nanay! " Tinalikuran ko na siya pero pagharap ko ay malakas na sampal NA NAMAN ANG NARAMDAMAN KO!"WHO GAVE YOU THE RIGHTS PARA SAKTAN ANG ANAK KO!?" Galit na galit na sabi ng nanay niya. I sarcastically smiled.
"Bastos ka!" Isang malakas na sampal nanaman ang naramdaman ko.
Tumingin ako sa kaniya at hindi ininda ang sakit.
"Lumay---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nagsalita na ako."Oo, lalayas na ako sa impyernong bahay na'to! " Tatalikod na sana ako nang magsalita ulit siya. Ang daldal din!
"Wala kang utang na loob! Ako nag-alaga sayo! Tapos ito gagawin mo!?" Nanginginig siya dahil na rin siguro sa galit niya sa'kin.
"Nag-alaga? Talaga ba!? Eh parang hayop nga ang turing niyo sakin! Nagsisi ako na tumira sa bahay ninyo! Sa araw-araw ninyong pananakit sa'kin, tiniis ko. Pero sumosobra na kayo eh. Sobra-sobra na! Huwag kayong umastang akala ninyo mga anghel kayo, pero ang totoo mga demonyo!" Gusto ko silang ilibing ng buhay, pero masama 'yon kaya huwag na lang. Baka makulong pa ako.
"Kung aalis ka ngayon, saan ka titira!? Wala ka namang pera 'di ba? Kahit piso wala! " Si tita Elly pa rin ang nagsalita.
"Eh, ano naman?" Taray mo, Dianne. Saan ka tutuloy niyan?
"Huwag kang ma-pride, Yanyan." Pride? Conditioner? Dumiretso ako sa kwarto at nagempake, wala akong pakialam kung saan man ako matutulog. Ang mahalaga nakaalis na ako sa bahay na'to.
"Psh, tignan natin kung saan ka pupulutin," Hindi ko na pinansin si Cath at umalis na ako sa bahay nila. This is my freedom! Omagahhdd!
Nakahawak ako sa dalawang maleta, hayy akala mo nagibang bansa eh. Puro damit lang naman ang laman niya. Naupo muna ako sa isang bench at uminom ng tubig. Jusme! Saan ako matutulog nito? Tumingin ako sa relo ko na lumang-luma na. Feeling ko nga masisira na eh. 9:30 na ng gabi ay inaaantok na ako. Matulog na lang kaya ako rito? Pero huwag na, baka manakaw pa ang mga damit ko. Saan na ako pupunta nito! Ikaw kasi Yanyan eh, bakit ba kasi umalis ka pa.
Mamalimos kaya ako? Kaso gabi na eh. Hayyy.
* Hikab * Nahiga na ako sa bench at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.