Chapter 17

6 0 0
                                    


Yanyan's POV

Pagkarating ko sa school ay nakita kong masayang naglalakad si Tristan at Catherine. Umagang-umaga, naglalandian. Dumiretso na ako sa room at napansin ko siyang lumabas galing doon. May pahatid-hatid pa siyang nalalaman, feeling boyfriend. Hayyy! Ang ganda-ganda ko para masaktan lang.

"Excuse," Sabi ko nang bigla niyang harangan ang dinadaanan ko. Ngumisi siya na parang nang-aasar.

"Miss mo ako, noh?" Hinawi niya ang buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko. Lumunok ako nang paulit-ulit na para na naman akong may hika. "Umagang-umaga nauuhaw ka? Wait.." Inilabas niya ang wallet niya at nagulat ako nang bigla niya akong bigyan ng 1000.

"Aanhin ko 'to?" Taka kong tanong pero naiinis na talaga ako.

"Ikaw bahala kung kakainin mo 'yan o ipambibili mo ng tubig," Humalakhak siya bago umalis.

"Baliw talaga," Singhal ko.

"Wahhh Yanyan!" Narinig ko na ang boses ni Kriz at patakbo siyang lumapit sa'kin. "Na-miss kita," Yumakap siya sa akin at gan'on din ako.
Mabuti na lang at dumating siya, dahil kung hindi, nako, baka sira na ang buong araw ko.

"Yanyan, feeling ko talaga magjowa na 'yang dalawang 'yan," Bulong ni Kriz habang nakatingin sa naglalakad na si Tristan at Catherine na malandi. PDA masiyado, baka nakakalimutan nilang nasa school sila? Sabagay, wala namang pinipiling lugar ang pagiging malandi.

"Eh ano naman?" Hindi ko maiwasang mainis sa nakikita ko.

"Nagseselos si Yanyan, hahahaha," Sinundot niya ako sa tagiliran at nakikiliti ako. "Kinikilig din," Umupo ako nang maayos at tinignan siya nang masama.

"Soweee," Nag-peace sign siya. Ang cute niya talaga, nakakagigil.

"Hey, girls!" Lumapit si Theodore kay Kriz at nagyakapan sila.

Kahit 'san tumingin ang daming nahuhulog sa isa't isa~
Ba't sa'kin ay wala~
Lumapit ka~
Asan ka na ba?~

Kainis naman nitong kanta sa canteen, nananadya sila.

"Dianne," Unti-unti akong lumunok dahil sa boses na 'yon. Huminga pa ako nang malalim dahil hinihika na naman ako. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo, kapag nauuhaw ka ay bumili ka ng tubig? Binigyan pa kita ng 1000 kanina," Tinignan ko siya nang masama at humagalpak siya sa tawa.

"Bakit ka na naman ba nandito?" Inis kong tanong at tumingin naman siya sa paligid.

"This is canteen, right?" Nag-pout na lang ako pero naiinis ako sa kaniya.

"Alam ko, pero hindi 'yon ang point ko!" Sigaw ko at nagulat ako dahil lahat sila ay tumingin sa akin.

"What's your point then?" Lumapit siya kaya't napaatras ako. Unti-unti siyang yumuko at ramdam ko ang hininga niya nang bumulong siya sa akin. "Baby," Lumayo siya at naglakad na paalis. Uminit ang buo kong mukha at kanina pa ako hinihika. Napapalunok ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko naman masasabing kinikilig ako dahil hindi naman ako nakangiti. Pinagtitripan lang niya ako, tama, tama. Matagal ko nang tinapos ang pagtawag sa kaniya ng Baby pero bakit niya tinuloy? Bastos talaga siya, hindi niya alam kung ano ang magiging epekto n'on sa'kin.

"Aaaackk! Yanyan koooooo, nakita ko 'yon!" Nakahawak si Kriz sa pisngi niya at alam kong kinikilig siya, ako rin. Ay hindi, hindi ako kinikilig.

Unequal FateWhere stories live. Discover now