Tristan's POV"Abnormal kasi siya." Damn it! Why can't I stop laughing. She glared at me and I know she's mad.
"Titigil ka o hindi!?" She shouted. Ang cute-cute niya kapag galit."Hindi," Tumawa ako at lalo siyang nainis.
"Arghh! Bwiset ka!" Hinawakan niya ako kwelyo at kitang-kita sa mga mata niya ang pagka-inis. "Isang beses mo pa akong inisin, baka masapak na kita." Pabagsak niya akong binitawan. Do you think kaya mo ako? Ts, I don't think so.
"Hey, what's going on?" Theo asked.
"Nothing," I just laughed and followed her.
Yanyan's POV
Padabog akong lumabas ng bahay nila at nagpapadyak-padyak dahil sa inis.
Kalma ka lang Yanyan... * Inhale * * exhale *"You look so stupid," Halos mapatalon ako sa nagsalita. Hindi na ba niya ako titigilan?
"Bakit ka na naman ba nandito?" Inis kong tanong.
"Bakit, bawal ba?" Humalakhak siya at sumakay sa kotse niya. Sige umalis ka , mas mabuti pa! Bwiset!
"Oo bawal! Huwag ka nang bumalik dito!" Pinanood ko siyang umalis at pinakalma ang sarili. Kasalanan 'to ni Kriz, kung sana'y hindi niya ako pinapunta rito, edi sana hindi ako nababadtrip.
"Uy, saan ka galing?" Si Kriz.
"Isa ka pa!" Sinamaan ko siya ng tingin. " Hindi pa ba tayo uuwi? Naiinip na ako."
"Kasi, wala si Tristan?" Humagalpak siya sa tawa.
"Pwede ba? Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya!" Lalo siyang natawa. Isa rin 'to, sarap sapakin.
"Tristan, Tristan.. Tristan.." Ibinato ko sa kaniya 'yong unan at tumakbo. " Waaa, love oh.. si Yanyan binabato ako." Nagtago siya sa likod ni Theo. Tumawa naman ito at umiling.
Itinuloy ko na lang ang panonood, action movie kaya hindi boring. Lumingon ako sa pwesto nila Kriz at ayon, naglalandian."Required bang magyakapan habang nanonood?" Tanong ko dahilan para mapalingon sila.
"Asuusss, may bitter." Si Kriz at nagtawanan silang dalawa. "Love, say Ah." Ngumanga naman si Theo at nakangising kinagat ang fries.
"Subuan din kita. Say ah. " Si Kriz naman ngayon ang nakanganga at kinagat ang...HOTDOG? BAKIT MAY HOTDOG!!
"I love it," Naghalikan sila kaya hindi na ako tumingin. Ang SPG! Uminom na lang ako ng chuckie at itinuloy ang panonood.
"Gusto mo rin bang subuan din kita?" Halos mabulunan ako sa kinakain ko nang marinig ko ang boses niya. Kunwari akong inubo. Takte!!!
"Sabi ko kasi sa'yo, huwag kang kakain nang marami. 'Yan tuloy, inuubo ka na naman." Kumuha siya ng tubig at ibinigay sa'kin.
Nang makuha ko ay bigla siyang tumawa nang malakas. Pati ang dalawa ay lumingon. Akala ko ba umalis na siya? Bakit siya bumalik!
Bwiset na!! Ayoko na!!"TRISTAN!!!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kahit maingayan silang lahat.
"Bakit, miss mo na ba ako, baby?" Kumindat siya sa'kin habang nakangisi. Baby!? Ha! Gago ka ba!?
"Uy, Yanyan. Kayo na ba!?" Tanong ni Kriz.
"Hinde!" Inis kong sagot. Humalakhak silang lahat at si Tristan ang pinakamalakas.
Bwiset kayo!! Lumapit ako kay Tristan at hinila siya palabas. "Talagang trip mo ako eh 'no!?" Inis ko siyang binitawan.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.