Chapter 15

8 0 0
                                    


Yanyan's POV

Pagpasok ko sa classroom namin ay nadatnan ko si Tristan na nakaupo sa kaniyang upuan na parang may hinihintay. Takte! Baka ako? Chos.
Bakit siya nandito? eh sa kabilang section siya.

"I'm waiting for someone," Seryosong sambit niya. Bakit gano'n? Kahit seryoso, ang gwapo-gwapo? 

"Walang nagtanong," Umupo na lang ako at idinial ang number ni Kriz. "Ang tagal mo naman, nasaan ka ba?...ah sige. Ha? Wala akong kasama...oo nga..sige.." Ibinaba ko ang cellphone nang biglang may pumasok na babae, at 'yon si Cath. Grabe talaga, ano 'to? Love triangle?

"Let's go?" Tanong ni Tristan na ngayon ay naka-akbay na kay Cath.

"Hala! Teacher! May PDA rito!" Sigaw ko at bigla silang nagkahiwalay. Nag-bleh ako sa kanila sabay dial ng number ni Kriz. Narinig kong nagmura si Tristan pero hindi ko na ito pinansin dahil lumabas na rin sila. Ang landi-landi ninyo. Hindi na kayo nahiya.

"Yanyan! Good morning." Tumakbo si Kriz papalapit sa akin at niyakap ako. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa nakita ko kanina.
Naiinis ako. "Ay, bakit sad ang Yanyan ko?" Ngumuso si Kriz at hinawakan ako sa dalawang pisngi. Ang cute-cute niya kaya niyakap ko na rin siya.

"Umupo ka na. Mamaya nandiyan na teacher natin." Sabi ko sa kaniya at agad naman siyang umupo.

"May chika ako," Bulong niya sa akin at isinenyas na lumapit ako. "6 months na 'yong tiyan ni Catherine" Lumayo ako sa kaniya dahil naiinis ako kwento niya.

"Huwag mong babanggitin ang pangalan niya. Naiinis ako." Sabi ko sa kaniya at bigla siyang natawa.

"Nagseselos ka lang eh. Huwag ka na kasing umasa kay Tristan. Nandiyan naman si MR. SANTOS." Diniinan niya 'yong MR. SANTOS at saktong pumasok na ito.

"Good morning, Yanyan." Kumindat si Jericho sa akin at hindi ko maitatangging gwapo siya.

"Nandito rin ako. Huwag kang favoritism, Jerico." Singhal ni Kriz at sinamaan niya ito ng tingin.

"Oh, good morning din, Krizzy." Bati niya kay Kriz. Napangiti siya at ang cute-cute niya talaga.
"You're so Krizzy." Humagalpak kami sa tawa dahil sa biro ni Jerico. May sense of humor din pala siya. Hindi tulad ni Trist--

"Isusumbong ko kayo kay Theo," Nagtampo si Kriz kaya lalo kaming natawa.

____

"Jerico, ito pala 'yong jersey mo oh." Ibinigay ko ang jersey niya ngunit hindi niya tinanggap.

"Huwag mo nang ibalik. Remembrance mo na sa akin 'yan." Ngumiti siya.

"Sigurado ka? Sabagay, maganda 'yong jersey mo. Sige, akin na lang. Huwag mo nang babawiin, ha?" Tinupi ko 'yong jersey at ibinalik sa bag ko.

"Oo naman," Nakangiti kaming naglakad papunta sa classroom nang makita namin si Tristan.

"May laro tayo mamaya, sabi ni coach." Si Jerico ang kinakausap niya at hindi siya makatingin sa akin. Magsama kayo ni Cath!

"Sige, sige, anong oras?" Tanong ni Jerico pero nilampasan niya lang ito. Napakabastos talaga niya.

"Grabe talaga, ang sama-sama ng ugali." Singhal ko habang nakatingin sa naglalakad na si Tristan.

"Hayaan mo na, ganiyan talaga 'yan. Sige, Yanyan, sunduin ko lang girlfriend ko." Pagpapaalam niya.

"Pakisabi sa kaniya, sa'kin na lang 'tong jersey mo." Tumawa siya ngunit bakas sa kaniyang mata ang lungkot.

Unequal FateWhere stories live. Discover now