Yanyan's POVNakasakay ako sa kotse dahil ihahatid daw ako ni Pau, sobrang bait talaga ng kaibigan ko. Mana sa'kin. Bumaba ako ng kotse at napatingin ako sa kaniya dahil iniabot niya sa'kin ang isang cellphone. Aanhin ko naman ito?
"Just call me if you need anything,"
"T-teka, Pau naman eh. Hindi ko ito matatanggap," Ibabalik ko na sana pero tinignan na niya ako nang masama. Okay, okay, no choice kaya kinuha ko na lang. Sabagay, wala naman akong cellphone at mas mabuti na ito for emergency. "Salamat!" Yumakap ako sa kaniya at kumaway. Nakangiti naman niya akong pinanood hanggang sa makapasok sa gate. Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyante, ngayon lang ba sila nakakita ng transferee? Hinanap ko na agad kung nasaan ang section ko pero may nakabangga ako. Takte! Nahulog 'yong mga libro niya kaya pinulot ko.
"S-sorry.." Mukhang mabait naman si ate girl dahil hindi naman nagalit. Ngumiti pa nga siya sa'kin eh. Pagkapasok ko sa room ay biglang tumahimik ang klase. May bago kasi at ako 'yon.
Binati naman ako ng teacher at sinabing magpakilala ako."Good morning, everyone. My name is Dianne Martinez. But you can call me Yanyan for short. And by the way, I'm friendly. " Sabay kindat sa kanila at tumawa naman sila.
"Okay, Yanyan, you can take your sit," I smiled at umupo sa likod dahil 'yon na lang ang available dito.
"Hello, Yanyan!" Grabe, first day ko pa lang dito pero mukhang mayroon na akong magiging kaibigan. Ngumiti ako kay girl, dahil diko naman alam kung anong name.
"I am Krizzy, nice to meet you." Krizzy pala ang name. Maganda siya and ang cute ng cheeks.
Pwede papisil? Char. Siya ang seatmate ko at dahil madaldal siya, napapasabay na rin ako. "Yanyan, alam mo ba..." Hindi eh.
"May gwapo sa kabilang section, kaso masungit. Pangit ng ugali. Sayang lang dahil walang nagkakagustong lumapit sa kaniya except sa girlfriend niya at 'yon si Ericka. Bagay sila eh, and sini-ship ko rin sila. Parehong masungit. Uy.. Yanyan..." Nakapikit ako pero kanina pa rin siya daldal nang daldal.
"Nakikinig ka ba? Uy... Madaya naman ito, kanina pa ako nagsasalita tapos tulog naman pala hummp..." Parang bata."Sige lang, ituloy mo. Nakikinig ako," Porke ba nakapikit, tulog na agad?
"O sige, itutuloy ko na. Mayaman siya at marami ring nagkakagusto sa kaniya. Except sa'kin. May boyfie na ako eh. Ah speaking of boyfie." May narinig akong tumawag sa phone niya hayyy.. puro lovelife. "Hi, Ken! Miss na kita huhu." Pahina na nang pahina 'yong boses niya at mukhang umalis na siya sa tabi ko.
***
"Yanyan! Waaaaa wait, hihi. " Patakbo siyang lumapit sa'kin at nakahawak sa braso ko.
Ang close na mas'yado ah, samantalang ako nahihiya. Pero 'pag naging close tayo, alam mo na. "Ano nga palang bibilhin mo? Tara pila tayo roon. Baka maunahan pa tayo. Mahirap na, marami kasing MANG-AAGAW." Pakiramdam ko, may pinariringgan siya. Nice one. Pero hindi ko na pinansin. Tatanungin ko na lang mamaya. Bago kami makarating sa table namin ay may humarang sa dinadaanan ko.
Pa'no kung magaya ako sa Wattpad story, 'yong mga binubully, nako ayoko n'on!"Kung may plano kayong ibully ako, pakiusap , ayaw ko ng gulo. Kung may nagawa man ako sa inyo pasen---- "
"Tch, crazy," Nakahinga pa ako nang maluwag dahil hindi nangyari ang inaasahan ko.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.