Yanyan's POV"Aaaahhh! Yanyan! Ipapakilala na ako ni Ken sa pamilya niya! I'm so excited!" Kanina pa siya sigaw nang sigaw, eh katabi lang naman niya ako. Parang araw-araw naka-megaphone!
"Tara sa mall mamaya, bibili ako ng damit tapos libre na rin kita. Ano, deal?" Kanina pa siya daldal nang daldal at ayoko sa lahat ang nililibre. May pera naman ako at dahil 'yon kay Pau."Ikaw na lang, medyo sumakit ulo ko," Bigla namang lumungkot ang mukha niya.
"Ay, gano'n ba?" Sabi na eh, matampuhin talaga.
"O sige na nga! Tara na," Lumiwanag 'yong mukha niya hayyy...
"Yeyy! Lab na lab mo talaga ako!" Yumakap siya sa'kin at medyo tumingkayad siya dahil hindi niya ako abot.
____Para akong shunga rito na nakasunod sa kaniya. Kung ano-ano kasi ang binibili niya kahit 'di naman kailangan. May mga sapatos, damit, notebook, libro, pagkain, rice cooker, washing machine....
"Teka nga, Krizzy! Lalayas ka ba at ganito bibilhin mo?" Grabe naman kasi ito.
"Baliw, hindi hahhaha, ireregalo ko 'yan kay Ken! Syempre, alam mo na. Baka iwan niya ako kasi hindi ko nabili ang gu--"
"Ano!? Ibig mong sabihin, minahal ka lang dahil binibigay mo ang gusto niya!? Aba't ang gago naman niya." Hindi ko maintindihan dahil ganito ang ginagawa niya. Siya ang babae at dapat siya ang ituring na prinsesa, hindi 'yong siya ang magpro-provide sa needs ng boyfriend niya. Ano siya, magulang? Takteng 'yan.
"Huwag mo nang ituloy 'yan," Napatigil naman siya sa pagtutulak ng cart at tumingin sa'kin."What!?" Hindi ba niya ako maintindihan?
Ibinalik ko lahat ng binili niya at bigla niyang hinawakan ang braso ko. " Huwag na huwag kang mangingialam," Gulat akong tumingin sa kaniya. Seryosong-seryoso siya."Hindi naman sa pangingi-alam pero kasi---- " Dumiretso na siya sa counter at binayaran lahat ng binili niya. Lumabas siya ng mall at hindi na niya ako hinintay. Akala ko ba ililibre niya ako?
Sinungaling din. Kung bibilhin niya lahat ng gusto ng boyfriend niya, ano na lang ang matitira sa kaniya? Parang materyal na bagay lang naman ang habol sa kaniya ng boyfie~ niya . Hayyy, sakit sa ulo. Naghihintay ako ng jeep pero wala na, gabi na rin kasi kaya malabo na ring may dumaan. May pera ako pero baka maubos kung magta-taxi ako. Nakakahiya naman kay Pau. Nako naman! Ibalik niyo ako sa probinsya, 'buti pa roon, mura lang! Nakakabanas talaga.
Tawagan ko kaya si Pau? Aha! Tama.
Mabuti na lang at alam ko na kung paano gamitin 'tong cellphone na 'to.[ What is it? ] Sa boses niya at halatang pagod na siya sa trabaho, wrong timing naman kasi.
Magpapasundo sana ako."Ah...hehe n-nakauwi ka na ba?" Hindi ko pwedeng sabihin na magpapasundo ako dahil alam kong pagod na siya. Ayaw ko ring maging pabigat.
[ Yeah, Hindi ka pa raw umuwi sabi ng mga maid. Where the hell are you!? ] Hala! Lagot.
Galit na siya..."Ah, nasa ano ako. P-pauwi na ako.." Hay nako, Yanyan anong pauwi, eh wala ka ngang masakyan.
"I'll pick you up. Just wait there. Open your GPS."
"T-teka, ano 'yong GPS?" Ano bang pinagsasabi niya?
"Damn it!" Hala! Sorry naman. Ano ba kasi sinasabi niya? Mabuti na lang at may nakita ako sa kalsada. 'Ayon! Nakita ko na.
"Nandito sa may ano, tapat ng magsaysay street. Hehe, pero huwag mo na akong sundu--" Nagsasalita pa lang ako pero pinatay na agad. Hayyy.... Naupo ako sa isang bench at tumingin sa cellphone ko, nako! 7:00 na pala. Kasalanan 'to ni Krizzy, kung iiwan din pala niya ako edi sana 'di na ako sumama.
* Yawn * Iidlip na sana ako nang may humintong sasakyan sa harap ko. Si Pau na siguro 'to.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.