Yanyan's POV
"Manahimik ka nga! Naiirita ako sa'yo."
Umupo siya sa tabi ko at dinadaldal ako.
Alam kong si Headphones boy ang nagligtas sa'kin. At napaka OA rin kasi ng kaibigan ko."Asusss! Kunwari ka pa, eh kinikilig ka rin naman. Sabi mo, iniligtas ka niya? Ohmyghoshh! Anong feeling?" Nag-ngising aso siya at kumindat. Abnormal!
"Anong feeling? Nakakatakot." Nawala ang ngisi niya at inakbayan ako.
"Talaga ba?" Inayos niya ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko. Aba! "Eh, bakit namumula ka?"
Tumayo ako kaya nagulat siya."Anong namumula!? Alam mo Kriz, nakakainis ka na. Pwede ba, stop talking about him." Humalakhak siya at pinalo ang mesa niya. "Anong nakakatawa!?" Lumabas ako ng room. Nakakairita na.
"You don't want to talk about me, huh?" Halos mapatalon ako sa nagsalita. I saw him, pero nilampasan niya ako. Teka, bakit. Bakit, niya ako kinakausap? Huwag niyang sabihing gusto niya ako? Oh no! Kahit maganda ako, hinding hindi ako papatol sa kaniya. Mataas ang standard ko sa mga lalaki, at hindi siya qualifed doon.
"Hoy! Tulala ka?" Nandito kami sa canteen para kumain siyempre. Hindi ako maka-focus sa kinakain ko dahil naaala ko ang mga sinabi ni headphones boy. Marami akong tanong na hindi nasasagot. Ah! Tatanungin ko na lang siya mamaya. "Sus ginoo ka, Yanyan. In love ka na ba?" Nagpatayo ako sa sinabi niya kaya napatingin 'yong ibang estudyante. Grabe, I'm so embarrassed.
"What!?" Humagalpak siya sa tawa pero nang tinignan ko siya nang masama ay tumigil siya.
Alam ko kung ano'ng iniisip niya, pero mali siya.
Hindi ko gusto si headphones boy. At 'yon ang totoo. Nakaupo ako sa isang bench at umiinom ng chuckie habang pinapanood ang mga nagbabasket-ball. Free time ko rin naman kaya mas okay na 'to. Absent naman si Kriz, may diarrhea raw, kung ano-ano kasing kinakain. Pati panis."Good job, Tristan!" Ani ng BEST FRIEND niya.
Umupo sila sa bench na inuupuan ko kaya tumayo na ako. Hinarap ko si Cath at bahagya siyang napa-atras. Sinampal ko siya."Gano'n ka ba gumanti!? Napaka-immature! Ah, sabagay, anong aasahan ko sa'yo? Eh immature ka." Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa kaniyang pisngi. "Does it hurt? Ohh, my bad," Tinapik ko ang pisngi niya saka ako umalis.
___
"Who are you to hurt my best friend!?" Narinig kong nagsalita si Tristan kaya natigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya at mukhang galit. Wow, siya pa ang may ganang magalit.
"Anong pakialam mo? Ikaw ba ang sinaktan ko at ganiyan ka umasta? Pfft, magkaibigang tanga." His jaw clenched at nagpipigil ng galit.
Magalit ka lang, wala akong pake. Ngunit, hinawakan niya ako sa braso. Nag-slowmotion ang lahat parang sa panood. Ano ba Yanyan , ang korni mo. Napatingin ako sa kamay niya dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak. Takte! Ang sakit. "Bitawan mo nga ako! Ano ba!" Hinila niya ako paharap sa kaniya."Huwag na huwag mong sasaktan si Catherine, baka masapak na lang kita bigla."
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin."Nasaktan ko na siya, bro. Wala ka nang magagawa." I laughed bago ko siya tinalikuran.
Hayy, mga shunga. Nagmura siya nang paulit-ulit at narinig kong may binasag siya. Magbasag ka lang, WALA AKONG PAKE. Nang makalabas ako ng school, I realized. Ang sama ko! Oo na, pangit ugali ko. Pero maganda ako.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.